Chapter 8: Buried Answers

20 9 0
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin ko nung mga oras na iyon.

Kung dapat ba akong magpakilala.

"Hey Bella, this is me, Bry. Don't you remember?" lumapit si Bry sa kaniya ngunit halata naman na hindi siya nakikita ni Bella. Nakapako ang tingin niya sakin.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pagtatanong. Nakikita ko sa pagkunot ng noo niya ang pagtataka. Nakikita ko sa pagsalubong ng kilay niya na hindi niya kami nakikilala.

Kahit tahimik lang ako, bumubuo ako ng plano sa isip ko. Alam kong bawal kong sabihin kung sino ako. Alam ko kung anong mangyayari at bawal ko ito baguhin.

"I-I'm sorry. Wrong room. My mistake." yumuko ako na para bang humihingi ng paumanhin. Nagtaka naman si Bry sa sinabi ko at sumenyas ako gamit ang mata ko na kailangan na naming lumabas.

Tumalikod ako at pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang muli siyang magsalita,"I heard that you called my name. You know me." I suddenly froze. "Who are you?"

Tumahimik muna ako ng ilang segundo bago sumagot. Gusto kong humarap sa kanya pero hindi ko na nagawa.

"I won't tell you." sagot ko bago tuluyang buksan ang pinto at lumabas. Agad namang sumunod si Bry.

"What's the matter?"

"Aalis na tayo. Alam ko na ang mangyayari. Pagbalik ni Raymond sa kwarto, ikukuwento ni Bella na may nagpakita sa kaniya. Tatanungin ni Raymond ang pangalan natin pero hindi iyon masasabi ni Bella dahil di niya naman alam ang pangalan natin. Aalis na tayo dito. Besides, your body's not here."

Umalis na rin kami ni Bry sa Hospital at dumiretso sa isang waiting shed upang mag-abang ng masasakyan.

"What happened? Bakit hindi niya tayo makilala?" he asked.

"I don't even know. But I want an answer." I said. Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman ang kasagutan. Bakit ganun ang nangyari.

"But how we will find the answer?"

Kinuha ko ang notebook sa loob ng bag ko. Isa lang ang sigurado ako. Malalaman namin ang sagot kung magtatanong ako sa taong alam ang sagot. Mukhang alam na ni Bry ang binabalak ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na sumisilip siya sa notebook ko.

"Mas malapit mula rito yung pangalawang address na nakasulat. Mas mabilis tayong makakarating diyan." he said.

Tinignan ko ang address na nasa ikalawang linya ng pahina at sa tabi nito ay may nakasulat na pangalan.

'Andres'

2 years after bumisita ni Irish sa bahay, may dinala nanamang Imortal si Cole sa bahay. That was 98 years ago. His name is Andres.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabing-dagat noon, nakapatong ang baba sa tuhod, ang kanang kamay ay nakayakap sa tuhod habang ang kaliwang kamay ay pinaglalaruan ang buhangin nang biglang may tumabi sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Magandang umaga, binibini." kumindat siya sakin. "Tama nga ang sinabi ni Nicolas. Isa kang napakagandang dalaga." Nicolas ang tunay na pangalan ni Cole.

"May isang matipunong lalaki na nagngangalang Nicolas. Napakaganda ng mukha. Napakabuti ng puso. Pusong mamon ika nga nila. Kahit ilang daang taon nang nabubuhay sa mundo ay walang kupas ang kaniyang batang-bata at napakamaamong mukha. Mukha pa rin siyang labing pitong taong gulang na binata, hindi ba?" Sabi niya habang sinisiko ako. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Pagmasdan mo ang kaniyang matangos na ilong, makinis na balat, katangkaran, mapupulang labi at mapupungay na mga mata kung saan sumisilip ang itim na bilog. Kung ako ay magiging ikaw, hindi ko na papalampasin pa ang pagkakataong ibinigay ng tadhana para gawin siyang kasintahan." Sabay ngiti at tumingin pa sa mga ulap.

Hello Miss Future ReaderWhere stories live. Discover now