That Nerd Has A Secret

7 3 1
                                    

Someone's P.O.V

_______________________________________________________

Tumingala ako sa kalangitan.

Madilim na gabi,
Madilim na daan,
Patungo sa karumaldumal na paraan.

Nagsimula na akong maglakad.

Madilim na gabi,
Madilim na daan,
Ganti ko iyong mararanasan.

May nakita akong babae.

Madilim na gabi,
Madilim na daan,
Isa lang naman ang aking pakay,
yon ika'y sundan.

Nagtago ako.

Madilim na gabi,
Madilim na daan,
Madilim na karanasan ay iyo ng mararanasan.

"Balak mo pa atang mag sumbong"seryosong sabi ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin. Panay pindot parin sa cellphone niya.

"H'wag mo ng tangkain pang magsumbong"pero umiling lang siya, nanginginig ang mga kamay niya, pinagpapawisan siya.

Tigas talaga ng ulo niya. Tignan nalang natin kung hanggang saan ang tigas niyan.

Madilim na kalangitan...

May nakita akong mataba na bakal, kahit mabigat ay okay lang.

Hinila ko lang ang bakal na ito palapit sa babaeng nakatalikod sa akin.

Hindi naman niya alam na pumapatay pala ako, ang alam lang niya ay magnanakaw ako.

Pagnanakaw ba talaga ang pakay ko sa gurong iyon?.

"Isusumbong mo parin ba ako?"humarap siya sa akin na nakangisi,

"OO!!"sigaw niya sa mukha ko, kaya naman ay hindi na ako nag dalawang isip pang hampasin ito.

Madilim na gabi...

Hinampas ko ang bakal sa ulo niya ng paulit-ulit hanggang sa nadurog ang bungo nito at nagsitalsikan ang mga dugo at utak niya.

Madilim na daan...

Ngumisi ako. Umupo ako at pinulot ang cellphone niya.

[Hello? Ms. Domia, napatawag ka?]

Pinatay ko nalang ang cellphone niya at nag text.

Oo meron akong sekreto, madami.
Pero once na malaman mo ay h'wag na h'wag mong sasabihin dahil kung hindi.

Kamatayan ang naghihintay sayo...

Kapag sinabi mo ang sekreto ko.

THAT NERD HAS A SECRET

That Nerd Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon