Chapter 16

2.8K 143 23
                                    

"Will you marry me?" ang nakangiting tanong ni Lyndon sa kanya at nakaluhod pa ito sa kanyang harapan.
Nanlaki ang mga mata ni Isabella, at bigla na lang sumama ang tiyan niya, hahawakan niya sana ang kanyang bibig para pigilan ang pagsuka niya pero hindi na niya nagawa, nasuka na siya sa sahig, dalawang dangkal lang ang layo sa tabi ni Lyndon.
"Well, that was romantic" ang sagot ni Lyndon na napangiwi sa nangyari.
Pero, wala na siyang pakialam sa sasabihin ni Lyndon o kung nakakahiya man siya sa mga sandaling iyun. Dahil sa hindi niya napigilan ang sarili. Muli niyang hinawakan ang kanyang bibig at tinakpan na niya ito gamit ang dalawang kamay at mabilis siyang tumayo at tumakbo patungo sa lababo sa kusina, at doon niya inilabas ang natitira pang laman ng kanyang sikmura na gustong lumabas ng mga sandaling iyun.
Halos nanlambot ang mga tuhod niya at nakaramdam siya ng panginginig ng katawan.
What's wrong with her? Ang tanong niya sa sarili. Baka acidic na siya at puro kape lang ang laman ng kanyang sikmura ngayong araw at wala nga siyang gana na kumain.
May panahon na gustong-gusto niyang kumain mayron naman na amoy pa lang nasusuka na siya.
Nang ramdam niya na malinis na ang kanyang sikmura at nailabas na niyang lahat, ay hinugasan na niya ang kanyang bibig, nagmumog siya at binanlawan ang paligid ng kanyang bibig. At muntik pa siyang mapatalon ng maramdaman niya ang kamay ni Lyndon na lumapat sa kanyang likod.
"You're definitely not okey" ang mariin na sabi ni Lyndon sa kanya habang hinihimas nito ang kanyang likod.
Galit na kumuha siya ng kitchen towel sa tabi ng sink at pinunasan niya ang kanyang bibig at itinapon niya ang napkin sa ilalim sa basurahan sa ilalim ng sink.
"Of course I'm not OK!" pinihit niya ang kanyang katawan para harapin si Lyndon at pasigaw na sumagot siya rito, "you just asked me to marry you!" ang sigaw niya.
Then naalala niya ang suka niya sa may sahig at napapikit siya at napatingala at isang malalim na hininga ang pinakawalan niya, bago siya naglakad patungo sana sa back door para kumuha ng basahan sa likod bahay, nang pigilan siya ni Lyndon.
"Ako na ang maglilinis" ang giit ni Lyndon at hinawakan siya nito sa kanyang kanan na braso, at marahan siyang hinila nito pabalik.
Mula sa pamumutla, ay biglang namula ang mukha ni Isabella. Dios ko! Si Lyndon Bridge na president ng malaking kumpanya, ay paglilinisin niya ng kanyang suka?! Bigla siyang nahiya.
"Hindi mo kailangan na gawin iyan" ang tanggi niya, at tinalikuran niya ito, pero bigla siyang napahiyaw ng umangat ang sarili niya sa sahig.
"Ay! Lyndon!" ang sigaw niya ng buhatin siya ni Lyndon. Ang isang braso nito ay nasa kanyang likod at lumusot ang kamay nito sa ilalim ng kanyang kili-kili na marahan na dumadami sa kanyang dibdib, habang ang isang braso nito ay nasa ilalim ng kanyang mga hita sa likod ng tuhod.
"Nasaan ang kwarto mo?" ang tanong ni Lyndon sa kanya habang bitbit siya nito at naglakad ito papalapit sa labas ng pinto ng dalawang kwarto.
"Ibaba mo na ako Lyndon, hindi na ako nahihilo, kaya ko ng maglakad" ang giit niya.
"Sasabihin mo? O bubuhatin kita rito hanggang sa mangalay ang mga braso, and belive me Bella, matagal akong mangalay, and I am really enjoying carrying you" ang sabi ni Lyndon sa kanya, at ipinakita niya ang kanyang punto at marahan niyang pinisil ang gilid ng dibdib ni Bella.
Pinanlakihan niya ng mga mata si Lyndon, at nanggigil siya dahil sa ngumiti ito ng matamis sa kanya sabay kindat pa nito.
"Sa kanan" ang gigil na sabi niya, at naglakad palapit si Lyndon sa harapan ng pinto.
"Open it" ang utos sa kanya ni Lyndon, dahil nga sa karga siya nito ay hindi nito mabuksan ang pinto.
She reached for the doorknob at pinihit niya iyun at humakbang papalapit si Lyndon sa pinto para itulak iyun papasok, para buksan ito.
Dahil sa ilaw sa labas ay pumasok sa loob ng kwarto kaya kita ni Lyndon ang malaking kama ni Isabella. Naglakad siya papalapit sa kama itinukod niya ang isa niyang tuhod sa gilid ng kama para maihiga niya si Isabella.
Naihiga na niya si Isabella pero hindi pa rin niya ito, bininitiwan, nanatili ang mga kamay niya kay Isabella at nagtama at napako ang kanilang mga mata.
Napalunok si Lyndon habang nakatitig sa mga mata ni Isabella. At bumaba ang kanyang paningin sa mga labi nito na bahagyang nakabuka.
There was a loud pounding in his chest and in his ears. Don't Lyndon, ang giit niya sarili, don't do it.
He cleared his throat at tumangu-tango siya. Bago siya mabilis na tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Where stories live. Discover now