Kabanata 22 - I hate things feeling!

8 0 0
                                    

Nagising ako sa liwanag ng araw at sa maingay na hampas ng alon. Inaasahan ko nang masisilaw ako sa sinag nito kaya naman hinarangan ko na agad ang aking mukha ng aking kamay bago ko pa man imulat ang mga mata.

Tumambad sa harapan ko si Damon na matyagang nakatayo sa aking paanan at inihinarang ang kanyang sarili  para hindi ako tamaan ng sinag ng araw. Agad akong naupo kahit na masakit ang buo kong katawan.

"What are you doing?" 

"Nagising ba kita?"

"Stop doing that, Damon!" Muli kong saway sa kanya ngunit nanatili itong nakatayo sa paanan ko. "Ginising mo nalang sana ako." 

"Hindi ko kayang sirain ang mahimbing mong tulog." sagot niya.

"Stop doing stupid sacrifices for me, Damon. I don't need it." Malamig kong sabi saka ako pilit na tumayo ngunit dahil masakit ang katawan ko ay nawalan ako ng balanse. Mabuti nalang at mabilis akong nasalo ni Damon. 

Inalalayan niya ako patungo sa gilid ng naglalakihang bato kung saan malilim. Umupo ako sa malapad na bato at inirapan siya. Gumapang ang mga mata ko sa kanyang katawan. His washboard abs is so... Ugh! nevermind.

Napunta ang mga mata ko sa mga peklat niyang simbolo ng paghahanap niya ng hustisya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakamtan. Mas natuon ang atensyon ko sa peklat sa gilid ng tiyan niya. All my memories flashed back. I wanted to cry and touch it but i choose not too. Ayokong ipakita sa kanya ang aking emosyon kaya yumuko na lamang ako.

I heard him smirked kaya mabilis akong nag angat ng tingin. Matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Mga ngiting nagpabilis ng tibok ng aking puso at nagpainit sa aking mukha. Muli akong yumuko para hindi niya mapansin na pinamulahan ako ng mukha sa ngiti niyang iyon sa akin saka ko ipinaypay ang aking kamay sa aking mukha.

"Ang init!" reklamo ko. 

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.

"What if i say yes? May ipapakain ka ba sa akin?" pagtataray ko.

Rinig ko ang mahina ngunit pilyo nitong pagtawa saka niya kinuha ang kahoy na kagabi pa niya pinatulis ang dulo. Doon ko lang naalala ang sinabi niyang maninibat siya kapag wala pang dumating na rescuer. 

"Maiwan na muna kita. Maghahanap ako ng makakain natin." paalam niya saka naglakad palayo.

Pinanood ko siyang maglakad patungo sa dalampasigan. He's still the same Damon I know although nagmatured ang itsura niya ng dahil sa hindi kahabaan na balbas ay bakit parang mas gumwapo pa siya sa aking paningin?

Ilang minuto na akong nakatanaw kay Damon mula sa malayo at naiinip na ako kaya naman mas minabuti kong maglakad lakad sa dalampasigan. Ang tagal na din nang huli akong magbakasyon sa beach. Dalawang taon na yata ang nakakaraan, naging busy kasi ako sa aking buhay Doktora.

Hinubad ko ang natuyo ko ng pantalon at ang aking puting polo. Gusto ko rin namang maligo sa dagat at isa pa... Maaari bang si Damon lang ang nag feflex ng kanyang katawan?

Kitang-kita ko kung paano matigilan si Damon sa kanyang ginagawa at ibinigay sa akin ang buo niyang atensyon. Lihim akong napangiti habang naglalakad palapit sa dalampasigan at mas inartehan pa ang paglalakad. 

I dive into the water para makalapit ng kaunti sa kanya. Ilang beses akong lumubog sa ilalim ng tubig saka ako tumigil sa hindi kalayuan kung saan nakatayo si Damon at nanatili pa din ang mga mata niya sa akin. Tumayo na din ako at ngayon ay hanggan baywang ko nalang ang tubig.

"May nahuli ka na ba?"

"Hindi ako makakahuli kung nandito ka." malamig nyang sagot kaya agad akong sumimangot.

Swept OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon