Chapter 13

3K 127 9
                                    

He kept tossing and turning that night when he finally reached his house that same day. Hindi siya makatulog. Naalala niya ang mga nangyari sa Cebu, sa loob ng private office nito. As always, he remembered her, but this time, her image haunted him. She showed her feistiness ng alukin niya ito na magbackout, pero ang tapang sa mukha at mga mata nito ay mabilis na nagbago at napalitan ng sakit. He knew that, she’s trying to look brave and strong in front of him, but, he could see, a second, of hurt in her beautiful eyes.
     Those eyes, that smiles, that shoot daggers, and that shows ecstacy, showed so much pain, in a span of seconds, before she hid her feelings, but, he saw it. He had hurt her.
     Hindi dapat maging personal ang lahat hindi ba? Everything is pure business, ang giit niya sa sarili.
    “Ughh” he groaned, bumangon siya at naupo sa gilid ng kama, he rested his elbows on top of his knees and ran his hands through his hair. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok out of frustration.
     “What’s happening to me?!” ang galit na sabi niya sa sarili, why was he having conscience now?! Hindi ba dapat ay wala siyang pakialam sa feelings ng iba? This is for his future, for the CEO seat! Na matagal na niyang inaasam, and he vowed that he would do anything to get it.
    So why have this guilty feelings? Damn her! Hindi kaya na plano nito na akitin siya? Hindi kaya coincidence lang ang pagtatagpo nila? Did she plan all this? For her to get under his skin? An itch that cannot be scratched? Mukhang nagtatagumpay na ang babae na iyun, ang galit na sabi niya sa kanyang sarili.
    “No” umiling siya, hindi niya hahayaan na masira ang mga pangarap niya ng dahil lang sa isang babae ang sumpa niya sa sarili.

    

     Isabella woke up, pagud na pagod man ay bumangon na siya. Ngayon lang siya muling nakadama ng pagod, hindi pagod ng katawan, kundi pagod ng puso at isipan.
    Tumayo siya at lumapit sa bintana, hinawi ng kanyang dalawang kamay ang puting kurtina na nakatabing sa salamin na bintana at tinanaw niya ang abalang kalsada sa ibaba. Kita niya ang mga tao na may liksi ang mga paa sa paglalakad. Mga empleyado, mga, estudyante, mga tindero na bitbit pa ang kanilang mga paninda sa basket.
    Sa kabilang banda naman ay ang mga matutulin na sasakyan, bus, jeep, taxi, at mga pribadong kotse. She’s always like that, busy. Pero kahapon, nang pumunta si Lyndon sa kanyang opisina ay biglang nagpreno ang kanyang buhay.
     Sampung taon na ang nakalipas, akala niya ay hindi na niya mararamdaman ang sakit. Pero, muling ibinalik iyun ni Lyndon.
    She was that eighteen year old girl again, na nasa harapan niya ang magulang ng kanyang nobyo.
    Pero, totoo nga ba na nasaktan siya kahapon dahil sa nagbalik ang nakaraan? OO nasaktan nga siya, pero, dahil nga ba sa ipinaalala ni Lyndon ang nakaraan? O dahil sa narinig niya mismo sa mga labi ni Lyndon ang mga masasakit na salita nito? Dahil sa, si Lyndon mismo ang nagsabi ng mga ito sa kanya.

     Nasaktan siya ng husto, dahil sa mga sandaling iyun, ipinaalala, no, IPINAMUKHA ni Lyndon sa kanya, na, she is just a grain of sand, against a boulder of rock na si Lyndon.
    She cried, for so many years, lumuha siyang muli. And, she’s glad, she’s glad that she cried, she said to herself.
    Muli niyang isinara ang kurtina, at naglakad siya papalapit sa isang maliit na vanity table, naupo siya sa upuan at humarap siya sa salamin.
    Pinagmasdan niya ang kanyang repleksiyon sa salamin.
    Oo, masaya siya at lumuha siya, dahil hinugasan nito ang lahat ng kirot at sakit na nadarama niya ng mga sandaling iyun. At, tulad ng dati, noong lumuha siya dahil sa sakit, isang bagong Isabella ang bumangon.
    And now, a new Isabella, again emerged. He made a mistake, she’s not going to backdown, he only made her more determined to get the island for herself, no matter what.
    Gagawin niya ang lahat para makuha niya ang isla. Hindi siya papayag na yurakan na naman ng isang lalaki na tulad ni Lyndon Bridge ang sisira sa mga pangarap niya.


     Pagpasok pa lang niya sa lobby ng kanyang building ay iba na ang pakiramdam ni Lyndon. He felt a queasiness in his stomach. At mas lalo na ng makita niya ang mga curious glances na ibinibigay sa kanya ng mga empleyado ng kanilang kumpanya.
     Pagsakay niya ng elevator ay umiwas ang iba na makasakay siya. They just greeted him discreetly at pinauna na siyang pumasok sa loob ng elevator at lumayo na ang mga ito. Letting him ride the elevator by himself.
     He wouldn’t mind, at least he’ll have the privacy of riding the elevator. Pero, sa tuwing titigil ang elevator sa isang floor para magsakay, at sa tuwing bubukas ang elevator doors at makikita na siya ang sakay, ay tumatalikod na ang mga ito, o mahina siyang babatiin pero hindi siya sasabayan ng mga ito, which was unusual for him.
    Yes, he was a stern boss at kinakaasaran man siya ng mga empleyado ng kanyang kumpanya, hindi naman ito, dumating sa iniwasan na siya ng kanyang mga employees.
    What’s wrong with these people? Ang sabi niya sa sarili. At nang maabot na niya ang kanyang floor at pagbukas ng elevator doors ay bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang secretary. Halata ang pagkabalisa sa mukha nito at pag-aalala.
    “Sir, I tried to stop her, pero ang sabi niya po ay kakilala niya kayo” ang alalang sabi nito habang nakasunod sa kanyang paglalakad patungo sa kanyang opisina.
    “Who?” ang takang tanong ni Lyndon at kita niya ang mga mata ng employees niya na nakatuon sa kanya.
    “I don’t know her name sir, I was about to call the securities, pero, pinigilan po ako ni sir George” ang kinalabahan na sabi nito sa kanya.
    Pero hindi na nito kailangan na magpaliwanag. Habang papalapit ay kita niya ang isang funeral flower wreath na nasa labas at tabi ng pintuan ng kanyang opisina. Agad siyang napahinto sa paglalakad ng makita ang flower wreath.
    Ramdam niya ang pagtaas ng dugo niya sa kanyang ulo, parang may tumatambol ng kanyang mga tenga.
    Ang kaninang mabilis niyang paglalakad ay biglang bumagal habang papalapit siya sa pintuan ng kwarto niya.
    Dahan-dahan ang kanyang mga hakbang papalapit sa funeral wreath, nang makalapit na siya at tinitigan niya ito at tiningnan kung may message ba na nakasulat sa bulaklak, pero, wala. Tila kinutuban na siya na kung anong naghihintay sa kanya sa loob,  kaya binuksan niya ang pinto at galit niyang itinulak pabukas ang pinto.
     At tulad ng inaasahan ay bumungad sa kanya ang maraming funeral wreath, halos mapuno nito ang loob ng kanyang opisina. At may malaking tarp na nakasabit sa gitna, sa pagitan ng dalawang mas malaking funeral wreath, at nakasulat ay, “I decline!”
    Lyndon, slowly turned para at nakita niya ang kanyang secretary na nakatayo sa may bukas na pintuan.
    “Where is she?!” ang galit na sigaw niya sa secretary niya na halos mapatalon sa takot. Niyakap nito ang mahigpit ang hawak na folder nito.
    “S-sir nasa, c-conference r-room po” ang takot na sagot ng secretary niya kaya nagkautal-utal na ito.
    Halos itulak niya ang secretary niya ng hawiin niya ito sa kanyang daan ng palabas na siya ng pintuan.
    That mad woman! Ang lakas ng loob nito na pumunta sa opisina niya at dalhan siya ng korona ng patay! She’s going to gave her a piece of... Fuck!! Ang galit na sabi niya sa sarili, habang galit na galit siyang naglalakad patungo sa conference room.
    Pinihit niya ang knob at malakas iyun na itinulak at tumambad sa kanya ang kanyang step brother na si George, na nakaupo sa may gilid ng lamesa ng mahabang conference table. He sat on the edge of the table with one leg up on the edge, while his othe leg extends straight on the floor for support, his arms were across his chests and his looking down at her.
     At ISABELLA, na nakaupo sa isang swivel chair sa harapan ng pinsan niya. Her back leans on the backrest, her hands lies on the armrest. She sat with her legs, crossed, and with the skirt, she’s wearing. He could see a great amount of skin, while she sat crossed legged.
     Naabutan pa niya ang malakas na tawa ng dalawa, at napalingon ang mga ito, when he burst open the door.
    “What the hell are you doing?!” ang sigaw na tanong niya. He’s mad, but for some reason, nakadama siya ng galit hindi dahil sa ginawa ni Isabella. Kundi naabutan niya ito, with his rival, he felt that she, betrayed him, but why? Ang tanong niya sa sarili.
    At hindi lang iyun, nakaramdam siya ng selos.
    “Oh, Lyndon, I’m so glad that I had the opportunity to meet your friend” ang bati ni George sa kanya, na may tuwa sa boses nito.
    Hindi pinansin ni Lyndon ang kanyang step brother, dahil ang mga asul na mata nito ay nakatuon kay Isabella, na nakaupo pa rin sa swivel chair, na bahagya nitong pinihit para humarap ito sa kanya.
    “It’s good to see you Lyndon” ang sagot sa kanya ni Bella na may landi sa boses nito and he knew that she’s mocking her.
    “I asked what the hell are you doing?” ang muling mariin na tanong ni Lyndon sa kanya.
    “Do you want me to answer that with, George here? I won’t mind, he’s after all a good fellow” ang nakangiting sagot ni Bella sa kanya, na may paghahamon sa kanya.
    “I won’t mind listening” ang sabat ni George.
    “Get out” ang mahina pero mariin na sabi niya sa kanyang step brother.
    Tumangu-tango si George, pero hindi naalis ang ngiti sa mga labi nito.
     “Alright, it’s nice meeting you Ms. Dueñas, I’m looking forward to see you again, perhaps, we’ll do some business together” ang sabi ni George kay Isabella, at pinagmasdan ni Lyndon kung paano nito kinuha ang kamay ni Isabella para halikan ang likod ng kamay nito. At halos madurog na ang kanyang ngipin dahil sa pagkiskis ng mga ito, dahil sa gigil niya.
     “I’m looking forward also, George” ang malanding sagot ni Isabella rito.
     “Out!” ang sigaw niyang muli, dahil ayaw na niyang pagmasdan ang landian ng dalawa.
    Tumayo na si George, pero sa halip na magmadali ay mabagal pa itong naglakad palabas ng kwarto at nginitian pa siya nito.
     Nanatiling nakatayo si Lyndon at ni hindi na niya sinundan pa ng tingin ang palabas na step brother niya. Hinintay lang niya na marinig ang pagsara ng pinto, bago siya galit na lumapit kay Isabella na nananatiling nakaupo.
    Malalaki at mabigat ang mga hakbang niya dahil sa galit, at napako ang kanilang mga mata, ang galit na mga tingin niya ay balewala lang kay Bella, na diretso siyang tiningnan sa kanyang mga mata, at naghalukipkip pa ang mga braso nito, tila ba hinahamon siya.
     Napako ang kanilang mga mata habang papalapit si Lyndon. And when he reached her, he put his hands on either side of the armrest and looked down on her.
    “Ang lakas ng loob mo na dalhan ako ng funeral wreath sa opisina ko, para pahiyain ako?” ang galit na sabi ni Lyndon.
     “Ganti ko lang yan sa ginawa mo sa akin, sa pagpahiya, sa pag-insulto mo sa akin, sa loob mismo ng opisina ko, so, ibinalik ko lang ang ginawa mo” ang galit na sagot sa kanya ni Bella, habang nakatingala ito sa kanya.
    “You’ll regret this” ang banta sa kanya ni Lyndon.

