Prologue

56 10 0
                                    

Plagiarism is crime.

No part of this book may be reproduced or transmitted without the author's permission!

This story is a work of fiction.

Pwede na yan. Hahaha. Basta don't plagiarize and galing lang sa utak at puso ko ang lahat.

Tagalog & English

01-27-18

*************************

There's always a reason why a certain thing happened. And there will be a reason why you can't live with the person you love the most. There will be a thing that will serve as the space that will separate you.

Mayroong taong nakalaan para sayo basta maghintay ka lang. At kapag dumating ang taong iyon, wag na wag mo siyang sasayangin, iiwan o susukuan. They say if you truly love the person, you will do whatever it takes for both of you to last forever.

Can you resist the space that separates you?

What if that space is Immortality that is so hard to battle?

Will you fight for love or just accept that the person is not for you and just passed through your Life or maybe... your Boring Life?

At Kung may taong nakalaan para sa iyo, may taong dadaan lang talaga sa buhay mo.

*********************
Throwback... 120 years ago.

Habang suot ko ang pinakapaborito kong puting bestida, ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang malakas na ihip ng hangin. Pinakinggan ko ang bawat hampas ng malalaking alon sa mga bato sa ibaba. Nilanghap ang amoy ng tubig alat. At mahigpit kong niyakap ang aking sarili.

Muli kong binuksan ang aking mga lumuluhang mata at tinitigan ang paligid. Iniisip na ito na ang huling pagkakataong makikita ko ang nagsisilbing paraiso ng aking buhay.

Narito ako, nakatayo sa pinakadulo at mataas na bahagi ng lupa. (My favorite cliff.) Inihahanda ang sarili na tumalon papunta sa malalim na tubig at iniisip kung paano ko lulunurin ang sarili. Tinignan ko kung gaano kataas ang aking tatalunin. Nakakalula. Nakakatakot. Ngunit buo na ang aking desisyong takasan ang mundong ito. Wala na ang lahat. Wala nang sapat na dahilan upang mabuhay pa ako sa mapaglarong mundo. Pagod na ako. Susuko na ako. Tatlong hakbang nalang ang layo ko sa kamatayan.

Unang hakbang.

Pangalawang hakbang.

Pinunasan ko muna ang mga luha kong ayaw magpaawat bago ko ibigay ang huling hakbang ko.

Tuluyan na akong kumawala at tumalon. Unti-unti na kong nahuhulog sa kamatayan. I can feel my hair dances as the air pushes it as if it's enjoying what's happening. I can feel my dress flowing as I get nearer to the water as if it's excited for the next plot. I can feel the beat of my heart as if it's ready for death.

Naramdaman kong binalot ang buong katawan ko ng tubig. Unti unti akong hinihila pababa papunta sa pinakailalim. Hinayaan ko ang katawan kong unti unting bumaba. Pinakiramdaman ko lang ang malamig na tubig. At pinakinggan ang katahimikan nito. Naramdaman ko nalang pumikit ang aking mga mata at pinabayaan ang sariling unti unting malunod at mawalan ng hangin. Ang huli kong nakita ay ang liwanag ng buwan.

I'm already done. Done living. I finally got what I want. My heart wants to cry. Until I felt myself pulled by something or someone. Nararamdaman ko ang sarili kong hinihila. Gusto ko sanang imulat ang aking mga mata pero di ko magawa. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Hindi ko maigalaw ang sarili ko. Wala akong maramdaman na kahit ano. Ang alam ko lang ay para akong lumulutang at magaan ang aking pakiramdam. Wala nako sa tubig. At wala rin nmn ako sa lupa. Anong nangyayari? Di ako makadilat, makapagsalita. Maraming tanong ang tumakbo sa aking isipan hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

**************************

Isang pares ng mata ang bumungad sakin. Di ko maaninag ang mukha niya dahil nag-aadjust pa ang aking paningin. Ramdam ko ang sarili kong nakahiga sa malambot na kama.

Napagtanto kong narito pala ako sa kwarto ko nang luminaw na ang aking paningin. At nakatayo sa harap ko ay isang lalaki. Cole... At may napansin akong kakaiba sa kanya. Bigla akong napaupo nang makita siya.

"Cole? Anong ginagawa mo dito? At--At bakit may mga lumilipad sa paligid mo? Ano yan?"

Wala siyang sinagot. Tinitigan niya lang ako. I don't know what is happenning. What I am seeing is like a dream. A Fantasy. May mga lumilipad na bilog ang nakapaligid sa kanya at umiilaw ang mga ito. Gumagalaw at para bang paikot-paikot sa kanya.

"Hindi mo maintindihan ito ng isang daang porsyento. Ngunit kakayanin mo ng... siyamnapu't siyam." he said while smiling.

"Ano bang sinasabi mo?"

Nagulat ako nang lumipad papunta sa direksyon ko ang mga bilog na pumapaikot sa kanya. Gusto ko sanang tumakbo at tumayo ngunit katawan ko na mismo ang nagsasabing manatili lang ako sa aking kinalalagyan.

Tumama ang mga bilog na lumilipad sa akin. Pumasok sila sa katawan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magbago ang itsura ng paligid.

Naitakip ko ang aking kamay sa mata ko dahil sa sobrang liwanag na dulot ng lugar na ito. Wala na akong makita sa sobrang liwanag. Nakaupo pa rin ako pero hindi tulad ng kanina na nasa kama ako, nakaupo na ako ngayon sa isang transparent na upuan.

Ilang minuto rin ako sa lugar na iyon. Nakaramdam ako ng konting hilo nang unti unting mawala ang liwanag at makabalik sa aking kinaroroonan. Nakaupo na ulit ako ngayon sa aking kama. At si Cole ay nakatayo pa rin.

"A-anong nangyari? Kakaiba iyon ah. Nananaginip ba a-ako?" tanong ko habang nakahawak sa aking ulo.

"Syempre hindi." sagot niya.

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang aking kamay na agad ko namang iniwas.

"Ano bang kailangan mo?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay mabilis niyang hinawakan ang aking kanang kamay at ipinakita sakin. At laking gulat ko nang makita ang nasa ring finger ko.

May kulay dilaw sa aking daliri na para bang singsing. At ang kakaiba dito ay umiilaw ito ng sobrang liwanag at nakadikit sa aking balat.

"Ikinagagalak kong sabihin na isa ka nang imortal. Maligayang pagdating sa immortal na buhay!" he said with a wide smile.

"Anong sabi mo?"

"Isa ka nang imortal at ang laki ng iyong pinagbago. Lalo kang gumanda at nagmukhang maaliwalas."

I don't know what to do that time. But all I can say is I can't believe Immortality will come and has come to me. Lahat ng kakaibang bagay ay nagsimulang mangyari. At hanggang sa kasalukuyang panahon, nagtataka pa rin ako kung paano at bakit ito nangyari sa akin.

Hello Miss Future ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon