TEASER

1K 48 13
                                    

THIS IS WORK OF FICTION. NAMES, PLACES, ESTABLISHMENTS, EVENTS AND INCIDENTS ARE PURELY PRODUCT OF THE AUTHORS IMAGINATION. ANY RESEMBLANCE OF ACTUAL PERSON, LIVING OR DEAD IS PURELY COINCIDENTAL

GRADUATION DAY
Written By: LittleCreepHeart


***
TEASER





"Hi bago ka dito?"

"Ah o-oo."

"Andito kami para i tour ka sa school! Tara?"

"T-talaga?"

Ang isa sa pinakamaganda sa paaralan ay ang matuto at higit sa lahat kapag bago ka, malaking kasiyahan na ang magkaron ng kaibigan.

"Wow! Hindi ko alam na vlogger ka rin tulad ko! Ang galing mo ha!"

"Yah. Well, namangha naman ako sayo, hindi ko akalain na magaling ka palang kumain!"

"Alam mo ang ganda ganda mo, pwede ka mag artista!"

"T-talaga ba? Naku hindi naman."

Nung una maayos. Nung una masaya.

"Pwedeng huwag ako? Alam niyo namang hindi ko magagawa yan!"

"Ano ka ba?"

"Gawin mo na! Ano aarte kapa?"

"Pero malapit na ang graduation day, pwede bang gawin nalang natin after grad?"

"We have to do it now!"

Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman.

"Bakit ka mag isa okay ka lang?"

"H-ha? N-naku huwag mo kong kakausapin, p-pag nakita ka nila, a-awayin ka nang mga yun"

Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala?

Isang senaryong hindi malilimutan. Kailanman.

"YUCK! Di kana nahiya girl!"

"AKALA MO KUNG SINONG MAHINHIN YUN PALA NASA LOOB ANG LIBOG!"

"Kaya nga e. Kakadiri! Sayang idol pa naman kita dati pero ngayon...yuck!"

Bakit ba ang bilis mang husga ng mga tao sa paligid? Inalam ba nila kung tama ang bali balitang kanilang naririnig o umaayon nalamang sila kung ano ang opinion ng iba? Kung tama man ang nabalitaan nila, bakit kailangan pa nilang hilain pa pababa ang taong pinag uusapan nila?

"You know what girl? Huwag ka nalang umattend sa graduation! Magiging madumi lang ang stage!"

Yung tipong, hindi nila iniintindi ang nararamdaman ng isang tao. Walang pakealam. Yung sila lang yung masaya pero yung taong ibinababa nila, nasisira na. Nalulungkot. Natatakot. Nade depressed.

"Pasensya na girls, pero kung demonyo kayo, mas demonyo ako."

Darating ang isang babaeng punong puno ng hinanakit. Ang babaeng sisira sa mga nanira sa kaniyang pagkatao.
 
"HAPPY GRADUATION! YOU MAY NOW REST IN PEACE!"

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now