Chapter 38

2.7K 140 61
                                    

Sumama kay Ylmas? Tama ba ang narinig niya? Sumama si Isabella kay Ylmas? Gayung sabi niya rito na hintayin siya nito.
     “Sandali lang, ah, sigurado ka ba?” ang tanong niya sa teenager na anak ni kuya Tino.
     Parang nag-alangan na magsalita ang dalagita, lalo na ng makita ang naging reaksyon niya. At napansin niya ang pag-aalangan ng batang babae.
    Ngumiti siya para palagayin ang loob ng batang babae at makapag kwento ito.
    “Pasensiya ka na, iha, ahm, ano ba ang nakita mo? Hindi naman ako magagalit, nag-alala lang kasi ako at biglang nawala si Bella” ang malumanay na sabi niya sa batang anak ni kuya Tino.
     “Ano nga pala ang pangalan mo?” ang tanong niya sa batang babae.
     “Riza po” ang magalang na sagot nito.
    Tumangu-tango siya, “Riza, ano ang nakita mo kanina?” ang usisa niya.
    Tumingin muna ang bata sa nanay nito at ng tumangu-tango ang nanay nito ay nagsimula na itong magkwento.
     “Nakatayo po si ma’am Bella sa dalampasigan tapos po lumapit po si sir Ylmas sa kanya, parang may sinabi po ito, kaso hindi ko na po narinig at nasa malayo po ako, tapos nakita ko na lang po na naglakad na sila papalapit sa bangka at binuhat po siya ni sir pasakay sa bangka, tapos pumasok na po ako rito sa loob, paglabas ko po ulit wala na po ang bangka” ang kwento ng anak ni kuya Tino.
     Tumangu-tango si Lyndon, pilit niyang kontrolin ang emosyon na nararamdaman niya ng mga sandali na iyun, kahit pa napuno ng sakit ang kanyang kalooban.
     “Ganun ba, namasyal siguro sila at nainip na dito sa villa, salamat ha, Riza” ang sabi niya rito, “oh heto, sayang at lumamig na, dalhin mo rin sa mga kapatid mo” ang sabi ni Lyndon na pilit na ngumiti kahit pa masakit ang kanyang mga pisngi sa pagkakabanat ng labi niyang pilit niyang pinangiti. Iniabot niya sa bata ang dalang siopao, nagpasalamat at nagpaalam na siya sa mga ito. At mabilis siyang umalis sa kusina at nagtungo na siya itaas ng bahay sa kanilang kwarto. Habang pinipigilan niya ang sarili na sumabog ang matinding emosyon na nasa kanyang dibdib.
    Mabilis niyang binuksan ang pinto at kahit pa gusto niyang ibalibag ang pinto sa pagsara nito ay pinigilan niya ang sarili. Sobrang nagngingitngit ang kanyang damdamin. Labis ang sakit na kanyang nadarama, pakiramdam niya ay pinupunit ang puso niya sa dalawa.
    “Kasalanan mo ito Lyndon” ang malakas na sabi niya sa sarili. Siya ang nakaisip ng ideya na magpanggap at magsama sila ni Isabella. At kasalanan niya at nahulog ang damdamin niya kay Isabella kahit pa, alam niya na peke lang ang pagsasama nila. Kaya, hindi niya masisisi si Isabella, dahil hindi naman nito kasalanan kung mahulog ang puso niya rito.
    Pero, alam niya na, napamahal na siya kay Isabella, kahit noong hindi pa sila nagsasama nito alam niya na, noong una pa lang na kumatok ito sa pintuan ng kanyang kwarto ay nahulog na siya rito.
    Mukhang si Isabella ang magaling na lumaro sa kanilang dalawa, ang sabi niya sa sarili. Nagawa nitong magpanggap ng hindi man lang na involve ang feelings nito. She’s a player alright, mukhang tama nga si Kit, and he was blinded by his feelings for him to see the real picture, na namamangka sa dalawang ilog si Isabella, ang galit na sabi niya sa sarili.
    He’s been a fool, he snorted, Lyndon Bridge, was played by a provincial girl, ang galit na sabi niya sa sarili.

     Maya-maya pa ay kailangan na niyang bumaba para mag lunch, bumaba na siya ulit para makipagkita kay tatay Rene at sabihin na nasa bayan pa si kuya Tino at nasira ang makina ng bangka nito. Pagbaba niya ay wala ito sa paborito nitong upuan sa dining, at tanging naabutan lang niya ay ang asawa ni kuya Tino.
    “Si tatay?” ang tanong niya sa asawa ni kuya Tino na abala sa paghahanda ng lamesa.
    “Nasa labas po, kalalabas lang ng marinig ang papalapit na motor ng bangka” ang sagot nito sa kanya.
     Nagpasalamat siya at naglakad papalabas ng villa, si kuya Tino na kaya ang dumating? Ang tanong niya sa sarili. Paglabas niya ng villa ay namataan niya ang maliit na bangka na paparating, sakay nito sina Isabella at Ylmas. Nasa dalampasigan naman si tatay Rene, na naghihintay.
     Humakbang siya papalabas, at pinagmasdan na lamang niya ang mga ito sa may entrada ng villa. Hindi na niya balak na salubungin pa ang mga ito.
    Personal na buhay na ito ni Isabella, hindi na niya saklaw pa ito hindi na ito saklaw ng deal nila. At hindi na niya magiging saklaw pa kahit kailan, ang giit niya sa sarili.
    Nakita niya na tinulungan siya ni Ylmas na bumaba ng bangka, hinawakan nito ang kamay ni Isabella para tulungan ito na bumaba ng bangka. Nakita niya na kinausap ang mga ito ni tatay Rene at nakita niya na mabilis na naglakad si Isabella patungo loob ng villa hindi pa siya nito napapansin, at nang tumingin ito sa kanyang direksyon, ay nagtama ang kanilang mga paningin.
    Mabilis itong naglakad sa kanya papalapit at bigla siyang niyakap nito. Nanatili lang siya na nakatayo at hindi kumibo. Napansin ito ni Isabella at nahihiyang, kumalas ang mga braso nito mula sa pagkakayap sa kanya.
    “Lyndon, nag-usap lang kami ni Ylmas” ang mahinang sagot niya.
    “Tulad ng sinabi mo sa akin Isabella, hindi ko na pangungunahan ang mga desisyon mong personal sa buhay, hindi na ito saklaw ng usapan natin, malaya kang gawin ang gusto mo” ang sagot niya kay Isabella sabay talikod niya rito.
   
    Ang lakas ng lagabog ng puso ni Isabella habang papalapit na sila sa isla, natanaw niya si tatay Rene na lumabas ng villa at naglakad pababa sa buhanginan patungo sa pampang para salubungin sila.
     Hindi niya natatanaw si Lyndon, mukhang wala pa ito, SANA wala pa ito, ang umaasang sabi niya sa sarili.
    Pagkatapos niyang kausapin si Ylmas ay agad niyang sinabihan si Ylmas na ihatid na siya nito pabalik ng villa. Naibigay na niya ang hinihingi nito na pakikipag-usap at kapatawaran, at totoo ang sinabi niya kay Ylmas, na dapat ay kay Lyndon ito magpasalamat. Dahil kung hindi dahil kay Lyndon, ay hindi niya kayang magpatawad. Binura ni Lyndon ang lahat ng sakit ng nakaraan niya.
     Pagkadaong ng bangka ay hinintay niya na makababa si Ylmas, at tinulungan siya nito na makababa ng bangka. Hinawakan nito ang kanyang kamay at humakbang siya sa tubig, at mabilis siya na naglakad papalapit kay tatay Rene na malapad ang pagkakangiti ng makita silang dalawa.
     “Saan ba kayong dalawa na nanggaling?” ang tanong ni tatay Rene sa kanila na walang bahid ng galit o pag-aalala, at nagtama ang mga mata nila ni tatay Rene at nangusap iyun. Isang ngiti na matipid ang isinagot niya kay tatay Rene at napasulyap siya kay Ylmas.
    “Tatay, nandiyan na po ba si Lyndon?” ang tanong niya.
    “Kanina pa, siya ang nagdala pabalik ng mga pinamalengke at naiwan si Tino sa bayan at nasira ang motor ng bangka” ang sagot ni tatay Rene sa kanya.
     Mabilis siyang nagpasalamat at nagmamadali siyang umakyat ng ng buhanginan patungo sa loob ng villa at natuon ang mga mata niya sa direksyon ni Lyndon. Nakatayo ito sa may entrance ng villa, at walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha nito, at nakatingin lamang sa kanya.
    Nagmamadali siyang umakyat at nang makalapit na siya kay Lyndon ay niyakap niya ito ng mahigpit. Pero nanatiling nakatayo lamang si Lyndon, at walang emosyon na ipinakita ito sa kanya. Mabilis niyang inalis ang kanyang mga braso at nahihiya siyang ngumiti, dahil sa pagkapahiya.
    “Lyndon nag-usap lang kami ni Ylmas” ang sabi niya rito, ngunit ang isinagot sa kanya nito ay tumusok sa kanyang puso. Naluluha siyang pinagmasdan ang likod ni Lyndon na papalayo, papasok ng villa.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Where stories live. Discover now