   
     Nakatingala si Isabella kay Lyndon, at dahan-dahan siyang tumayo, he also stood up straight, nang tumayo na siya, pero hindi ito umatras kaya halos isang dipa na lang ay magkadikit na ang mga katawan nila.
    “No, I won’t” ang matapang na sagot niya, “I guess, you got my message sa office mo, ang akala mo ba na, masisilaw ako sa pera mo Bridge? Na you can intimidate me? You’re wrong, dahil sa halip na mag back out ako, you only made me more determined to get Chez Corazon, for my company” ang mariin na sagot niya.
    “And” ang dugtong pa niya, sabay dukot ng check na nasa loob ng kanyang dibdib. Inilusot niya ang kanyang daliri sa scoop neckline ng suot niyang blouse para kunin ang tseke. And she saw, his eyes roamed her breasts.
    “As I’ve said, I don’t need your money” ang mariin niyang sabi sabay taas ng tseke sa harapan ng mukha ni Lyndon saka niya pinunit ang papel sa dalawa.
    Ngumiti siya ng matamis bago niya marahan na itinulak ang dibdib nito para umalis ito sa kanyang harapan, saka siya naglakad papalapit sa pinto, at pinihit niya ang doorknob, at hinila ito para bukasan.
    “Bye! Enjoy the flowers!” ang malakas niyang sabi na hindi man lang humarap kay Lyndon na nakasunod lang ang mga mata sa kanya.
    Saka niya malakas na isinara ang pinto at naglakad patungo sa elevator, habang ang mga mata ng employees nito ay nakasunod sa kanya.

   
     Damn that crazy! Mad woman! Ang inis na sabi ni Lyndon sa sarili habang nagdadrive. Patungo siya sa isang coffee shop kung saan he’ll meet his friend. He knew na may gusto ang kaibigan sa kanya, and he’s going to asked her for a date, and be his girlfriend. Yup, that’s her plan, girlfriend lang naman ang kailangan niya para makuha niya ang lupa, a beautiful girlfriend by his side and a large amount of money to sweeten the deal, then, Chez Corazon, will fall into his hands.
     Bibigyan niya ng magandang laban ang bruhang babae na iyun! Ang galit na sabi niya sa sarili, lalo na ng maalala na naman nito ang ginawa kanina sa opisina niya kahapon.
    Pero sa tuwing maalala niya ang mukha nito, habang magkalapit sila kahapon, ay hindi pumapalya na bumilis ang tibok ng kanyang puso.
    Naalala niya, na it took a lot of his self control, on not to pull her head towards him, and ravaged those soft pink lips.
    At natakot siya na nadamang pagseselos niya kahapon ng datnan niyang nagtatawanan ang dalawa at ng halikan ni George ang kamay ni Bella.
    His feelings was getting out of hand, he should not felt this way, ang giit niya sa sarili. Kaya para madivert ang feelings niya mula kay Bella, ay nagdesisyun na siyang magkarin6ng girlfriend, at si Hailey ang pumasok sa isipan niya. She’s everything he wanted for a girl. 
     Tinawagan niya ito agad at niyaya na magkita sila ngayon. At voila, nandito na siya ngayon, ang sabi niya sa sarili.
    He parked his car at mabilis siyang lumabas. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ito agad na nakaupo malapit sa may bintana.
    Naglakad siya papalapit, at nang makita siya nito ay agad itong tumayo para batiin siya, he stood to her side and kissed her cheek, and suddenly, he felt awkward.
    Naupo na silang dalawa, naupo siya sa upuan sa tabi nito, and they were both facing the entrance.
    Gusto niya itong tabihan para, mas lalong magmukhang intimate ang usapan nila.
    “Am I late?” ang tanong niya rito.
    “No, maaga lang talaga ako, I was in the vicinity, kaya, naupo na rin ako rito” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
    “So what can I get you?” ang tanong niya sa kasamang babae. Pero, biglang may nakaagaw ng kanyang atensyon na papasok ng coffee shop.
    The moment the door opened, she caught his eyes, it was Isabella.
    
   

    
   
    
    
    
    
    

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon