Kabanata 1 - Save me

13 2 0
                                    

NARRATOR  

"Hawak namin ang anak mo. Magresign ka bilang CEO o papatayin namin ang anak mo!" Banta ng lalaking kausap ni Leonardo Tan. Catharina's father.

"Hwag nyo siyang sasaktan. Pakiusap." Gigil nyang hawak sa telepono after the call.

"What happened? Nasaan si Cath? Where is my daughter Leonardo?" Iyak na tanong ni Catherine. Cath's mother.

"Harold, tawagan mo si Carlos. Tell him what happened. Ihanda mo na din ang sasakyan." Pinipigil nito ang sarili but he's afraid of what will might happen to her Catharina.

"Sasama ako." Her begging voice echoed. "Sasama ako. Hindi ako mapapakali dito kaiisip sa anak natin. Please, Leonardo."

He hold her wife's shoulder para kumalma ito.

"Dumito ka nalang muna. Pangako, uuwi ako kasama ang anak natin."

Lahat ng presidential security ay nag-umpisa na sa paghahanap pagkatapos mag-usap ni Leonardo at ni Carlos Ramos. The president of the Philippines. Kampante si Mr. Tan na mahahanap ang unika iha niya sa tulong ng mga ito. Lalo na sa top agent na si Damon Zeb Dizon. Wala pa yata itong laban na sinukuan and the victory is always in his hands.

Cath strained against the zip-ties, blood running over the translucent plastic, red on white. Her nose filled with the metallic scent of her blood from her head. Ito rin ang gumising sa kanya. Nakaramdam siya ng sobrang takot ng marealized nya ang sitwasyon nya. She was kidnapped. Hindi pa nya naramdaman ang takot na ito noon. Mas matindi pa ito sa takot nya kayna Ashlyn.

"Tulong!" Sigaw nya kahit alam nyang ang mga kidnapper lang ang makakarinig sa kanya. She knew that her family was looking for her, the police, the SWAT...

Catharina is like a precious stone for her parents dahil nag-iisa lang nila itong anak. Alam nyang hindi hahayaan ng ama nya na may mangyaring masama sa kanya kahit aminado naman ang mag-asawa na nagkukulang talaga sila ng oras para sa anak nila.

Cath is a Daddy's girl noon pa man. She can get the material things she wants basta hingin lang nya ito sa kanyang mga magulang, but on her situation now... She feel so hopeless.

"Tulungan nyo ko!" Muli nitong sigaw.

"Walang makakarinig sayo kahit bigyan kapa namin ng mic dyan." Ani ng kalbong matanda habang nagsisindi ng sigarilyo. The 3 men with him laughed.

"Ano bang kailangan nyo sa akin? Madaming pera ang daddy ko. Kahit magkano ibibigay nya kaya pakawalan nyo na ako." Pagmamakaawa nito.

"Boss, hingan na din kaya natin ng pera? Sayang din yun." Ani ng lalaking matangkad na nasa tabi ni Cath.

"Gusto mo na bang mamatay? Ha? Ako na mismo ang gagawa nun." Pinalo nya ito ng hawak na papel "Kilala mo ba ang nagpapatrabaho nito? Bigatin ito kaya ayusin nyo ang trabaho nyo!"

"Ikuha mo nalang kami ng maiinom habang naghihintay ng susunod na utos." Singit ng lalaking may matipunong katawan na kung titingnan ay mukhang kanang kamay ng kanilang tinatawag na boss.

Mabilis naman itong sumunod sa utos. Dinampot nya ang bag nya para kumuha ng pera saka naglakad palabas ng abandunadong warehouse. Nagsisindi pa ito ng yosi habang naglalakad sa madilim na daan.

"Pambihirang lighter to!" Reklamo nya dahil hindi masindihan ang kanyang sigarilyo.

Tumigil sya sa paglalakad at nagfocus sa ginagawa. He smiled as the tip of his cigarrete started to burn... But then... Damon smacked his mouth using his palm at pumasok sa bibig ng lalaki ang sigarilyo nya at habang pumipiglas ay pinilipit na ni Damon ang leeg nito saka binitawan ng hindi na gumagalaw. Hinubaran ito ni Damon ng jacket at sumbrelo saka nya ito isinuot.

Sumenyas si Damon sa mga kasamahan nya na palibutan ang warehouse. nakayuko naman itong pumasok sa loob para hindi makita ang mukha nya.

"Oh? Bat ka bumalik agad? Nasaan na yung pinabibili namin?"

Tumuro si Damon sa labas. He is now preparing to attack.

"Inaantok kana naman ba?" Tatawa tawang sabi ng lalaking matipuno ang katawan saka sya tinapik sa balikat.

Mukhang hindi sya nahalata dahil naglakad na ito palabas. Dalawa nalang sila ngayon sa warehouse. Tumingin sya kay Cath na nakatali ang paa at kamay habang nakaupo sa malamig na sahig while the other one who they called boss is sitting near beside him at nagkakamot ng likod.

"Hoy, doy! Kamutin mo nga itong likod ko. Hindi ko abot." utos nya na halatang naiirita na sa pagkakamot dahil hirap abutin.

Lumapit naman agad si Damon at pumwesto sa likod nito.

"Saan banda?" Tanong ni Damon.

Nang ituro nya ito ay hinigpitan na nya ang kapit sa kamay ng tinatawag nilang boss saka naman nya hinawakan ang kaliwang kamay nito para pigilan sa pag piglas.

"Sino ka?" Galit nitong tanong.

"Kailangan ko pa bang magpakilala?" Sagot ni Damon habang mas hinihigpitan nya ang pagbali sa kamay nito.

His bone cracked kasabay ng malakas nyang pagsigaw sa sakit.

"Siguro naman abot mo na yang likod mo?" Binitawan na nya ito saka itinali sa kinauupuan.

Once again fear found Cath while she watched what Damon did to her kidnapper. Nanginginig sya sa takot habang kinakalas ni Damon ang tali sa paa at kamay nya.

"Wag kang mag alala, ligtas kana." He said saka nya ito binuhat.

Sunod sunod na putukan ang narinig ni Cath kaya napayakap sya kay Damon. She's still shaking. Halos hirap na sya huminga sa sobrang takot.

"I want to go home." Hagulgol nitong iyak.

Swept OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon