Special Chapter♡

35 7 0
                                    

After 7 years....

Tiningnan kong mabuti ang PT na hawak ko ngayon.Dalawa ang pulang linya noon.

Nakagat ko ang aking labi sa tuwa.We're having a baby again!

"Maameee!"napapitlag ako sa sigaw ni Nichole.

Nagmadali akong magpunta sa living room kung nasaan ang aking anak.

Nasan ba si Sky? Bakit nagliligalig ang anak ko?

"What is it?"tanong ko subalit ang sumalubong sa akin ay ang nagkalat na rose petals sa living room.

Napaawang ang bibig ko at napatigil sa pagtakbo.

Skyler was standing there firmly habang naka piggy back ride sa kaniya si Nichole Serenity.

"Happy Anniversary baby"nakangiting aniya

Napangiti naman ako at tinanggap ang bulaklak na binigay niya.

"Happy Anniversary"asik ko at iniabot sa kaniya ang PT.

Kaagad niya iyong kinuha at tiningnan.Nanlaki ang mata niya bago ngumiti.Hindi makapaniwala.

Lumapit siya sa akin.Probably he wants to kiss me.

"Oh!"Nichole said.Tinabunan niya ng palad ang sariling mga mata.

Skyler kissed me tenderly.Saglit lamang iyon.

"Nichole,you'll have a sibling"balita ni Skyler sa anak.

"Talaga? Lalaki ga po?"tanong niya.

Binuhat ni Skyler si Nichole nang maayos.Nichole's Batangueño accent is really cute.Pagsasalita pa lang kilala na daw kung kanino nagmana.

'Edi sa ina'

"We're not yet sure baby,gusto mo ba lalaki?"tanong ko.

Tumango naman siya kaagad.

"Gusto ko po'y lalaki. Tapos parang ang Dade"aniya

"We'll make sure of that"nakangisi sa aking sambit ni Skyler.

Napatawa naman ako at hinampas siya.

"Tara pong kumain! Madaming niluto ang Dade!"bumaba si Nichole at hinawakan ang kamay ko at ang kabilang kamay ay nakahawak kay Skyler.

Nagpunta kami sa dine area.Skyler pulled the chair for me and he assisted Nichole to sit on the high chair.

Siya iyong nag-isip ng pangalang Nichole.Sabi niya ay gusto niya ang nakakabit sa pangalan ko

While I chose the name Serenity.

Natawa ako nang marami nang niluto si Sky.May chicken alfredo,tapos ay barbecue at Steak.

"Prepared?"tanong ko.

Ngumiti naman si Sky at tumango.

"Makes me wonder...bakit hindi mo naamoy noong niluluto ko iyan?"tanong niya.

Napangiwi naman ako.

"Mahimbing ang tulog ko,then when I woke up I had morning sickness.Hindi naman sobra ang pagsusuka ko.Then I tested that"pagdadahilan ko.

"I was expecting that you'll pop out of nowhere because of the aroma"pang-aasar niya sa akin

"Pwede ga po akong pumunta kina Kuya Ashton?"tanong bigla ni Nichole.

Nanlaki ang aking mata at napatingin kay Skyler.Napapadalas yata silang magkalaro ni Ashton ah?

"Ah...sige,ihahatid ka namin sa kanila.After eating okay?"sambit ni Skyler.

Ang bilis naman yatang pumayag ni Sky?

Kagaya ng gusto ng mag-ama ay inihatid namin si Nichole papunta kina Ashton.

Nagkukulitan kami ni Skyler habang pabalik kami ng condo namin.Sa buong maghapon ay naging abala kami sa pagkukulitan

Para kaming magjowa na highschool eh.

Ihahatid na lamang daw nila si Nichole pabalik diton

"Bakit kaya gustong-gusto ni Nichole kina Ashton?"tanong bigla ni Sky habang nakayakap siya sa akin.

Napatawa naman ako dahil noong hinatid namin kanina si Nichole ay narealize ko na kung bakit gusto niyang pumunta sa bahay nina Ashton.

"Crush ng anak natin si Ashton"natatawang sambit ko

Nanlaki ang mata niya at hinarap ako.

"You think so?"tanong niya sa akin.

Tumawa naman ako at tumango.

"You should look at your daughter whenever she's with Ashton.Parang kagaya noon kapag kinikilig ako sayo"natatawnag sambit ko.

Ngumiwi naman siya.

"Hindi mo kaya pinapahalata ang kilig mo.You just blush and that's all"aniya

Napatawa naman ako at tiningnan siyang maigi.

"And how does it affect you Mr.Silva?"tanong ko sa kaniya

Nakangiti namang pumungay ang kaniyang mata at tumingin sa akin.

"You're seducing me again baby"deklara niya at hinapit ang baywang ko palapit

"I was just asking"natatawang pagsisinungaling ko.

Ikinawit ko ang braso ko sa kaniya.Unti-unting naglapit ang mukha namin.

We were about to kiss...

"Mame! Dade i'm home!"napapikit si Skyler ng mariin when we heard the knocks of Nichole outside.

Napatawa naman ako bahagya.Tonong nang aasar pa ang boses ng bata

"Later...kapag tulog na"asik ko.

He smirked and kissed me on the cheek.Binuksan niya ang pinto at nagtatakbo na papasok si Nichole.

Nagpaalam na ang mga magulang ni Ashton sa amin.

"Bye Ashton!"sigaw ni Nichole at si Ashton naman ay nakangising tumango.

Nagkatinginan kami ni Sky at sabay na napatawa.

Mga batang ito.
__
Tabbieeey♡

He Who Taught Me Trust: SkylerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon