Chapter 4

3.7K 154 15
                                    

Fuck!” ang sambit ni Lyndon paggising niya, at dahil sa hindi niya isinara ang mga bintana sa kanyang kwarto ay pumasok ang liwanag mula sa labas.
     I over slept or under slept, whatever! Ang galit na sabi ng isipan ni Lyndon. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Paglabas niya ay kumuha lang siya ng towel na pwedeng ibaon sa trip at isang pares ng board shorts at inilagay niya ang mga ito sa isang maliit na waterproof bag.
     Nagmamadali siyang bumaba sa kusina at nakita niya na walang tao, sumilip din siya sa dining at walang tao roon.
     “Shit” naiwan na yata siya, he didn’t mind spending the day sa villa at maganda rin naman ang view at beach roon, pero gusto niya ang mag Island hopping. They often do this with friends using a private yacht.
     Halos patakbo siyang lumabas ng villa at muntik pa silang magkabanggaan ni kuya Tino na sakto naman na papasok ng villa.
    “Oops sorry po” ang mabilis niyang sabi.
    “Ayos lang naman po, pupuntahan ko na nga po sana kayo sa kwarto ninyo para tanungin kung sasama kayo” ang sagot ni kuya Tino sa kanya.
    “Pasensiya na po at tinanghali ako ng gising” ang paghinggi niya ng paumanhin, “matagal nyo na po ba akong hinihintay?” ang dugtong na tanong niya.
     Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni kuya Tino, “hindi po, kabababa lang po ng lahat, may kape na po sa bangka at tasa may tinapay na rin po at nilagang saging pupuntahan ko lang po si Bella”-
    “Here” ang sagot nito sa likuran ni Lyndon.
    Bigla na naman nakaramdam ng kaba sa dibdib si Lyndon. She’s a bad omen, she’s a bad omen, ang paulit-ulit na sabi ng kanyang isipan, bago dahan-dahang lumingon sa likuran para tingnan ang babaeng may kasalanan kung bakit hindi siya halos nakatulog kagabi.

     Ilang beses ng nag-alarm ang kanyang phone at ilang beses na rin niyang pinindot ang snooze button. Bago pa niya na realised na maliwanag na pala at may island hopping sila.
   Napabalikwas siya at mabilis na bumangon at halos mahulog siya sa kama. Yup, king size man ang kama niya ay hindi pa rin siya nagkakasya dahil sa malikot siyang matulog.
     Mabilis niyang dinampot ang mga nahulog na unan at kumot sa kama, at nagmamadali siyang kumuha ng tuwalya.
    “Piste!” ang inis niyang sabi habang papasok siya sa loob ng banyo.
     Pagkalinis niya ay isinuot na niya ang kanyang emerald green na two piece bikini, at pinaibabawan niya ng t-shirt at gartered shorts. Dinampot niya ang kanyang sunblock towel at aviator glasses at mabilis siyang lumabas ng kwarto at halos takbuhin niya ang hagdan pababa.
     Sinilip niya ang kusina at dining area at wala ng tao.
    Yawa! Naiwan na yata siya! Ang gigil na sigaw ng kanyang isipan.
    Pero nakahinga siya ng maluwag ng makita niya si kuya Tino habang kausap ang lalaking laman ng kanyang isipan kagabi.
    She studied his back profile. Matangkad ito, mga 6’2 or 6’3 ang height, medium built, malapad ang mga balikat at... Maambok ang pwet na halata sa suot na board shorts nito.
     Naglakad siya papalapit ng marinig niya ang kanyang pangalan, na binanggit ni kuya Tino.
     “Here” ang masayang sagot niya at binati niya ang dalawang lalaki ng isang malapad na ngiti.
    Sabay na natuon ang mga mata nito sa kanya, ang kay kuya Tino ay mukhang nakangiti habang ang kay Lyndon ay nakasimangot.
