Seventeenth

36 9 0
                                    

Skyler's Pov

Napawi ang ngiti ko nang marinig ang kaniyang hikbi
sa aking dibdib.

"Baby,w-why are you crying?"kinakabahan kong tanong.

Hinagod ko ang kaniyang likuran habang patuloy siyang umiiyak.

"What happened?"tanong kong muli.

"Akala ko busy ka?"tanong niyang mukhang tapos nang umiyak.

I wiped her tears at hinalikan siya.Her lips always feel like home.

May kakaibang dulot ang labi niya na nagpapakalma sa akin.Well,kapag nilaliman ay iba ang patutunguhan ng halik.

"I'll never miss this day.Hinding hindi ako papayag na mawala ako sa araw na ito"nakangiting sambit ko.

She smiled and hugged me again.Tumila ang ulan kaya bahagya akong napatawa.

How many times have I seen this scene in a romantic movie?

"Naghintay ka pa sakin.Dapat sinabi mo nalang na magkita tayo dito.Nabasa ka tuloy"

"It's alright.It's a surprise"asik ko

Bumuntong hininga siya at saka tumingin sa akin.

"Basang basa ka,tara muna sa unit mo magpalit ka ng  damit"aniya at hinila ako papunta sa aking sasakyan.

The park wasn't far at all from our condo,kaya lang ay hindi ako doon nagmula kaya nagkotse pa ako.

"May duty ka bukas?"tanong ko sa kaniya.

"Meron,ikaw ba wala?"

"Wala,ihahatid kita aryt?"

"Alright...teka,is this me when I was highschool?"gulat niyang tanong nang buksan niya ang box.

Tumawa naman ako.

"I take photos of you when we were in highschool"pag-amin ko.

Sa imbis na dumiretso sa condo namin ay diniretso ko iyon papunta sa kanilang bahay.Hindi niya napansin dahil busy sya sa regalo ko.

I received a text from her father,telling me to come ober and talk to them.

Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay nagawa ko na lahat ng dapat.I've succeeded my career and finished my issues.Isa nalang ang hindi ko pa natutupad...

'But I'm near to it...i'm marrying her.Hindi ko kakayanin kung hindi'

"Ang cute!"masiyang aniya nang makita ang regalo ko.

It was actually a two deck box.Iyong nasa itaas ay may steel lettering na pangalan niya together with a lot of different perzonalized items.

Ang iba ay pangalan niya at ang iba ay picture namin.

Nang itaas niya ang kalahati ng box ay napasulyap ako para makita ang kaniyang reaksiyon.I saw her stunned kaya napangiti ako.

She saw my feather necklace gift.

"Ang ganda..."marahang sambit niya at tumingin sa akin.

Hindi ko pinigilang ngumiti sa kaniyang reaksiyon.

Bago ako sumagot ay pumarada na ako sa tapat ng kanilang bahay kaya natigilan siya.

"Wait? Bakit nandito na tayo?"gulat niyang tanong nang pumarada ako.

I smiled sweetly.Kinuha ko muna sa kamay niya iyong kwintas na binigay ko at isinuot ko sa kaniya.

"Your father told me to come over for a talk"nakangiting sambit ko habang patuloy ang pagka mangha dahil bagay na bagay iyon sa kaniya.

He Who Taught Me Trust: SkylerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon