Kabanata 14 - What is the truth?

7 1 0
                                    

NARRATOR

Kanina pa paulit ulit na tinitingnan ni Damon ang pang 9th folder na nasa loob ng USB, hindi kasi sya makapaniwala na kasali sa listahan ng top druglord si Mr. Tan and how come na hindi ito kasali sa ibang listahan? Napakagat labi nalang sya saka yumuko. He needs evidence... more evidence para mapatunayan nya ang mga nandito sa folders at makukuha lang nya iyon sa bahay ng mga Tan.

"Oh anong nasa loob ng folder?" Tanong ni Simon na pinupunasan pa ang basang buhok galing sa banyo.

Magkasama na nga pala sila sa isang apartment dahil malimit namang wala si Damon simula ng ma-assign ito sa mga Tan. Nagtitipid na din kasi si Simon dahil sa maintenance na gamot ng kanyang mga magulang. Tumayo ito sa harap ng kaibigan saka nya ito pinagmasdan.

"Involve si Mr. Tan sa drugs at kasama ang pangalan nya sa top drug lord." Malamig na sabi ni Damon.

"Huh? Pero bakit hindi sya kasali sa masterlist?" Lumapit ito sa listahan at tinignan ang mga nasa listahan. "Mukhang may anumalya ah."

"Meron talaga at kailangan kong malaman kung bakit? Base sa mga information na nandito mukhang under ni Mr. Tan si Benjamin."

Napailing nalang si Simon saka tumingin sa kaibigan.

"Paano kapag involve din si Mr. Tan sa pagkamatay ng mga magulang mo?"

"Papatayin ko ang mga hayop na pumatay sa mga magulang ko. Pero alam mo naman kailangan kong malaman kung sino ang nag utos sa Tigerstone na yon at oras na malaman ko na si Mr. Tan yon ay ako mismo ang maglalagay sa kanya sa hukay." Mariin nyang sabi.

He tap Damon's back saka ito nagpatuloy sa pagpupunas ng buhok.

"Anong plano mo?"

"Babalik na ako bukas sa Mansyon. Papasukin ko ang opisina nya sa bahay at ang TanCorp. Hahanap ako ng ibidensya."

"Okay. Ako na ang bahala sa cctv ng Tancorp. Pero payagan ka kaya nilang bumalik na kaagad? Hindi pa magaling yang sugat mo diba? Alam ko namang kaya mo na pero sila? Hindi nila alam na super human ka." Tatawa tawa pa nito. Natigilan lang sya ng may magdoorbell.

"May bisita ka ba?" Tanong ni Damon na inilingan naman ni ng kaibigan.

Si Simon na ang tumayo para tingnan ang tao sa labas. Cath widely smile when he opened the door, napilitan tuloy si Simon ngumiti.

"Ikaw pala, MS. CATH. Come in." He emphasized her name para marinig din ito ni Damon which he did kaya agad niyang isinara ang kanyang laptop at iniligpit ang mga nagkalat na papel sa lamesa.

"Hi Simon." Tuluyan na itong pumasok sa loob saka nya nakita si Damon na papalapit na din sa pintuan. "Hi Damon."

"Cath. Napadalaw ka?" Aniya saka namulsa. "May kailangan ka ba?" He added.

"I'm here to bring this." Pinakita nya ang isang basket ng prutas na bitbit nya.

Agad na sumenyas si Damon na kunin na ito ni Simon dahil mukhang nabibigatan na ang dalaga.

"Maupo ka Ms. Cath. Ilalagay ko muna ito sa lamesa." Ani Simon.

"Thank you Simon."

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Damon. Sumilip pa ito sa labas para manigurado.

"Tumakas ako. I wear a cap naman eh and this." Pinakita pa nya ang sunglass nyang itim. "Ayoko kasing sumama sa Thanksgiving party ni Tita Monica." She is referring to Duke's mother.

"Are you out of your mind?" May inis sa boses ni Damon saka masamang tumingin kay Cath. "Alam mo bang delikado yang ginawa mo? Paano kung may nangyari sayong masama sayo Cath?" He pause ng yumuko si Cath para tuloy itong batang napagalitan. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo... nang dahil sa pagpunta mo dito." galit pa din ang tono ng boses nito but at the same time ay worried.

Swept OffWhere stories live. Discover now