Chapter 25

2.8K 138 42
                                    

Lyndon, we kept on driving for almost an hour already!” ang inis na sabi ni Isabella kay Lyndon habang nagmamaneho ito at siya naman ay nakaupo sa passenger seat. She was getting tired and irritated of Lyndon, dahil kanina pa sila paikot-ikot sa metro sa kahahanap ng kakainan. Sumasakit na ang kanyang tiyan, at mukhang nag-aalburuto na ang mga bulate sa tiyan niya at nagrarally na ang mga ito, dahil hindi pa ulit nakakatikim ng pagkain simula pa kaninang tanghali.
     “Wala pa akong mahanap na gustong makainan” ang sagot ni Lyndon, na hindi pa makapag decide kung saan kakain. Kahit pa nadaanan na nila ang mga restaurants na madalas niyang puntahan, maisip lang niya ang pagkain sa loob ay gusto niyang sumuka. At, ipinagtataka niya iyun, dahil sa paborito niya ang mga ganoong uri ng pagkain.
     “Ano ba kasi ang gusto mong kainin?” ang iritadong tanong ni Isabella, kahit siguro tusok-tusok sa kanto, kakainin niya, sa sobrang gutom na niya.
     “I’m not sure, I’m just craving for something na hindi ko mapangalanan” ang sagot ni Lyndon.
     “Pwede ba Lyndon titirik na ang mga mata ko”
     “Gusto mo bang patirikin ko ang nga mata mo?” ang pilyong sagot ni Lyndon.
     “Lyndon, kapag ganitong gutom na gutom na ako, tigilan mo ako ng kahalayan mo ha, tatamaan ka sa akin” ang banta ni Isabella, at isang tawa lang ang isinagot ni Lyndon sa kanya.
    Hanggang sa may nadaanan sila na isang food hub. At mabuti na lang at nakuha na nito ang interest ni Lyndon.
    “Mukhang masarap doon ah” ang sabi ni Lyndon, na hindi pa, kahit kailan nakapunta sa ganoong lugar.
    Kumunot ang noo ni Isabella, hindi kasi siya sigurado sa sinabi ni Lyndon, knowing na napakaselan nito sa pagkain.
     “Sigurado ka ba? I don’t think that’s not the place for you” ang sabi niya rito, kahit pa na gusto na niyang kumain, gusto niya muna na masigurado na may makakain din si Lyndon.
     “Yes”
     “Ako, pwede ako sa mga ganyan na lugar Lyndon, ewan ko lang sa iyo” ang giit ni Isabella.
     “Shh, I’m sure, I saw something that piqued my interest” ang sagot ni Lyndon at naghanap sila ng available na parking space. Ilang minuto pa silang nagpaikot-ikot para makahanap ng pwedeng maparadahan ng sasakyan.
     “Finally!” ang sambit ni Isabella ng makapag park na sila, lalabas na sana siya dahil sa pagmamadali, pero, naalala niya ang usapan nila ni Lyndon, kaya kahit inip na inip na, naghintay pa rin siya sa loob, hanggat hindi binubuksan ni Lyndon ang pinto.
     Pagkalabas ay hinawakan ni Isabella ang kamay ni Lyndon, kusa na lang nila itong ginawa, parang hindi na nga ito parte ng pagpapanggap nila. Naglakad-lakad sila sa loob, maraming food stalls sa loob at iba’t ibang klase ng pagkain ang mayroon.
     Agad na nakakita si Isabella ng gusto niyang kainin, pero hindi muna siya bumili dahil sa hindi pa nakapag desisyon si Lyndon. Hanggang sa nagkasundo na lang sila na mauna ng bumili ng pagkain si Isabella at sunod na lang si Lyndon para makakuha na sila ng mapupwestuhan nila, at mahirap maghanap ng bakanteng lamesa at upuan sa dami ng tao.
    Nauna ng bumili si Isabella ng pagkain, inihaw na manok at isda ang kanyang napili na may kasamang kanin, bumili rin siya ng leche flan para sa dessert niya. Naiwan muna siya sa lamesa at hinintay niya si Lyndon na makabili. Ilang sandali pa siya na naghintay at nakita niya si Lyndon na pabalik at ang dami rin nitong binili na pagkain.
    “What’s that?” ang interisadong tanong ni Isabella kay Lyndon pagkaupo nito sa kanyang tabi. Tiningnan niya ang mga pagkain na inilatag nito sa lamesa at ang ibang pagkain ay pamilyar sa kanya.
    “Kumakain ka ba niyan?” ang gulat na tanong ni Isabella ng makita niya ang isang stick ng tukneneng na may sauce.
    “Ngayon pa lang, ewan ko ba, pero, parang natakam ako ng makita ko siya” ang sagot ni Lyndon.
    “Ano iyan?” ang tanong naman ni Isabella sa isang tila siopao na maliit na may palaman na pork belly.
    “Cuapao, ang sabi ng babae” ang sagot ni Lyndon.
    Pinagmasdan ni Isabella ang mga biniling pagkain ni Lyndon, may tukneneng, siomai, cuapao, mushroom soup at mochi balls. Hindi naman kakaiba ang mga binili ni Lyndon, pero para sa fancy taste buds nito nakakagulat na bumili ito ng ganoong pagkain.
    Pero mas may napansin pa siya na kakaiba sa binili ni Lyndon. Halos lahat ay kulay puti, at lahat ay tigtatatlo, maliban sa mushroom soup. Hmm, baka, talagang tig tatlo ang servings nila dito, ang sabi ni Isabella sa sarili, and she didn’t give a big deal out of it.
    She handed wet wipes para kay Lyndon para linisin nito ang kamay at alcohol, pagkatapos ay nagsimula na silang kumain na dalawa.
    “Gusto mo itry ang chicken? Or fish? Masarap” ang alok ni Isabella.
    Mabilis na umiling si Lyndon, “no, baka sakitan ako ng tiyan at kakainin ko ang may laway mo, and besides, I’m enjoying my food already” ang sagot ni Lyndon na parang dinaanan ng hangin ang binili nitong pagkain.
   “Itatanong ko pa naman sana kung, kaya mong ubusin ang mga binili mo, eh, wala na palang natira” ang sabi ni Isabella habang tinitingnan ang mga paper plate na pinaglagyan ng pagkain nito.
   “Wait here, bibili pa ako” ang sabi ni Lyndon sabay tayo nito.
   “Wait Lyndon, baka sakitan ka na ng tiyan” ang paalala ni Isabella.
    “I don’t think so, hindi ka kumain sa kinainan ko, walang virus mo” ang sagot pa nito bago tumayo at naglakad papalayo para muling bumili.
   Pagbalik nito ay tapos na siyang kumain, at dala nga nito ang parehong pagkain na binili kanina, pero may bitbit na itong paper bag ngayon maliban pa sa mga pagkain na naka paper plate.
   “Ano yan?” ang usisa ni Isabella sa bitbit nito na paperbag.
   “Take out” ang sagot ni Lyndon at naupo itong muli sa kanyang tabi.
   Napansin na naman niya ang tig-tatlo na pagkain nito, inabot niya ang paper bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at sinilip niya ang laman nito.
    May cuapao at sipao sa loob ng paper bag, at napansin niya na tig tatlong piraso rin iyun. What’s with him and three? Ang takang tanong ni Isabella. Huh, hindi na nga niya pakikialamanan ang trip nito sa buhay, pero natutuwa siya, at natuto na rin na kumain si Lyndon ng ibang klase na pagkain, na labas sa nakasanayan nito. Umaasa lang siya na hindi ito sasakitan ng tiyan nila pauwi kundi, magiging taga laway na naman siya nito.
   Matiyagang naghintay si Isabella kay Lyndon, hanggang sa maubos nito ang pagkain. Ilang minuto pa silang naupo bago sila nagdesisyun na tumayo na para umuwi, ng makaramdam ng pagkahilo si Lyndon. Napakapit ito sa kanya, kaya agad niyang hinawakan si Lyndon.
   “What’s wrong?” ang alalang tanong ni Isabella inalalayan niya si Lyndon.
   “Bigla lang akong nahilo, but I’m okey” ang giit nito.
   “Are you sure? Pwede naman na maupo ka muna” ang alalang tanong ni Isabella kay Lyndon, at napansin niya na kumurap-kurap ito.
   “Yeah, I’m sure, ayoko na mag stay rito, baka sa sobrang dami ng tao kaya nahilo ako, pero, OK na ako, mas gusto ko ng umuwi at mahiga na muna” ang sagot ni Lyndon.
   Kinuha ni Isabella ang braso ni Lyndon, at inilagay sa kanyang balikat, kaya nakaakbay ito sa kanya, habang ang kaliwang braso naman niya ay nakahawak sa bewang ni Lyndon at ang isa ay bitbit ang take out na pagkain nito. They look affectionate with each other, and at the same time, ay nakaalalay siya kay Lyndon. Hindi siya sigurado kung kakayanin ba niya ang katawan ni Lyndon sakaling tumumba ito, pero, hindi niya hahayaan na matumba ito sa semento.
    Mabagal silang naglakad patungo sa sasakyan ni Lyndon, at dahil sa gustong manigurado ni Isabella ay sinabi niya na siya ng ang magmamaneho pauwi.
   “Lyndon, let me drive for now” ang sabi niya kay Lyndon.
   “Ayoko, ako ang lalaki, I should be the one driving” ang tanggi ni Lyndon.
   “Here we go again” ang bulong ni Isabella, naulit na naman ang sitwasyon nila sa Cebu, noong nagtalo sila sa kanyang bahay kung sino ang nagmamaneho ng kotse.
   “Lyndon, wala naman masama kung ako muna ang magmaneho pauwi? Please paano kung bigla kang mahilo while driving? It won’t hurt you kung ako muna ang magmaneho pauwi, just tell me the directions” ang giit ni Isabella.
    Napabuntong-hininga si Lyndon, “ok, pero, ngayon lang” ang giit ni Lyndon.
   “Yes, now, give me the keys, I promise, hindi ko gagasgasan ang sasakyan mo” ang pangako ni Isabella.
   “It’s just a car” ang balewalang sagot ni Lyndon kay Isabella, at sumakay na siya sa loob.
  
   Pagkauwi nila ay agad na pinaglinis ni Isabella ng katawan si Lyndon, inihanda niya ang susuotin na damit nito at inilatag sa ibabaw ng kama, habang siya naman ay inayos na ang mga damit niya sa closet sa katabing kwarto ni Lyndon, iyun sana ang gusto niyang kwarto pero, dahil sa gusto ni Lyndon na magkatabi sila, hindi na niya ito nagamit.
   Dahil sa kakaunti lang naman ang dala niyang damit ay mabilis siyang natapos sa kanyang gawain. Sinilip niya si Lyndon na tulog na sa kama at nakadapa ito. Siya naman ang kumuha ng towel para maligo at matutulog na rin siya. Balak niya na bukas ay maglalaba na siya ng mga damit kapag di na masama ang pakiramdam ni Lyndon at pwede na siyang maiwan sa bahay.
   Pagkatapos na magshower, pinatuyo lang niya sandali ang kanyang buhok at nahiga na siya sa tabi ni Lyndon na tulog na tulog na. At kung dati ay si Lyndon ang nakayakap sa kanya, sa pagkakataon na iyun ay siya naman ang yumakap kay Lyndon. She rested her arms sa likod nito at idinikit niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Nag-aalala na rin siya sa nararamdaman ni Lyndon, dapat siguro ay magpa konsulta na ito bukas sa doctor at baka nga may mikrobyo na ito sa katawan at siya ang may kagagawan.
   Hindi kaya dahil sa pagiging maselan nito ay nagkasakit ito sa bukid nila? Ang alalang tanong niya sa sarili.
  Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito. At hinawi ng daliri niya ang buhok  na nasa noo nito at tumatakip na sa mga nakapikit nitong mata.
   And she had the impulse to kiss him, mukhang tulog naman ito at hindi nito malalaman ang ginawa niya, ang sabi niya sa sarili.
   Dahan-dahan niyang inilapit ang  ang kanyang mga labi at marahan niyang idinampi ang kanyang mga labi sa pisngi nito.
   “Isha pa” ang mahinang sambit ni Lyndon, at kumunot ang noo ni Isabella dahil sa gising pa pala ito. Hindi niya napigilan ang ngumiti at muli niyang hinagkan ang pisngi nito, at isang ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Lyndon.
   “Matulog ka na” ang utos ni Isabella at siya ay pumikit na rin hanggang sa siya ay makatulog.


   Dis oras ng gabi ng magising si Lyndon, nakaramdam siya ng gutom. Tiningnan niya si Isabella na tulog na tulog at halos nasa dulo na ng kama. At hindi niya napigilan ang ngumiti ng maalala niya ang paghalik nito sa kanyang pisngi.
    Hindi na niya ito gigisingin, ang desisyon niya, bumangon siya at naglakad palabas ng kwarto, pababa sa may kusina. Ngayon lang niya ginawa ito, ang kumain ng late ng gabi. Hindi nga niya alam kung bakit nakaramdam siya ng gutom.
    Naalala niya ang binili niyang siopao at cuapao, binuksan niya ang ref at kinuha niya ang bag saka niya ipinatong sa kitchen isle at inilabas niya ang laman.
    “Paano kaya ito initin?” ang tanong ni Lyndon, gisingin ba niya si Isabella para magtanong? Ang sabi niya sa sarili. Hmm, hindi na, tulog na tulog na ito. Nakita niya ang microwave at naisipan niya na isalang na lang sa microwave ang binili niyang pagkain. Pagkainit ay agad niyang naubos ang pagkain at saka siya muling bumalik sa itaas para muling matulog.


    “Lyndon”
    “Uhhh”
    “Lyndon”
     “Anoooo?” ang inis na tanong ni Lyndon, habang nakapikit pa rin siya at nakadapa sa kanyang kama.
    “Kanina pa tumutunog ang alarm mo, papasok ka ba?” ang tanong ni Isabella sa kanya.
    “Oo, babalik yung kausap ko kahapon” ang sagot ni Lyndon na pinilit na ibinuka ang kanyang mga mata.
    “Masama ba ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Isabella.
    “No, inaantok lang ako” ang sagot ni Lyndon at halata ang panlalambot sa katawan nito.
    “Ipaghahanda ba kita ng almusal? Gusto mo ba na kumain?” ang tanong ni Isabella.
    Umiling si Lyndon, “no, coffee lang” ang matamlay na sagot ni Lyndon.
    “Sige na, I’ll brew some coffee, gusto mo bang samahan kita ulit sa opisina?” ang tanong ni Isabella.
    Ngumiti si Lyndon, “gustuhin ko man, kaso, nasa labas ako, halos kalahati ng araw ko ngayon, ayaw ko naman na nakasunod ka lang sa akin, although, I like the sound of the CEO of Stronghold Construction Firm ay ang aking PA” ang biro ni Lyndon.
    “PA mo mukha mo, fiancée mo ako!” ang nakangiting sagot ni Isabella.
    “Huh, hindi ko naman ramdam” ang kunwaring tampo ni Lyndon.
     Umismid si Isabella, “Sige na maligo ka na, ano nga pala ang gusto mong kainin mamaya pag-uwi mo?” ang tanong ni Isabella.
     “Hmm, gusto ko ng carbonara, saka ng itlog yung hard boiled” ang sagot ni Lyndon.
     Napangiwi si Isabella sa tipo ng pagkain na gusto ni Lyndon, pero dahil sa hiniling nito ay susundin na lang niya ang kahilingan nito.
   


     Nakabalik na si Lyndon mula sa kanyang maghapon na meeting sa labas ng kanyang opisina. Bumalik siya dahil sa may mga pipirmahan pa siyang mga papeles. Nang makaramdam na naman siya ng pagsama ng pakiramdam.
    “Shit” ang bulong niya sa sarili, at iyun na lang ang huling nasabi niya, dahil tuluyan ng umikot ang kanyang paningin at bumagal siya sa sahig.
  


    Abala si Isabella sa paghihiwa ng ham na ilalagay niya sa carbonara, nakapag luto na siya ng pasta at nilagang itlog.
    Maya-maya ay narinig niya ang ring ng kanyang phone, kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang screen kung sino ang caller. Isang number ito na hindi pa naka register sa kanyang phone, kumunot ang noo niya, pero sinagot niya ito. Boses ng babae ang bumati sa kanya at nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang sinabi nito. Mabilis niyang pinutol ang tawag at tumakbo siya sa itaas para kunin ang kanyang bag, at patakbo siyang lumabas ng bahay. Naisip pa niya na mahaba pa ang lalakarin niya mula sa kanilang bahay patungo sa gate, kaya ng may dumaan na sasakyan ay pinara ito ni Isabella at hinintuan naman siya ng babaeng driver. Nakiusap siya na makisabay hanggang sa gate ng subdivision at dun na siya sasakay ng grab o taxi.
    Pinasakay naman siya nito at nang malaman nito kung sino siya at kung bakit siya nagmamadali ay nagmagandang loob ito na ihatid siya sa hospital kung saan naroon si Lyndon.
    Pagkahatid ay nagpasalamat si Isabella sa babaeng driver at kapit bahay ni Lyndon at mabilis siyang pumasok ng hospital at umakyat kung saan naroon ang private room ni Lyndon.
   Nang makita niya ang numero ng kwarto ni Lyndon ay agad niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang tatlong nakangiting mukha.
    Ang kay Lyndon na nakahiga, isang matangkad na lalaki na may kulay abo na mga mata at magandang babae na kulot ang buhok at may suot na salamin.
   “Isabella?” ang masayang bati sa kanya ng babae.
   

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Donde viven las historias. Descúbrelo ahora