💙Chapter 44💙

Start from the beginning
                                    

Pero  nagtataka lang ako na lumilitaw lang sa kapag nasa matindi akong panganib, hindi kaya kilala nya ako? Pero di lang sya nagpapakilala sakin

Sinusundan nya ba ako? Pero bakit?

Nawala lahat ng iniisip ko ng bigla akong tapikin ni christian sa balikat kaya napatingin ako sa kanya "is there any problem? Kilala mo ba yung taong nagligtas sayo?" Tanong nya

Umuling ako "di ko alam Christian naguguluhan ako kasi yung taong nagligtas sakin kagabe ay sya rin sa tingin kong  nagligtas sakin noon!" Malakas talaga ang hinala ko

"Are you sure? But you don't even see his face?" Wala sa sarili nyang tanong napabuga ako ng hangin "ewan ko Christian pero labi nya lang ang nakikita ko bakit ganon?"

May konting disappointment sa muka nya "I'm sure ayaw nyang magpakilala sayo" sambit nya

"Siguro nga haysss hayaan na nga lang natin" pagbabalewala ko kunwari pero sa totoo lang may balak akong alamin kung sino man sya!

Dalawang beses na nya akong iniligtas pero hindi ko pa rin nakikita at nakikilala kung sino sya, alam kong makikilala ko rin sya lalo na at bahagyang naalala ko ang mga labi nya



Sino ka ba talaga?

Mas ginusto kong magpaka busy sa kahit anong gawain para kahit papaano makalimutan ko ang problemang pinagdadaanan ko ang kaso lang mukang bigo ako dahil sa bawat oras na namamahinga ako ay sya ring paulit ulit na natotrauma ang utak ko

Madalas akong matulala pero agad din yung napuputol sa tuwing gugulatin ako ni lea o di naman kaya papakainin nya ako ng san damakmak na pagkain,

Simula nung insidenteng yun, hindi pa rin ako umuuwi samin dahil wala na akong lakas ng loob na bumalik pa, halos madalas pumunta si tatay sa bahay nila lea para bisitahin ako pero palagi akong nagtatago at pinapasabing wala ako kahit na nasa kwarto lang ako ni lea

Bakit?

Kasi nahihiya akong humarap kay tatay lalo na hindi naman pala ako tunay na anak iniisip ko masyado akong naging pabigat sa kanya lalo na at lagi nya akong pinagtatanggol kay nanay kaya ano pang silbi kung haharap pa ako sa kanya, wala rin naman akong maitutulong sa kanya salot lang ako sa buhay nila..

Nagpatuloy pa rin ako sa pag aaral kahit na may problema ako, ingat din ako sa mga dinadaanan ko baka kasi makita ako ni tatay, at sa trabaho ko naman sa shop ni kiel, ok naman pero mas madalas na wala dun si kiel hindi ko alam kung saan ba sya nagpupunta o kung ano ang pinagkakaabalahan nya

Pag nagkikita naman kami sa school tatango lang sya sakin tapos dederetso na sa upuan, hindi naman sya masungit pero parang mas matured sya kung kumilos, siguro nga may pinagdadaanan nanaman sya

Gustuhin ko mang damayan sya hindi ko magawa dahil pareho lang kami ng sitwasyon, si Christian naman kung saan saan ako dinadala after school para daw malibang ako pero hindi naman yun ang nakakapagpasaya sakin....

Kasalukuyan akong nasa shop mahigit isang oras na ako ditong busy at medyo natutulala pa rin
"Huyyyyyy baka mamaya nyan kamay mo na ang mapunch mo dyan"

Gulat sakin ni kim, ngumiti ako ng pilit sa kanya "pasensya na wag ka mag alala ok lang ako" mas niluwagan ko pa ang ngiti ko para makumbinsing ok nga talaga ako "hay naku gurl hindi ko na talaga nakikita yung athenang kilala ko asan na ba yun tinago ba?" Pag bibiro nya at kunwaring hinanap sa bulsa ko

"Ako pa rin naman to" sambit ko habang nagbabalot ng product napakamot sya sa ulo nya "alam mo athena hindi naman tayo bibigyan ni god ng problema kung hindi natin kayang harapin, kaya naniniwala ako na yang problema mo eh malalampasan mo kaya cheer up lang ok" pagpapalakas nya ng loob ko sabay tapik sa braso ko

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now