Chapter 34

2.6K 130 37
                                    

Pinagmamasdan ni Lyndon si Isabella habang nakahiga ito at mahimbing pa rin na natutulog sa kama. Nakaupo siya sa may silya sa tabi ng bintana.
    He was thinking since this early morning, maaga pa lang ay bumangon na siya at hindi rin naman siya nakatulog, because of some thoughts bugging him since last night.
     He decided to go here para ilayo si Isabella, but also, para makumbinsi na rin si tatay Rene na maibenta sa kanila ang Chez Corazon.
     He wanted to acquire the island, pero kung dati ay ang iniisip niya ay ang kanyang proposal, mas una gusto niyang makuha ngayon ang isla para kay Isabella. Gusto niyang makita na maabot nito ang pinapangarap nito.
     Napabuntong-hininga siya, kung hindi lang sana kumplikado, kung matagal na sana niyang nakilala si Bella, na ang pangarap pa nito ay ang maikasal sa lalaking pinakamamahal nito at ang bumuo ng pamilya ay kaya pa niyang ibigay. Gagawin niya ang lahat para mahalin siya ni Isabella at bibigyan niya ito ng malaki at magandang pamilya.
     Pero, hindi na ganoon ang pangarap ni Isabella, ang pangarap nito ay ang Chez Corazon. At, dahil sa mahal niya si Isabella, parang mga bituin sa langit na kanyang susungkitin, ganoon din ang kanyang gagawin. Gagawin niya ang lahat, maibigay lang niya ang minimithi ni Isabella.
     Alam niya na mahihirapan sila, dahil sa may lumitaw na kamag-anak ni Corazon. Napakalaki ng posibilidad na ibigay ni tatay Rene ang isla, sa kamag-anak ng pinakamamahal nito.
    Kapag nagkataon, mabibigo niya si Isabella, at ayaw niya iyon na mangyari. Ang tanging nakikita niyang pag-asa ay kung matigas pa ri rin si tatay Rene sa kundisyon nito, na ibibigay lang nito ang isla, sa kung sino ang may kabiyak. At sana nga ay manatili ang kundisyon na iyun ni tatay Rene at kung ganun man ay may pag-asa at laban sila ni Isabella. Sana nga lang ay walang, asawa o ka relasyon ang kung sinuman na kamag-anak nito.
     Isang malalim na hininga ang muling pinakawalan niya, tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at humakbang siya papalapit sa may pinto. Pinihit niya ang door knob, pero bago lumabas ay muli niyang tiningnan ang natutulog na si Isabella.
     Nagtungo, na siya sa ibaba para silipin kung busy na ang kusina. At naabutan nga niya sina kuya Tino at ang asawa nito.
    Magiliw siyang binati ng mga ito at biniro na patungkol sa kanila ni Isabella. At isang malakas na halakhak lang ang naisagot niya.
     Tinanong niya kung gising na si tatay Rene at nagpalitan muna ng tingin ang mag-asawa. Bago siya sinagot ni kuya Tino.
     “Mamaya pa iyun si sir Rene, tapos, pupunta iyun mamaya kay ma’am Corazon” ang sagot ni kuya Tino.
     Tumangu-tango si Lyndon, “may breakfast na po ba?” ang tanong niya.
    “May mainit na tinapay na po, may tapa at itlog na po, isinasangag na lang ni misis ang kanin, saan niyo po ba gustong kumain?” ang magiliw at magalang na tanong ni kuya Tino.
     Nag-isip sandali si Lyndon, “gigisingin ko po muna si Bella, at tatanungin ko kung, mag-aalmusal na rin siya” ang sagot niya.
    “Sige po” ang sagot ni kuya Tino, bago siya naglakad paakyat at pabalik ng kwarto nila ni Isabella.
    Pagbukas niya ng pinto ay tumambad ang natutulog pa rin na si Bella, naiba na naman ang pwesto nito.
    Mabuti hindi nahuhulog ito? Dapat dito crib ang higaan eh, ang nangingiting sabi niya sa sarili, habang umiiling. Lumapit siya sa kama, at patagilid na nahiga siya sa tabi nito, itinukod niya ang isa niyang siko at pinagmasdan ang mukha nito.
     Hinalikan niya ang dulo ng ilong nito saka niya hinaplos ang malambot nitong pisngi.
     “Honey?” ang mahinang tanong ni Lyndon sa tenga ni Isabella.
     “Hmm” ang angal na ungol nito.
     “Baby?” ang nakangiting bulong niya sa tenga nito.
      “Uhhh” ang ungol nito.
      “Oh God Bella wag kang umungol ng ganyan” ang bulong niyang muli sa tenga nito na gusto na niyang kagat-kagatin ng mga sandaling iyun.
      “Bakit ba inaantok pa ako?” ang antok na angal ni Bella sa kanya, nagsalita ito na hindi man lang iminulat ang mga mata.
     “I didn’t want to wake you, but I’m going down to have some coffee, gusto mo bang sumabay na?” ang malambing na tanong ni Lyndon habang hinahaplos any buhok niya.
    She sighed and smiled, “hmm, may breakfast na kaya?” ang tanong ni Isabella, pero nakapikit pa rin ito.
    “Meron na, it’s already eight in the morning at busy na sa ibaba, gusto mo bang dalhan na lang kita rito ng almusal?” ang tanong ni Lyndon.
    Ngumuso si Isabella pero nakapikit pa rin ito, kaya mahinang natawa si Lyndon sa iginawi nito, and he couldn’t helped himself of not kissing her closed eyes.
    Dahan-dahan na iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata at bumati sa kanya ang asul na mga mata ni Lyndon. It has that deep hue this time, and it only meant one thing he’s has an intense feeling at that very moment.
    “Good morning” ang bati nito sa kanya at ngumiti ito ng kay tamis. Naramdaman niya ang pitik sa kanyang puson at bigla niyang inilapat ang kanyang palad doon.
    Napansin iyun ni Lyndon, “are you in pain?” ang kunot noong tanong nito sa kanya at may bahid ng pag-aalala.
   Your babies are happy to see you, ang gusto sana niyang isagot, pero umiling lang siya at matipid na ngumiti.
   Umiling si Isabella, “no” ang mahinang sagot niya, pero nanatiling nakapako ang mga mata nila sa isa’t isa.
    Hanggang sa bumaba na ang mga mata ni Lyndon sa bahagyang nakabuka na mga labi ni Isabella. At dahan-dahang, Ibinaba ni Lyndon ang kanyang ulo papalapit sa ulo ni Isabella, para maglapat ang kanilang mga labi.

     Hinintay ni Isabella na dumampi ang mga labi ni Lyndon sa nananabik niyang mga labi. Napapikit ang kanyang mga mata, sa sandaling naramdaman niya ang labi ni Lyndon, na marahang dumampi sa kanyang mga labi.
    Nanatili ang mga labi nito na halos nakadampi lang sa labi mga niya, hindi nito, tuluyan na idinikit para bang nanghihingi ito, ng permiso.
    Dahan-dahan na iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata at napako na muli ang kanilang mga mata, inilagay ni Isabella ang kanyang kamay sa batok ni Lyndon at hinila niya pababa ang ulo nito para tuluyan na maglapat ang mga labi nila.
    Isang impit na ungol ang lumabas sa kanilang mga bibig. Dahil na rin sa labis na pananabik na muli nilang tikman ang labi ng bawat isa.
    Nagpabaling-baling ang kanilang ulo, para makuha nila ang tamang anggulo para maidiin nila ng husto ang pagniniig ng kanilang mga labi na kapwa nananabik sa isa’t isa.
    Hinawakan ni Lyndon ang kamay niya na nakahawak sa batok nito at inalis iyun para magdaop ang kanilang mga palad at inilatag iyun ni Lyndon sa taas ng kanyang ulo.
    Nagtikiman silang dalawa, ang mga dila nila ay nangungusap.
    Pero, nag-iba ang pakiramdam ni Isabella. Nanlaki ang kanyang mata at itinulak niya si Lyndon at mabilis siyang bumangon at tumayo habang hawak ang bibig niya at patakbo siyang nagtungo sa lababo sa banyo para sumuka.
   
     Hindi makapaniwala si Lyndon na si Isabella mismo ang nagdiin ng kanilang mga labi, at his heart started pumping wildly in his chest and blood pounded in his ears. He started entering her mouth with his tongue. He tasted her mouth, while he held her hands, and he put it on the pillow above her head.
    Pero bigla siyang nagulat ng itulak siya ni Isabella at halos mahulog siya sa gilid ng kama.
    “Whoah” ang sambit niya pero mabilis siyang tumayo at sinundan niya si Isabella sa banyo.
 
     Hindi man natuloy ang kung saan man papunta na halikan nila kanina, ay masaya pa rin si Lyndon, dahil, maganda ang simula ng araw niya. It was a good sign, na magiging mas malapit sila ni Isabella.
    His going to do everything para makuha niya ant puso ni Isabella, at ang isla. At kapag nakuha na nila ang isla, he’s going to offer a proposal to her. A WEDDING proposal.
    He’s really in a good mood that morning habang kumakain na sila ng almusal sa ibaba, kasabay ang mag-asawa na guest.
    “Are you feeling alright now?” ang tanong ni Lyndon kay Isabella na kumakain ng saging.
    “Uh-hmm, I’m feeling better” ang sagot ni Isabella sa kanya.
    “Anong gusto mong kainin?” ang tanong ni Lyndon, “fried rice?”
    “Oo, saka yung tapa” ang sagot nito.
    Agad naman na ipinagsandok ng sinangag ni Lyndon si Isabella, at saka niya nilagyan ng tapa ang plato nito. Maya-maya ay pumasok ang asawa ni kuya Tino dala ang tatlong nilagang itlog.
    “ito na po yung pinaluto ni Bella na itlog” ang mahinang sabi nito sabay lapag ng maliit na bowl laman ang nilagang itlog.
    “Salamat po ate” ang nakangiting sabi ni Isabella. Ipinagbalat naman siya ni Lyndon ng itlog, at inilagay sa kanyang plato.
    “Thank you” ang nakangiting sabi ni Isabella sa kanya, at isang halik sa pisngi ang isinagot niya kay Bella.
    “Mukhang magaganda ang gising ninyong lahat ah” ang masayang bati ni tatay Rene sa kanila, pagpasok nito ng dining area.
    “Opo, maganda po kasi ang lugar ninyo kaya, pati tulog at paggising namin ay maganda rin” ang sagot ni Lyndon.
    Naupo si tatay Rene sa head ng dining table, at nagsalin ito ng kape sa tasa nito.
    “Breakfast po?” ang alok ng mag-asawang guest kay tatay Rene.
    “Sige lang, nagkakape lang ako pagkagising mamaya pa ako kakain”-
    “Dadalaw po kayo ulit?” ang tanong ni Isabella kay tatay Rene at ang tinutukoy ay ang puntod ni Corazon.
     Isang ngiti at kindat ang isinagot ni tatay Rene kay Isabella.
    “Gusto mo nyo bang sumama?” ang tanong ni tatay Rene.
    “Opo” ang sagot ni Isabella, “may sasabihin ako sa kanya” ang sagot ni Isabella.
   
    Habang ang mag-asawang guest ay naiwan sa villa para mag swimming sa beach at para lubus-lubusin ang huling araw ng mga ito sa villa, sila Isabella at Lyndon naman ay sumama kay tatay Rene, sa puntod ni Corazon. Tulad ng dati, si tatay Rene ang nagdrive, habang nasa passenger seat si Isabella at sa likod naman si Lyndon, ng lumang owner. Pero kung dati ay wala itong bubong, dahil sa napapadalas na rin ang pag-ulan sa lugar at tapos na ang summer, ay nilagyan na ng bubong ang owner na jeep.
    Tahimik na tumayo sina Isabella at Lyndon sa harapan ng puntod ni Corazon, habang si tatay Rene ay naupo sa isa sa mga batong upuan at pinagmasdan silang dalawa.
    Corazon? Dito sa isla mo, natagpuan ko ang lalaking minamahal ko ngayon at daddy ng mga anak ko, sana, tulungan mo ako na, mahalin din niya ako, at magkarun din kami ng pagmamahalan na wagas gaya mo at ni tatay Rene, ang sabi ni Isabella sa kanyang isipan.
    Naramdaman niya ang braso ni Lyndon na umakbay sa kanya, at hinalikan siya nito sa ulo.
    Napabuntong-hininga si Isabella, hindi kasi niya alam kung totoo o pagpapanggap lang ang mga ikinikilos ni Lyndon. Lalo pa at, nakatingin sa kanila si tatay Rene. Nalilito ang puso niya, para kasing ang sarap umasa at maniwala na totohanan na ang lahat sa kanila.

    Pagkabalik nila sa villa ay muling bumalik sa loob si tatay Rene para kumain at makapagpahinga.
    Habang sila naman ay sinamahan ang mag-asawang guest na nagsuswimming sa beach front ng villa. Agad na nagpalit ng bikini si Isabella at board shorts naman si Lyndon.
    Ilang sandali pa silang nagtampisaw sa malinaw na tubig ng umahon na si Isabella at naupo sa isa sa mga lounger na may umbrella nasa tabing dagat. Sumunod naman si Lyndon kay Isabella at naupo sa tabi nito. Nahiga si Isabella sa lounger at isang pilyong ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Lyndon, nagpalinga-linga pa ito para tingnan kung may ibang tao sa paligid. Nakita niya ang mag-asawa na guest na nasa lounger sa may kalayuan at parehong nakadapa ang mga ito at nakapikit.
    Inilapit ni Lyndon ang kanyang bibig sa tenga ni Isabella.
    “Can we continue what we’re doing?” ang mahinang tanong ni Lyndon sa kanyang tenga na nagdulot ng kiliti sa buo niyang katawan.
   “Just kiss me” ang sagot ni Isabella, at agad namang siniil ng halik ni Lyndon ang labi niya. They were so engulfed with their passionate kiss xat hindi na nila inisip kung may nakakakita sa kanila.
    But they stopped short ng biglang –
    “I’m glad to interrupt what you’re doing” ang sabi ng boses ng lalaki at bigla silang napatingin sa pinanggalingan nito. And they saw Ylmas, stood a few feet away from them, with his arms across his chest with a smirk on his handsome face.
    
   
   
         
   

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Where stories live. Discover now