    Ano bang ginawa niya sa lalaking ito? Ang inis na tanong niya sa sarili, hindi ba dapat siya nga ang mainis dahil sa, ginulo nito ang kanyang payapang pag-iisip? Ang galit na sabi ni Isabella sa sarili.
     “Ready na po kayo Bella? Paalis na po tayo” ang magiliw na bati sa kanya ni kuya Tino.
     “I’m always ready, ako na lang ba ang hinihintay?” ang tanong ni Isabella.
     “Magkasabay lang po kayo ni sir Lyndon” ang sagot ni kuya Tino.
     Her lips formed an “o” at mukhang mas hindi iyun nagustuhan ni “sir Lyndon” ang sabi ni Isabella sa sarili.
    “Lyndon na lang kuya Tino” ang sagot ni Lyndon, at alam niya na ang pa simpleng pang-aasar sa kanya ng Bella na iyun, dahil sa pagtawag sa kanya na sir.
     “O siya, Lyndon at Bella mauna na kayo sa bangka, naroon na rin ang iba may thermos na roon na may laman na kape at may mga tasa, kukunin ko lang ang mga baon natin na pagkain” ang sagot ni kuya Tino sa kanila.
    “Kailangan mo ba ng tulong?” ang alok ni Lyndon, na gumagawa ng paraan para hindi niya makasabay sa paglalakad patungo sa bangka.
    “Di na po kailangan, mauna na po kayo sa bangka para makapag kape na kayo at makapag agahan na rin, sige na po, mabilis lang po ito” ang sagot ni kuya Tino at itinaboy na sila patungo sa bangka.
    Lyndon sighed at mabilis siyang naglakad patungo sa bangka, halos iwan niya sa paglalakad ang nakasunod na si Bella. At para bang ang savior niya ng mga sandaling iyun ay ang bangka na unti-unti na niyang malalapitan.
    Agad siyang sumampa sa bangka, without even turning on his back para alukin o tulungan man lang si Bella.
    Hindi alam ni Bella kung pagkaaga-aga ay may sumpong na ang si Lyndon, hindi rin niya alam kung bakit ba nagmamadali itong maglakad at halos pakainin siya ng buhangin.
    Ano bang ginawa niya sa lalaking ito?! Ang inis na tanong ni Isabella sa sarili. Kung ang issue pa rin nito ay ang paghingi niya sa kwarto nito, ay sus! Unsa ang problema nimo? Ang gigil na sabi ni Isabella sa kanyang sarili.
   At hindi siya makapaniwala ng umakyat ito sa bangka at hindi man lang siya nito tinulungan. Bastos! Na bayot talaga! Ang inis na sabi ni Isabella sa sarili.
    Mabuti na lang at nakita siya ng bangkero at tinulungan siya nitong umakyat. May kalakihan at kataasan din kasi ang bangka, kaya kayang-kasya silang lahat.
    Inis na naupo si Isabella at talagang naupo siya sa harapan ni Lyndon na nagsimula ng magsalin ng kape sa tasa nito. Siya man ay kumuha na rin ng tasa sa loob ng basket at hinintay na lang niya na ilapag ni Lyndon ang thermos sa sahig ng bangka.
     Nagsalin na siya ng kanyang kape ng dumating na si kuya Tino bitbit ang mga kaldero at bayong. Napansin na rin ni Isabella ang mga bayong na nauna ng naisakay sa may bangka.
    “Paalis na po tayo!” ang masayang sabi ni kuya Tino pagsampa nito sa bangka at masayang hiyawan ang narinig sa bangka. Tahimik lang ang lahat, habang umaandar ang bangka, ang iba naman ay abala sa pag kuha ng litrato sa mga dala ng mga ito na go pro camera at professional camera.
    Habang sila ni Lyndon ay tahimik lang na humihigop ng kanilang kape habang pinagmamasdan ang magandang tanawin. Pagkatapos na mag kape ay binanlawan nila ang mga tasa gamit ang baon na tubig at itinabi ang mga ito. Saka nila muling pinagmasdan ang paligid.
    At halos mapanganga sila ng unti-unting lumalapit ang bangka sa isang isla kung saan naroon ang Catandayagan Falls, isa itong falls kung saan ang tubig ay diretsong nahuhulog sa dagat.
    Napatayo silang lahat at dahil sa pagkamangha at napahiyaw pa ang iba habang tumatawa dahil sa sobrang saya ng matanaw ang majestic waterfalls.
    “Wow, have you ever seen anything like that before?” ang tanong ni Isabella kay Lyndon, na nakatayo sa kanyang tabi.
    Napailing si Lyndon at napangiti, “nope, just now, I’ve read it, na may 25 waterfalls sa buong mundo na direktang nahuhulog ang tubig sa dagat, at ang isa ay nasa atin” ang sagot ni Lyndon, at sandaling nawala ang tension sa kanilang dalawa.
    “Really?” ang di makapaniwala na tanong ni Isabella rito.
   “Yup, and I feel so lucky to see it now” ang nakangiting sagot pa rin ni Lyndon habang nakatingala sa napakagandang tanawin.
   “We’re very lucky” ang mariin na sagot naman ni Isabella na di rin mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang talon.
    “Dito po ang una nating pupuntahan, tapos sa Halea naman po” ang sabi ni kuya Tino, “ilalapit lang po namin ang bangka sa talon ng kaunti” ang sabi pa nito.
    Biglang inalis ni Isabella ang suot na t-shirt sa harapan ni Lyndon at di nito naiwasan na manlaki ang mga mata ng tumambad sa harapan niya ang pang itaas na katawan ni Bella na naka bikini top na lang. Maya-maya pa ay mabilis nitong hinubad ang suot na gartered shorts at tumambad na sa mga mata ni Lyndon ang magandang katawan ni Bella.
    Halos lahat ng kasama nila sa bangka ay mga naka pang swimming na, mas skimpy pa nga ang suot na bikini nina Lea at Pia, pero kay Bella nanuyo ang lalamunan niya.
    “Race to the falls” ang biglang sabi nito sa kanya, at kumunot pa ang noo niya ng hindi niya agad nakuha ang sinabi nito.
    “What?” ang parang taingang tanong niya rito.
    Bahagya itong natawa, at nagpamewang ito sa kanya, “paunahan tayo na languyin hanggang falls” ang hamon sa kanya ni Bella.
    “Deal, anong prize?” ang sagot ni Lyndon sabay alis ng shirt na suot niya at si Bella naman ang napatitig sa mabalahibong dibdib nito.
    “Ah, uhm, anong sabi mo?” ang balik tanong niya at iniiwas niya ang kanyang mga mata sa dibdib ni Lyndon.
    “Anong deal?” ang sagot nito sa kanya.
    “Ang matatalo ang sasagot ng pulutan mamaya sa inuman at isang case ng beer” ang sagot ni Bella at tinaasan pa ng dalawang kilay si Lyndon.
    “Deal” ang sagot ni Lyndon at nagkamay silang dalawa, at dun nila parehong naramdaman ang kuryente ng attraction na dumaloy sa kanilang mga katawan.
    Pareho silang hindi nagpahalata sa kanilang mga naramdaman at pareho nilang binalewala ito.
   “On three” ang sigaw ni Bella at tumayo na sila pareho sa gilid ng bangka habang pinapanuod sila ng ibang kasama.
   “Three!” ang sigaw ni Bella, sabay dive sa kulay asul-berde na tubig.
   “Cheater!” ang sigaw ni Lyndon bago siya tumalon sa tubig para sundan at humabol kay Bella na mabilis na nakakalayo.
   Narinig nila ang malakas na hiyawan ng mga kasama nila na nagsipagtalon na rin sa malamig na tubig. He’s a good swimmer, pero aminado siya na hindi siya mabilis lumangoy. Pero, dahil sa competitive siya, hindi siya papatalo.
    Halos dikit lang silang dalawa ni Bella ng marating nila ang falls, nakita rin nila ang isang opening sa ilalim ng falls na parang isang kweba, pumasok sila doon para maupo sa mga bato.
   “I win!” ang nakangiting sabi ni Bella sa kasunod na si Lyndon, umahon din ito at umakyat sa mga bato para makaupo.
    “You’re a cheater kaya ka nanalo, so the deal is off” ang sagot ni Lyndon.
    “Alright! Para kaunting head start lang” ang sagot ni Bella, na nagkunwaring naiinis.
    Hindi naiwasan ni Lyndon ang ngumiti, “pero dahil sa binigyan mo pa rin ako ng magandang laban, sige, sagot ko na ang beer at ikaw sa pulutan” ang sabi ni Lyndon.
    “Deal!” ang mabilis na sagot ni Bella, na napabuntong-hininga, at napailing.
    “It never fails to amaze me” ang biglang sabi ni Bella habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid.
    “What?” ang interisadong tanong naman ni Lyndon habang pinagmamasdan si Bella.
    “Ang ganda ng Pilipinas, napakaraming tagong ganda nito” ang sagot ni Bella, habang pinagmasdan ang paligid hanggang sa natuon ang kanyang mga mata sa mata ni Lyndon na pinagmamasdan siya. Ang mga mata nito na kakulay ng malinaw na asul na dagat, na para bang malulunod ka kapag tinitigan ka nito.
     “Oo nga, it’s a shame na inuuna ng iba ang mamasyal sa ibang bansa, kaysa sa libutin ang Pilipinas” ang pagsangayon ni Lyndon sa sinabi ni Bella.
    Gusto sanang sagutin ni Bella na, isa sa mga gusto niyang madevelop ay ang tourism sa bansa sa pamamagitan ng pagdevelop sa mga isla, pero, kapag sinagot niya iyun ay magbibigay na siya ng mga pribadong impormasyon sa kanyang buhay.
     Pero ng mga sandaling iyun, iba ang kanyang pakiramdam, hindi niya alam kung dala lang ba ng panahon o lugar, pero ng mga sandaling iyun ay hinubad niya ang suot na costume niya bilang Isabella na business woman, kaya ginawa niya ang di niya ginagawa noon pa man sa ibang tao.
     “Lyndon, sorry nga pala sa ginawa ko sa iyo kahapon, I mean, if I annoyed you, sorry” ang sinserong sabi ni Isabella at nakita niya na medyo nabigla si Lyndon sa kanyang sinabi.
    Napataas ang mga kilay ni Lyndon dahil sa hindi inaasahan na sinabi ni Bella sa kanya, pinagmasdan niya itong mabuti kung nanloloko lang ito pero, kita niya ang pagkasinsero sa mukha nito. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at napailing siya.
    “Sorry din kung, sinarhan kita ng pinto, I mean you deserved it, pero sorry pa rin” ang sagot ni Lyndon at natawa siya ng mahina ng makita niyang inirapan siya ni Bella pero may ngiti sa mga labi nito.
    “So let’s start all over” ang nakangiting sabi ni Bella at muli itong tumalon sa tubig, at lumangoy patungo sa kanya. Itinaas nito ang braso sa kanya para iabot ang kamay nito.
    “I’m Bella, and you’re?” ang tanong nito habang nakaabot ang kamay sa kanya para makipag-kamay.
    Napailing si Lyndon at napangiti na bihira niyang gawin sa ibang babaeng nakikilala o nakikipagkilala, inabot niya ang kamay ni Bella.
    “I’m Lyndon” ang sagot niya.
    “Nice to meet you Lyndon” ang sagot ni Isabella sabay hila sa braso ni Lyndon kaya nahulog ito sa tubig at isang malakas na tawa ang narinig sa loob.
   
    

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Where stories live. Discover now