Lumabas si Faerie ng opisina at agad ko siyang sinundan. Sa parking lot niya ako dinala at sumakay siya sa kanyang kotse. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at hindi ko mapigil ang pag-iinit ng mga mata ko. Muntik pa akong napatalon sa pagsasara niya ng pinto noon.

My hands were shaking as I opened the passenger door. Umupo ako at pagkasara ko ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Inform your boyfriend that we're going someplace," she said.

Ginawa ko ang sinabi niya. Hindi magtama ang mga daliri ko sa pagtitipa sa screen ng cell phone ko. Wala siyang imik habang nagmamaneho hanggang sa nakarating kami sa light house kung saan kami madalas pumunta. Pumasok siya sa asotea at umupo sa bench. Sumunod ako at tinabihan siya.

Matagal bago siya nagsalita, "promises, no secrets."

Nilingon ko siya. She was staring at the lake.

"I'm... sorry," my voice trembled. "Sasabihin ko naman sa 'yo. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob."

"Kailan pa naging kayo?"

"Kagabi lang."

"Kaya pala ganoon ang itsura mo kagabi pagpasok ko ng hotel room."

Napatungo ako. I could no longer take the lump in my throat. May kumawalang luha sa mata ko ngunit agad ko itong pinunasan.

"Alam mo na ayoko sa sinungaling, Amity, kaya sagutin mo ang itatanong ko sa 'yo. Gusto mo ba siya?"

Marahan akong tumango.

"Mahal mo?"

Inangat ko ang tingin. "Hindi ko alam. Hindi ako sigurado."

Tumangu-tango siya at matagal bago muling nagsalita, "dahil ba sa akin kaya mo siya sinagot? Dahil sa tsismis na kumakalat sa school?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon.

"'Cause they think we're in a relationship? Is that the reason?" Mahina siyang natawa. "Tanginang mga utak 'yan."

"Ayokong nai-issue ka," mahina kong sabi.

Napailing siya at muling natawa. "Ang mga tao kapag nakita ka na may kasama, iisipin agad nila na karelasyon mo ang kung sinuman na kasama mo. Makita lang na hinahawakan mo ang kamay, pag-iisipan na nila kayo ng hindi maganda. Makita lang na kasabay pumasok o umuwi, may namamagitan na. Makita lang na angkas sa motor, jowa na."

Tumayo siya at ipinatong ang mga kamay sa railings.

"That's how dirty and shallow people's minds are."

She heaved a sigh and watched the birds flying high in the sky.

"Judgements. People are good at it." Sinulyapan niya ako at agad ding bumagsak ang tingin niya sa sarili niyang mga palad. "And we can't do something about how they think. Nakakaawa lang sila sa pagsasayang ng oras sa pag-iisip ng hindi maganda sa ating dalawa. O baka naman inggit sila sa kung anong relasyon meron tayo."

Tumayo rin ako at tinabihan siya.

Tiningnan ko ang maganda niyang mukha. "Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka dahil sa akin."

"Fuck it. I don't care about what those nitwits are saying. I don't care about their fucking dirty minds," she said firmly.

Nilingon niya ako at tipid siyang ngumiti.

"So this is the reason, huh? Kaya mo siya sinagot."

Marahan akong tumango. Naiiling niyang kinuha ang kamay ko at pinisil ito.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon