Chapter 23: The Truth pt. 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh! Here you are my dear. Kumusta na?" lumapit si Kiara kay Katrina saka siya ang nagpatuloy sa pag-alalay dito para makaupo.

"So, how are you and your baby?"

"We're fine. Kagagaling ko lang sa hospital noong isang araw and the baby's fine so far. Ikaw ate. Kamusta na si Irene?" tukoy ni Katrina sa anak ng kapatid. 1 buwan na rin simula ng makapagailang din siya ng isang malusog na sanggol.

"Oh, she's fine. Hindi ko na dinala kasi baka makasagap pa ng hindi maganda sa daan. You should visit your niece sometimes."

"I will, ate Kiara." at ngumiti ito.

"So, what is the reason, why you wanted to see us?"

"Ate..  It's about my baby and my condition."

Makikita ang pagkagulat sa expression ni Kiara ngunit napansin ni nanay loleng na hindi ito sincere.

"Why, my dear? What about your condition? Is it about your heart again?"

"Yes." ikinuwento ni Katrina sa nakatatandang kapatid ang tungkol sa sinabi ng doctor  sa kanyang kalagayan.
After a few minutes or so, nag-iiyakan ang dalawang magkapatid.

"Bakit yun naman ang mangyayari sayo? Wala na bang ibang paraan? Wala na bang magagawa ang mga doctor?" sunod-sunod na katanungan sa kanya ni Kiara. Umiling lamang si Katrina. Pinapatahan ni nanay loleng si Katrina sa pamamagitan ng pagyakap dito at ganun din naman kay Kiara ang asawa nito.

"So,  what are you gonna do now?"

"Ate, can you please do me a favor? Uhmmm..  Or let's have a deal. This favor of mine is really big. And this is for lifetime. Baka pwede naman ate." may pagsusumamo sa boses ni Katrina.

"Whatever it is, K.  You know you can always count on me. We're sisters, remember?"

Tumango si Katrina saka hinawakan ang magkabilang kamay ng kapatid.

"Ate...  I can't leave my daughter alone in this world. I can't afford to leave here without anyone to lean on. Baka yun pa ang maging dahilan nang pagmumulto ko kung sakali."

"H-hey..  Don't say it. Ano ba tong kahilingan mo?"

"Can you please adopt my daughter?"

Napaawang ang bibig ni Kiara sa gulat dahil sa tinuran ng kapatid.  Maging si nanay loleng ay hindi makapaniwala.

"I know, it's absurd and crazy. But, please..  Ate..  Humm?  Please!" pagmamakaawa pa ni Kristina.

"Bakit mo naman naisip ito Katrina?"

"Ate... Tanggap ko na sa sarili ko. Na malaki ang chances na mamatay ako pagkatapos kong maideliver ang babh ko. Pero ayokong mabuhay siya na walang pamilya. Ano pa bang ibang paraan bukod dito?" paliwanag ni Kristina.

"Kaya ba naisip mo ito?" balik-tanong sa kanya ni Kiara.

"Oo ate..  Gusto ko kung sakali lang na tuluyan nga akong mawala..  Gusto kong kunin mo siya..  At ituring mong parang anak. Wag kang mag-alala ate..  Ibibigay ko ang 25% ng mana ko kay Irene.. Humm?  Ate?  Please."

"Katrina naman..  Parang namamaalam ka na ehh."

"Para kung sakali lang ate. Total, para rin mo na siyang anak. Dahil, magkapatid tayo."

"Naiintindihan kita. Katrina... Hindi ko lang matanggap na kinakailangan gawin mo ito. Wag kang mag-alala..  Pinapangako ko... Hindi siya kailan man mag-iisa. Pero bago yun...  Maghanap na muna tayo ng ibang paraan para sa sakit mo."

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon