Chapter 1: Homescreen

51 5 2
                                    


Siyana's POV

"So are you not really going to do it today?" I asked my younger sister while she lazilly open her laptop. Pinulot ko iyong nalaglag na copy ng activities nila sa school at pinatong sa table niya.

"Ate, all classes are suspended sana naman di na dapat kami gumawa ng homeworks, why don't they make us free from stress na lang." nag dadabog siya at halos salubong ang kilay na tumingin sa bintana.

"Hey you little puppy, look at me." sinarado ko ang laptop niya kaya agaran siyang napatingin sakin. "Ano sa tingin mo ang rason kung bakit suspended ang klase ninyo dito sa probinsiya?" tanong ko sa kaniya, i raised my brows just to let her see that I'm serious kahit na hindi naman talaga.

"Dahil sa banta ng COVID-19." sagot niya. Alam naman pala niya, last week dineklara ng gobiyerno namin ang unang kaso ng COVID-19 dito sa probinsiya ng Abra, and everyone was bothered. Kaya suspended ang klase ng buong Pilipinas ng halos isang buwan. So students need to homestudy on their own at tsaka na lang bumalik kapag okay na ang lahat.

"Exactly, kaya huwag ka na magreklamo diyan at taposin mo na iyan. Then you can do your business after that school thingy. Gotta go!" then I stormed out her room.

Bumaba ako sa sala and I find Mom cooking for snacks, it's already 3:30 pm. Lahat kami tengga dito sa bahay at wala kaming choice kundi mag-stay dito sa bahay kesa lumabas at baka mamaya kami pa ang dapuan ng virus na iyan.

"Ano iyan ma?" tanong ko sa kaniya kung saan kasalukoyan siyang nagpiprito. Natuwa ako ng makitang lumpia pala ang linuluto niya. I don't know but it is my favorite, I really love lumpia.

"Lumpia." maikli niyang sagot. Medyo makulimlim ang panahon ngayon kasi madilim ang kalangitan. Lumapit ako sa may bintana and then a memory splashed on my mind.

His smile when we talked over the phone. I just hope God will give me permission to see that smile in person the soonest.

"Anak bakit?" napalingon ako sa tanong ni Mama. My mom really knows me, "tulala ka na naman diyan. Ano iniisip mo?"  I just smiled at her to assure her I'm fine. "Alam ko na kung ano iyon," natawa ako, oh see mang-aasar na naman siya. "Anak naaalala ko pa iyong ikaw noong nakilala mo siya sa facebook, bukambibig mo noon na pagka graduate ko pupunta akong gamito ganiyan, nagpapa-alam ka na nga rin noon samin kung puwede ka namin payagan pumunta doon kahit na tatlong taon pa dapat mong hintayin. Hay naku, kung ako sayo Siyana humanap ka na lang ng ibang lalaki diyan, sa dami ba naman ng mga lalaking naghababol sayo ngayon kasi successful kana, pumili ka na lang sa kanila. Di mo na kailangan lumayo haha." ayan, humirit pa si Mama.

Nagtataka siguro kayo kung sino iyong tinutukoy niya, sige sasabihin ko na.

I met a guy on facebook 3 years ago. He just smile genuinely and we became friends in an instant. Pero iyong struggle sa mundo naming dalawa, is iyong distansiya sa pagitan namin. I live here in Northern Luzon while he live on the Southern part of Luzon. And I can't deny the fact that I fell inlove with him kahit na di ko pa siya nakikita in person, pero iyong love na iyon noon ang siyang dahilan kung bakit ko narating itong posisyon kung nasan ako ngayon. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko, imagine kinailangan kong talikuran na muna ng tuloyan ang mundo ng pag-ibig para makapagtapos ng pag-aaral.

"Mangyayari iyon Ma, mahahanap ko iyong taong iyon at siya ang magiging manugang niyo." wala eh, siya talaga iyong gusto ko since the first day I met him. Parehas na lang kaming natawa sa pangarap kong iyon, alam kong suntok sa buwan iyong gusto kong mangyari.

***

Alas sais na naman ng gabi, nasa kuwarto ako habang inaasikaso iyong mga papeles na kakailanganin para sa pagbubukas ko ng branch dito sa probinsya. Yes, I am already a successful and one of the young entrepreneur here in Abra. I finished Bachelor of Elementary Education but i choosed business instead of teaching. Pero di ko naman tuloyang tinalikuran ang pagtuturo kasi kahit na ganun napamahal din ako sa mga bata, i open up a day care center and hired a teacher na puwedeng mag-turo sa kanila. Although ang goal din naman ng center na iyon is where puwedeng makapag-aral iyong mga bata especially those who belongs to lower status of life. Kasi doon din kami galing.

"Ate, pahiram ako ng phone mo." wala na akong nagawa sa kapatid kong si Siyalyza, siya lang naman kapatid ko eh. Nasa kamay na niya ang phone ko at dahil sa sobrang bossy din ng isang 'to pati fingerprint niya rinegister niya sa cellphone ko. "Ang pogi naman ng homescreen mo ate," mapang-asar niyang sabi. Welp, even her knows about it too. Even dad also got the idea about this.

"Yes, he is." sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"May jowa na siguro 'to ate no. Ang pogi kaya ni kuya." ayan sinimulan na niya. Mang-aasar 'to hanggat di ako tumatayo dito sa inuupoan ko. But that idea? Kung meron na nga siyang girlfriend? Siguro, pero di ako sigurado. Wala na akong news sa kaniya since he blocked me on facebook. Pero di ko malalaman hanggat di ko pupuntahan.

"Ang suwerte naman ng jowa ni kuya. Siguradong kinaiinggitan siya nga mga babae ngayon." and there she goes, still keep going hahahaha. If he's already in a relationship, it's fine with me. Pero kapag proven na iyong tsaka lang ako titigil.

"Siyalyza stop it. I need to focus." but she didn't stop.

"Pero ate do you think, kuya still remember you kapag nakita ka niya ngayon?"

I stopped what I am doing dahil sa daldal ng isang 'to at finally tapos ko na din naman. "Di ko alam,"

"Baka hindi na, kasi maganda ka na ngayon eh, samantalang pangit ka noon." she cut me off.

Tinalon ko ang bed ko at dinaganan siya, Lyza and I don't fight kasi magkasundong-magkasundo kami. And guess what, friend niya ngayon sa facebook iyong taong mahal ko kaya ako nakakakuha ng updated pictures niya na ginagawa kong lockscreen at homescreen.

At dahil don, napuno na naman ng halakhak ang buong kuwarto ko dahil sa lakas ng bunganga ng babaeng 'to.

—-
The end. Hope you guys like it, may mga nagbabasa po ba ng story ko? Mwehehe 5 votes and 5 comments for the next chapter. 🤞🏻

Make it HappenWhere stories live. Discover now