Kabanata 5

3.9K 228 8
                                    

Kabanata 5:
The Prince's Plan

Pinaliwanag lahat ni Ezeli ang tungkol sa benefits na makukuha sa Red Camellia hanggang sa nabanggit na niya ang ibang mga halaman na katulad rin nito. Hindi niya napansin na kanina pa nakatitig ang hari sa kanya dahil sa angking talino nito at pagka-interesado sa mga bagay katulad ng halaman.

Napatingin na lang si Ezeli sa hari ng tumahimik ito. Base sa itsura, parang nag-iisip ito at halata rin ang gulat sa mukha.

"Hm... batay sa aking na obserbahan, it seems that you know these kind of thing. Hindi ko inasahan na may kaalaman ka pala sa mga ganito." Sabi ng hari kaya hindi napigilang mapatigil si Ezeli.

Oo at may kaalaman siya dahil trabaho niya ito noon ngunit kung tatanungin ang isang Lady Ezeli ay talagang nakakagulat iyon.

"A-ah, eh.." Anong sasabihin ko? Na trabaho ko na ito noon?

"P-pinag-aralan ko po kasi ang mga ito sa bahay kasi wala akong magawa." Sagot ni Ezeli habang nauutal because it's actually...

A lie, mangiyak-iyak niyang sabi sa isip. Wala na kasi itong maisip na dahilan upang paniwalaan pa siya. She may be good at pretending but telling a lie is too much for her.

Nakita ni Ezeli na ngumiti ang hari kaya medyo nabawasan na rin ang kaba niya sa dibdib. Parang hindi naman nahalata ng hari ang kanyang pagdadalawang-isip kaya okay na siya at nakakahinga na. Tinignan niya muli ang Red Camillia at doon niya lang napagtanto kung bakit ito ang pinili ng dating Ezeli ng bata pa ito.

Napakaganda ng bulaklak at may kulay pula itong petals na maihahalintulad ng kanyang magandang kulay pula na buhok. Hindi naman sa nagmamayabang pero oo at maganda talaga si Ezeli. Masasabi mo talagang isang natatangi at pambihirang kagandahan na mayroon siya na sinabayan pa ng magandang buhok.

"Ama."

Napatigil sa pagmuni-muni si Ezeli ng marinig niya ang boses ng isang tao na talagang iniwasan niya. Hindi na sana siya magulat pa dahil nasa palasyo siya, nasa palasyo nakatira at nagtatrabaho ang prinsipe.

Tumingin si Ezeli rito at saglit na iniwas ang tingin. Hindi siya makatingin ng diretso dahil nga sa nahihiya siya at ayaw niya ring isipin nito na nandito siya sa palasyo upang kulitin na naman ang prinsipe. That thought really bothers her kaya kung puwede ay ilalayo niya ang sarili sa prinsipe at ng hindi rin ito mainis sa kanya.

Shoot. Now what? Di'ba sabi ko na na nandito siya?

Kahit napilitan ay yumuko si Ezeli upang batiin ito. "Nagagalak akong makita ka, prinsipe." Bilang tugon din at pagbibigay respeto sa pagbati ni Ezeli ay yumuko rin ang prinsipe.

"Buti at nakarating ka, anak. Halika muna at samahan mo kami ni Lady Ezeli. Sigurado akong na-mi-miss ka na nito." Pabirong sabi ng hari at tumawa pa ito.

Hindi alam ni Ezeli kung anong reaksyon ang gagawin niya sapagkat kitang-kita sa mukha ng prinsipe na hindi ito natutuwa sa biro ng kanyang ama. Bakit? Gusto ko rin ba to?

Pilit na tumawa si Ezeli pero sa kaloob-looban niya ay naiiyak na siya. Mas gustuhin niya pang mag-isa na lamang kaysa samahan pa sila ng prinsipe baka ay mas kainisan pa siya nito.

Napatingin si Ezeli sa espada na nakasabit sa baywang nito at mas naiyak. Baka sa sobrang inis nito sa akin ay papatayin niya ako gamit ng espadang iyan huhu~

"Wag na po nating abalahin ang prinsipe, mahal na hari at baka ay na esturbo lang natin siya sa kanyang trabaho. Mas importante ang trabaho kaysa sa bisita." Pilit nangiting sabi ni Ezeli upang hindi na ito sumama pa sa kanila.

The True HeroineWhere stories live. Discover now