CHAPTER 5 ~ I ♥ Ice~

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako kay Ice at nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nakatitig pala siya sakin. Tumingin na lang ako kung saan at napasinghap ako ng may mahagip ako ng tingin.

...

...

yung damit ko kanina.

Tumili ako at sinaksak ko ng tinidor si Ice. Naalis niya yung kamay niya bago ko yon natusok. Nagbabaga yung tingin ko sa kaniya at gusto ko na talaga siyang ihawin.

"Walangya ka anong ginawa mo?!"-me

"W-Wala. Baby, baba mo muna yang t-tinidor, ha? please?"

Naiinis na tumusok ao ng hotdog at kinagat ko yon. Dahan-dahan na lumapit sakin si Ice at kinuha yung tinidor ko. May inabot siya sakin na panibago at naningkit yung mga mata ko ng makita kong plastic na tinidor yon.

ngumiti ako at pinalapit ko siya.

Lumapit naman siya kaagad sakin at pinalapit ko pa siya ulit hanggang malapit na sa muka ko yung muka niya. Nakapikit pa siya na parang hinihintay na halikan kon siya.

"Aray! Baby naman eh."

Bumalik ako sa pagkain ko ng satisfied na ako ng mapalo ko siya ng kutsara sa noo niya. Hindi ko pa din alam kung anong ginagawa ko dito sa kwarto ni Ice pero mamaya ko na aalamin kapag busog na ako.

Kailangan ko ng lakas dahil tiyak na mapapagod lang ako sa kakulitan ni Ice mamaya. Para kasi siyang pinaglihi sa kiti-kiti sa sobra niyang kulit. Rather...baka pinaglihi siya kay daddy kaya ganiyan siyang kakulit.

Tumingin ako sa refrigerator niya na silver ang kulay at nag re-reflect sa repleksyon ko. Nalaglag yung panga ko ng makita ko yung nakasulat sa T-Shirt.

'I ♥ Ice'

Binisitahan ko yung damit niya at parang dumilim yung paningin ko ng makita ko na ganon din yung nakalagay sa kaniya. 'I ♥ Summer'

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon