TNHAS 1

5 2 0
                                    

Keisha P.O.V
_______________________________________________________

"Patay na daw si teacher Marie"sabi ni Klare, lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

Malamang kaya niya alam iyon dahil siya ang classroom president. Isa din siya sa katiwala ni teacher Marie, tuwing umaga pumupunta iyang si Klare sa office ni teacher Marie para sa mga activity.

Sa tuwing madaming trabaho na kailangan gawin ni teacher Marie.

"Kailan pa?"tanong ni Sofia, bakas sa tuno at mukha namin ang lungkot. Si teacher Marie lang kasi ang medyo malapit sa amin.

"Nong pumunta ako sa office niya para sana ipasa agad itong mga assignments natin sa kanya. Pero iba ang nadatnan ko. Nakita ko si Ms. SSG Secretary na kinukuha ang mga gamit ni teacher Marie. So nagtanong ako. Patay na daw si teacher, kahapon pa." Mahabang kwento ni Klare, bakit naman kaya pinatay ng kung sino man si teacher Marie. Hindi man namin alam kung paano siya pinatay pero iisipin ko palang ang position niya, mga dugo na nagsitalsikan ay masusuka na ako.

"Hoy nerd!diba galing ka sa office ni teacher Marie kahapon?!may nakita ka ba?!"nagulat kami sa sinabi at tanong ni Mona, bigla nalang kasing nagsisigaw.

Umiling lang si nerd. Lahat kami ay yon ang tawag sa kanya.

"Sa library ako pumunta, sinabi ko lang iyon for excuses" walang ganang sagot niya, mukha siyang walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Mukha siyang matamlay o dikaya'y walang kabuhay-buhay.

Ang totoo niyan ay cute naman siya.
Big glasses pero manipis. Yung buhok niya na nakahati na naka pony tail.

Maputi siya. Oo, inaamin ko O namin, na naiingit kami kay nerd dahil sobrang puti nito.

Habang kami ay hindi.
Morena lang.

Her skin is look like a pale.

Natahimik ang boung klase. Pumasok naman bigla si Ms.SSG Secretary.

"Sino si Ms. Shigihara?"lahat kami ay napatingin kay Nerd. Wala padin itong emotion

"Bakit?"

"Pinapunta ka sa Principal Office"nagtaka naman kami kung bakit, tumayo si nerd at sinirado ang librong kanina pa niya binabasa at isinukbit ang bag niyang may cute na chibi Bat sa zipper nito.

Mahilig pala siya sa Vampires. Naglakad na ito palabas ng classroom.

Kasabay non ang bigla ding pagpasok ni teacher Kyline.

"Please sit down"sabi nito, kasi tatayo na dapat kami pero inunahan kami nito.

"Hindi na makakapasok si Ms. Domia"teacher Kyline,

"Bakit po?"

"Patay na siya"

[All Shocks]

_______________________________________________________

Yuna P.O.V

Nakapasok na ako sa loob ng office. Wala parin akong idea kung bakit nila ako pinapunta rito. Naningkit ang mata ko ng makita si lolo. Si lolo nalang kasi ang nag iisang pamilya ko.

Wala na akong magulang kaya siya na nag-alaga sakin at nagpa-aral.

"Lolo?ano ginagawa mo dito?"umupo ako sa tabi niya,

"I just want you to know that ililipat na kita ng paaralan" nanliit ang mata ko,

"Bakit?"

"I will explain it later" seryosong sabi ni lolo, nagusap naman sila ng kung ano-ano.

Like how's my grade.
Anything, napag alaman din ni lolo na madaming nag bubully sa akin pero baliwala lang sa kanya ito.

Because lolo knows kung ano ako.

That Nerd Has A SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat