Chapter 40. "Away from you"

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminto ang lalaki at lumingon sa gawin ko at seryoso siyang nakatingin sa akin at bakas ang labis na pagtataka sa kanyang mukha.

"Ano ho ang kailangan ninyo?" tanong sa akin ng lalaki. May mahaba siyang balbas at makapal na bigote. Napatingin naman ako sa ginawa niya at doon ko nakita ang sandata na ginagawa niya.

"Gumagawa po kayo ng sandata?" bulalas ko. Napabalik siya ng tingin sa kanyang ginagawa.

"Itak laang at malilit na kutsilyo't balisong ang ginagawa ko. Bakit ho?" mukha namang maayos at hindi masama ang taong kaharap ko.

Hindi ko namalayan na nagtagal na pala ang aming pag-uusap. Naikuwento ko rin sa kanya kung sino ako at marunong akong gumamit ng espada bilang sandata. Namangha siya at hindi ako hinusgahan sa aking kwento.

"Nakakatuwa lang bata ka. Ikaw ba ay taga-Maynila?" tanong niya.

"Opo, ngunit kami ngayon ay nasa bakasyunan malapit dito." sagot ko.

"Kami? May kasama ka? Babae ba?" tanong niya na may panunuksong ngiti sa labi.

"Opo." sagot ko at kaunting natawa rin at kumuha ng kamoteng kahoy na inihahin niya kanina.

"Halika may mga ipapakita ako sa iyong mga napanday ko pa." alok niya sa akin at naunang pumasok sa kanyang maliit na tirahan.

Pagpasok namin ay dinala niya ako sa isang silid na tanging kahoy lang ang nagsisilbing pader at haligi. Doon ay may binuhat siyang isang malaking baul. Tinulungan ko siyang magbuhat at nilapag namin ito sa isang mesa. Medyo maalikabok pa ang baul at halatang matagal nang hindi nabubuksan.

Binuksan niya ang baul at doon tumambad sa akin ang hindi ko mabilang na sandata. Iba't-ibang haba at disensyo. May inilabas siyang isang sandata.

"Ito ang bolo na halaw sa ginamit ng mga sinaunang tao dito sa Pilipinas sa pakikidigma sa mga mananakop noon." aniya at ipinakita sa akin ang isang sandata.

Binalik niya ito sa baul at naglabas pa muli ng isa.

"Ito naman ay hinalaw ko ang disenyo sa mga sandata ng mga espanyol."

Sa pagtingin ko sa nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isang espada na pamilya sa akin.

"Byeolungeom?" sambit ko. Napatingin naman sa akin ang ginoo at kinuha ang sandatang nakita ko.

"Ah ire ba? Hindi ako ang gumawa nito. Binili ko lang ito noong pang binata ako noong may isang Koreanong napadpad dito at walang pera na gagamitin pabalik sa Manila, kaya ipinagbili niya ito sa akin. Sobrang luma na ng espadang ito at hindi na rin maaaring magamit. Mapurol na rin at--"

"Bibilhin ko." pagputol ko sa kanya na kinabigla niya. "Bibilhin ko po. Magkano po ninyo ipagbibili sa akin, Ginoo." seryoso kong tinuran. Tumawa naman siya at kinuha ang dalawa kong kamay at nilagay sa palad ko ang espada.

"Hindi ko na ipagbibili sayo, hijo. Sa iyo na ito. At sinabi mo nga galing kang Korea at maaring para sa iyo rin talaga ang espadang ito." sagot niya. Napangiti ako.

"Alam niyo po ba na isa itong maharlikang espada na ginagamit ng hari upang maggawad ng basbas. At naaalala ko ang aking amang hari sa espadang ito." sambit ko.

"Ito ba ay gagamitin mo?" tanong niya. Mabilis akong tumango-tango. "Hayaan mo akong ayusin muna. Upang magamit mo ng maayos sa pakikipaglaban." aniya.

"Hayaan niyo pong tulungan ko kayo." masiglabg prisinta ko.

Elyse' POV

Saan naman kaya sumuot ang lolong prinsipe na 'yon? Nakakainis kahit ba na naiinis ako sa kanya, hindi ko maiwasang mag-alala o matakot na baka may mangyari na sa kanya. Kanina ko pa rin siya hinahanap dito sa buong resort pero wala siya. Nalaman ko lang na wala siya dito sa resort nang puntahan ako ni Aira at hinahanap siya. Hapon na pero wala pa rin siya.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon