Kabanata 21 - The beauty of Isla Berde

19 1 0
                                    

(CATH POV)  

We are on our way to Isla berde sakay ng Ferretti Yacht na ipinahiram ni Tito Carlos sa akin. Bukod sa mag-asawang sina doctor Javier na nag volunteer na sumama sa akin at isang head nurse ng PH Children Hospital ay kasama din namin ang dalawa pang bodyguard na ipinahiram din ni Tito Carlos at isang driver ng Yate.

"Kanina ka pa may tinatawagan dyan. May problema ba?" Tanong ko kay Simon na kanina pang balisa at hindi mapakali sa kanyang cellphone.

"Wala naman." Gulat nyang sagot ng makita nya ako sa harapan nya saka nya itinago ang kanyang cellphone.

"Malapit na ba tayo?" Tanong kong muli kay Simon.

Nabanggit nya kasing nakapunta na sya sa Isla berde noong college pa sila.

"Mukhang malapit na. Nakikita mo ba ang islang yun? That's the Isla berde." Turo nya sa maliit na isla na may kalayuan pa kaya halos tuldok lang ito sa aking paningin.

As I placed one foot out from the yatch, and the next foot out, my feet decided to plant itself into the sand. This Island is so beautiful. Sa harap ko ay isang lugar na puno ng walang hanggang butil ng gintong buhangin, na parang ang buong isla ay gawa sa ginto. Ang asul na tubig na kumikislap nang dahil sa sikat ng araw. Green trees are everywhere too.

Sinalubong kami ng mga kawani ng barangay sa islang iyon. Kasing init ng panahon ang pagtanggap nila sa amin. Tinulungan nila kaming mag ayos ng aming mga dala mula sa medical equipment, medicines, relief goods at school supplies ng mga bata.

Nakakadurog ng pusong makita ang karamihan ng mga kabataan dito na kulang sa mga timbang at nutrisyon. Mga sakit na sana ay naagapan kung nagamot ng tama. Despite that ay nakakagaan din naman ng pakiramdam na makita ang mga ngiti nila sa labi dahil sa simpleng tulong at regalo na handog namin. Nakakapagod man ang araw na ito ay worth it naman at hinding hindi ako magsasawang tulungan ang lahat ng mga batang nangangailangan ng tulong ko.

"Doc Cath, We are sorry pero I have to go back now in Manila. May emergency kasi na kailangan naming asikasuhin." Paalam sa akin ni Mrs Javier habang ang asawa nya ay may kausap sa cellphone sa di kalayuan.

"It's okay Doc. Ipapahatid ko kayo sa mga tauhan ni Tito Carlos." Nakangiti kong sagot.

"Okay ka lang ba dito? Kung gusto mo sumama ka na sa amin pabalik? Maiintindihan naman nila tayo."

"Im okay Doc. Kasama ko naman ang bodyguard ko. Nakakahiya naman kay Kapitana Lourdes kung hindi ako magpapaiwan dahil pinaghandaan nya ang araw na ito." Banayad kong sagot.

Tumango tango sya saka inayos ang kanyang gamit. Hindi na ako sumama sa pagkatid sa kanila patungo sa kung saan nakadaong ang yate. May 30 minutes din kasi ang layo nito sa mismong bahayan. Dito kami ngayon ni Simon magpapalipas ng gabi sa bahay ni Kapitana Lourdes. She prepared their native cuisine for our dinner. Naglinis muna ako ng katawan bago ako lumabas ng kwarto para sana tumulong kay Kapitana pero nahagip ng mata ko si Simon sa labas ng bintana na may kinokontak sa cellphone at inis na inis na ito base sa expression ng kanyang mukha.

"Hindi mo pa din ba macontact?" Sigaw ko para marinig nya ako.

Hilaw na ngiti ang ibinigay nya sa akin saka ibinulsa ang cellphone. What's wrong with him?

Naabutan ko si Kapitana Lourdes na busy sa pag uutos sa mga kasamahan nya na magsibak pa ng kahoy. Lumapit ako sa umpukan nila at nginitian silang lahat ng batiin nila ako.

"Pwede ba akong tumulong?" I said.

"Naku Doc ganda ay wag na ho. Kayang kaya na namin ang mga are." Sagot ng babaeng may mahabang buhok. I like their batangas accent.

Swept OffWhere stories live. Discover now