CHAPTER 9 ~ New side

Start from the beginning
                                    

Me: Ang manyak mo! Baka nga pinag nanasaan muna ako eh!

Tanda: Never

Me: Wag mo nga akong ginugulo.

Tanda: I'm not, you are.

Me: Pwede ba Kelvin,  wala akong panahon makipaglaro.

Tanda: You're not a playmate either .

Mga nonsense na sinasabi niya kaya di na ako nagreply. Ni lock ko paring ang pinto knowing that he can still open it. Matutulog nalang ako, nakaka drained si Kelvin. Nakakaubos siya ng dugo.

Umaga na ng magising ako,  di nga ako naka pag dinner, sa pagod narin siguro,  bumaba na ako. Hindi ako nag ayos, kahit nag suklay lang, wala namang sisita sakin kasi wala naman ako sa bahay namin,  wala si Daddy at Mommy na parating pinupuna mga kamalian ko.

At di naman sumasabay si Kelvin ng breakfast, di ko nga alam kung kumakain iyon eh,  parating nasa office niya. Naka extend yong kwarto niya sa office niya kaya bago mo makita yong pinaka room niya,  dadaan ka muna ng office niya. Ah basta ganun. Di ko naman nakita loob ng kwarto niya,  kaya di ko ma explain.

Nakasuot lang ako ng pajama na may cartoon character na si mickey at minie printed ito all over my pajama. Umupo na ako sa dining table. Nakahanda naman na iyong kakainan ko,  masyadong advance si Manang Lolit. May extra plate pa nga para kay Kelvin kahit hindi naman yon sumabay sa pagkain.

"Manang sabayan niyo na akong kumain."

Umiling iling si Manang Lolit sa alok ko. Ayaw niya, sa tagal ko ng nakatira dito at sa ilang beses kong pag alok sa kanya na sabayan ako sa pagkain parati niya akong tinatanggihan. Siguro ganun talaga yong etiquette nila. Ewan ko ba, ganyan naman din sa bahay namin, noong bata pa ko, nasanay na akong inaalok ang mga maid namin kaso ayaw din nila, napaisip nalang ako noon na siguro ayaw nila kasi sino ba naman gugustuhin makasabay si Daddy sa pagkain,  parang kasing mabibilaukan ka pag kaharap mo si Daddy.

"Sige na,  parati nalang akong walang kasabay"

Pilit ko sa kanya.

"Wag na ma'am, ayhh good morning sir"

Napatingin ako sa paparating na si Kelvin. Nakaayos siya ngayon,  parang papasok siya sa trabaho. Pwede na akong lumabas ng bahay pag umalis siya.

"Too early to look at me like that"

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at tinuloy lang ang pagkain ko. Ang aga aga din ng pang ba badtrip niya.

"Di na ako kakain,  Manang. Sa office nalang"

Sinundan ni Manang Lolit si Kelvin palabas ng bahay. Walang na man akong pakialam kung aalis siya basta tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto at naghanda na.

Pwede na akong lumabas kasi wala siya dito. Nagtext na ko kay Lily para sunduin ako sa gate. Wala pa akong bagong driver at nagpapagaling pa si Mr. Lito. Alam ko namang di ako kukuhanan ng bagong driver ni Kelvin eh,  gusto niya kasi akong kulungin sa bahay niya. Hindi naman ako papayag don.

Pagkatapos kong makapag ayos ay bumaba na ako,  right timing naman na nagtext si Lily na nasa harap na siya.

Nakita ako ni Manang Lolit,  nginitian ko lang siya,  halata sa kanya na gusto niya akong pigilan, pero syempre di naman ako magpapapigil.

"Kamusta ka na Yherie!"

Kailangan talagang sumigaw? Nakalabas ang ulo ni Lily sa bintana, siya yong nag drive,  himala wala si Marcus. Pumasok na ko sa kotse ni Lily at umupo ako sa harapan.

Yinakap niya nalang ako bigla at yinakap ko rin siya as a return.

Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na kami. Sabi ko sa kanya gusto kong mamasyal, yong mga bagay na di ko nagawa dahil matagal din akong bedridden, gusto ko ulit gawin. Nakakamiss din kasi.

"Mabuti naman pinayagan ka ng asawa mo"

Panimula niya.

"Alam mo ba kung gaano kami nag alala sayo? Puno ng kurot at suntok si Marcus kasi siya yong katabi ko habang hinihintay kang magising. "

"Ano connect?"

"Kasi frustrated kaming lahat,  wala kaming magawa,  inaasahan na lang namin yong sarili mo, kung lalaban ka pa. Mabuti nga matapang ka"

Napangiti nalang ako. Sa totoo lang wala akong maalala,  na mental black siguro. May mga part akong di naaalala bago ako ma aksidente. Pero hinayaan ko nalang. Ayaw kong sumakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Dun ko lang nakita kung paano mataranta ang asawa mo"

Napatingin ako sa kanya. Galing business meeting si Kelvin at ang haba ng byenahe niya.

"Teka lang,  alam ba ng asawa mo na lumabas ka?"

"Hindi"

Tumingin siya sakin at halatang nagulat siya.

"Yherie,  papatayin ako ng asawa mo dahil dito."

Napangiti nalang ako sa kanya. Gusto ko nang lumabas.Wala naman ng magagawa si Kelvin,  nandito na ko eh.

"Papatayin ka talaga non dahil di mo tinitingnan and kalsada."

Binalik niya ang tingin sa harap. Di naman mabilis mag pa takbo si Lily,  sakto lang.

A/N TINANGGAL KO NA YONG MGA FACTS SA DALAWA, YON BANG MGA NAKA BOLD SA PINAKABABA NG BAWAT UPDATE. KASI AYAW KONG PINANGUNGUNAHAN YONG BIDA NATIN.  BAHALA NA SILA MAG SHOW OFF KUNG SINO SILA.


I've Been With My Old ManWhere stories live. Discover now