Chapter 46. "Don't wanna go back"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Saan ninyo ako dadalhin?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Uuwi na tayo." sagot ni Emerald habang hila-hila ako pasunod kay Loraine.

Sumakay kami sa isang sasakyan. Si Loraine ang nagmamaneho habang katabi naman si Emerald na ngayon ay may kausap sa kanyang telepono. Tumahimik ako para pakinggan siya at matukoy kung sino ang kausap niya.

"Besh, okay na nakita na namin ni Raine ang labidabs mo." natatawang sabi nk Emerald maging si Loraine ay tumawa rin.

Besh? Hindi ba si Elyse lang ang tinatawag ni Emerald na besh?

"Oo, besh pauwi na kami sa unit mo. Iiwan na namin tong kolokoy na to don mag-isa ah? Osige, sige." sabi ni Emerald at binaba na ang telepono.

"Si Elyse ba ang kausap mo?" tanong ko kay Emerald.

"Ay opo, mahal na prinsipe!" sagot niya.

"Pinahanap niya ako sa inyo?" tanong ko ulit.

"Oo, kanina pa kita hinahanap buti na nga lang at nakita ako ni Loraine at tinulungan akong hanapin ka." tiningnan niya ako sa likod ng upuan ng sasakyan. "Alam mo ang sakit niyo sa ulong dalawa. Bakit kasi hindi na lang kayo mag-aminan na gusto niyo ang isat'-isa?!" may inis na sabi ni Emerald.

"Oo nga, noon ko pa pansin na may gusto ka rin naman kay Elyse and the same way for Elyse, I think she really likes you too." dagdag pa ni Loraine ngunit hindi ko naintindihan ang iba niyang sanabi.

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Ngunit may gumugulo sa isip ko na kailangan ko nang pagdesisyunan.

"Anyway, bakit ganyan ang suot mo, Yu-jun?" tanong ni Loraine na bumasag sa katahimikan. Nanlaki naman ang mata ni Emerald at tumingin sa akin.

"Ah, galing kasi kami kanina sa party, Raine tapos alam mo na nakatampuhan ang dalawang labidabs!" natatawang pagdadahilan ni Emerald.

Nakarating na kami sa bahay ni Elyse. Pagpasok doon ay nagpaalam na sila Emerald at Loraine na umuwi. Nagbilin pa sila sa akin kumuha ng pagkain sa kusina kung nagugutom ako. Ngunit hindi naman ako nagugutom, o sadyang wala lamang akong gana dahil sa dami ng bumabagabag sa isip ko.

Muling bumukas ang pinto ni Elyse at pumasok si Emerald at tiningnan ako.

"Yu-jun, huwag mo nang masyadong isipin ang sinabi ni Elyse. Marahil ay nadala lamang siya ng emosyon dahil sa nangyari." mahinahon na sabi ni Emerald at ngumiti. "Huwag kang aalis dito ah, sigurado akong pupuntahan ka niya dito bukas. Sige na alis na ako."

Naiwan na akong mag-isa rito sa bahay ni Elyse pag-alis ni Emerald. Napaisip ako kung bakit wala siya rito at kung nasaan siya? Hindi ba siya uuwi dito? Sabi naman ni Emerald ay pupunta siya rito bukas.

Naupo ako sa malambot na upuan at napabuntong-hininga. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay ni Elyse. Naalala ko ang unang gabi na lumabas ako sa larawan at nandito na ako sa bahay niya. Naalala ko rin ang una naming tagpo noong mahuli niya ako sa kanyang kusina. Maging iyong mga pagkakataon na kumakain kami at nagkukwentuhan at ang pagtatalo namin sa maraming bagay sa loob ng bahay na ito. Matagal na rin pala akong naninirahan rito kasama siya.

Napangiti ako habang naaalala ang mga oras na kasama ko si Elyse. Masayang masaya ako tuwing kasama ko siya at sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko. Masaya ako na nakilala ko siya. Ngunit tama siya, dahil sa akin ay maaari kong malagay kapahamakan ang kanyang buhay. Mabuti na nga talagang lumayo ako sa kanya. Tama siya, dapat na akong umalis at huwag na muling bumalik pa.

Nagtungo ako sa silid ni Elyse. Tiningnan ko ang puwesto kung saan nakasabit ang larawan na matagal kong pinaglagihan. At sa tuwing nasa loob ako noong ng larawan ay siya pa rin ang nakikita ko. Nahiga sa higaang ito.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon