Ngumuso ako. "Sorry, it was just a joke."

"We truly miss you, victoria." Sabat ni mommy. Hinalikan niya ako sa noo na ikinangiti ko.

"Ilang araw po ba akong tulog, mom?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot at mukhang walang balak sumagot sa kanila. Kumunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Baby..." Napatingin ako kay skyrile nang hawakan niya ang kamay ko. Alanganin siyang ngumiti sa akin. "Limang buwan kang tulog." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"W-What?!" Gulat kong bulalas at medyo napangiwi nang kumirot ang sugat ko.

Magpapaliwanag pa sana siya ng may tumikhim. "Excuse me? Bawal pong lupungin ang pasyente." Napatingin kaming lahat sa nurse na pumasok. Dumiretso ito sa akin. "Huwag na po muna kayong mag-gagalaw." Ngumiti siya sa akin.

Lumayo naman sila mommy sa akin. Pero nanatiling nakahawak si skyrile sa kamay ko.

"Kailan ako pwedeng umuwi?" Tanong ko sa nurse.

Natawa ito kasabay ng angal nila mommy. "Kagigising mo pa lang. O-obserbahan ka pa ng doktor." Sabi niya.

"Hindi na kailangan. Malakas na ako." Giit ko sa kaniya.

Umiling na lamang siya at umalis pagkatapos i-check ang kalagayan ko.

"Kailangan mo pa ring manatili muna dito, anak." Lapit ni mommy jane sa akin.

Ngumuso lang ako. "Hanggang kailan po?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Hanggang sa sigurado tayong ligtas ka na." Sabi niya.

Pero ligtas na ako? Napalitan na naman ang puso ko. Gising ako ngayon at kasama sila kaya sigurado akong successful ang operasyon. Hindi na rin sumisikip ang paghinga ko at iba ang pakiramdam ko ngayon kesa noong unang operasyon ko.

Hinanap ng mga mata ko si Jethro. Nang magsalubong ang mga mata namin ay kaagad siyang lumapit sa akin. "Kamusta ka na?" Malungkot akong ngumiti. "Sorry, jethro. Hindi ko naalagaan ang puso ni bea. Sana huwag kang magkaroon ng hinanakit sa akin."

Umiling siya. "Hindi ko magagawang magkaroon ng hinanakit sa'yo. Basta, sobrang saya ko lang ngayon na okay ka na. 'Yon lang ang mahalaga." Sabi niya na ikinatango ko. Sobrang bait talaga ni Jethro. Sana maging masaya na rin siya.

Bumaling naman ako sa mga pinsan ko. "O bat parang nananahimik kayo ngayon? Umiyak ba kayo sa pag-aalala sa akin?" Biro ko sa kanila.

Sabay sabay naman silang nag-iwas ng tingin na iki-hagikhik ko. "Aww.." Napaigik ako nang kumirot ang tahi ko. Naalarma naman sila.

"Don't move too much, victoria." Sabi ni daddy sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango.

"Kausapin ninyo ng maayos ang pinsan ninyo. Huwag na ninyong ikaila na umiyak kayo para sa kaniya. Hindi 'yan nakakabawas ng pagkalalaki ninyo." Sermon ni lola sa kanila.

Napangiti naman ako. "Eh, ang dalawa ko bang kuya, hindi umiyak?" Baling ko naman sa nananahimik na si kuya vlane at kuya zoel.

"Anong hindi umiyak? Sinuntok nga nila 'yong dalawang nurse na nagbalitang malala ang kondisyon mo." Sumbong ni anton. Sumang-ayon naman ang ibang pinsan ko maski ang tahimik na si krade.

Napangisi ako lalo na nang mamula ang mga pisngi nila kuya zoel. Aangal pa sana sila ng parehas silang kurutin nila lola amanda at vicky. Nagtawanan ang mga pinsan ko kaya ang ending, hinabol sila ni kuya zoel at kuya vlane hanggang sa labas.

"Mga isip bata talaga." Iling iling na komento ni lola vicky.

"Sinabi mo pa, vicky." Sang-ayon ni lola.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now