Chapter 5: A New Companion

23 9 0
                                    

"Bumalik ka dito!" sigaw ng isang gwardya sibil na humahabol sa akin. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang ako sa pagtakbo, todo ngiti naman ako dahil tuwang-tuwa ako sa kalokohang ginawa ko.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko nang nararamdaman kong malapit na siya. Ilang segundo lang ay nakita kong napatigil siya sa pagtakbo niya at hingal na hingal, akala ko iyon na ang pagkakataong makakapagpahinga na ako ngunit nakita kong may limang pang nakasunod na guwardiya sibil at tumakbo sila patungo sa akin kaya wala akong nagawa kundi tumakbo pa ng mas mabilis kahit pagod na pagod na ako. Dahil na rin sa bilis ng takbo ko hindi ko namalayan na may makakasalubong pala akong isang lalaki kaya't nabangga ko siya na ikinatumba ko.

"Aray!" napahawak ako sa pwetan ko na unang bumagsak. Nagsalubong ang tingin namin ng lalaking nakabangga ko.

"Savannah? Anong ginagawa mo dito at bakit ka nagmamadaling tumatakbo?" tanong niya sa akin.

"A-ama?" tinitigan ko lang siya dahil wala naman akong maisasagot. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang ginawa kong kalokohan. Tinulungan niya akong tumayo at nakita ko rin si Cole, na tumatawa at nakatayo sa likod ni Ama.

"Naroon siya! Dali hulihin niyo na!" sigaw ng isa sa mga guwardiya sibil kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Ama.

Nang makarting sila sa pinaroroonan namin at mapagtanto na si Ama ang kaharap nila, sila ay yumuko at bumati, "Magandang hapon po Ginoong Demetrio."

"Magandang hapon rin sa inyo. May problema ba kayo sa aking unica-hija?" seryosong tanong ni Ama sa kanila. Mukhang natatakot silang sumagot dahil tindig pa lang ni Ama ay nakakatakot na at kapag sinabayan pa ito ng malalim niyang boses ay nakakapanghina na ng tuhod. At idagdag mo pa na si Ama ay kilala dito sa aming lugar pati na rin sa ibang bayan dahil  isa ang pamilya namin sa pinaka-makapangyarihan at maimpluwensya. Ang kapatid ni Ama na aking Tiyo ay isang Gobernador at ang aking Lolo ay dating kapitan. Ang angkan naman ni Ina ay mas makapangyahrihan at mayaman pa.

"I--Ipagpaumanhin niyo po Gi--Ginoong Demetrio sapagkat ang inyong anak ay tumakas at hindi nagbayad s--sa kinain niyang pagkain." sumbong ng isang guwardiya sibil. Lumingon sa akin si Ama at nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay, paniguradong sermon ang aabutin ko mamaya. Hinarap ni Ama ang mga guwardiya sibil at binigyan ng isang ngiti.

"Ayon lang ba? Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng aking anak sapagkat siya ay may katigasan at hindi marunong sumunod. Heto tanggapin niyo ito at ibayad sa nilamon niyang pagkain at paghati-hatian niyo ang sukling matatanggap niyo." kumuha si Ama ng salapi sa kanyang bulsa at ibingay ito sa nga guwardiya sibil.

"P-pero Ginoong Demetrio hi-hindi--" hindi na naituloy ng isang guwardiya sibil ang kaniyang sasabihin dahil tinaasan siya ng kilay ni Ama.

"Sige na. Umalis na kayo sa aking paningin habang maaga pa." nagmamadaling nagsialisan ang mga guwardiya sibil at pinagsabihan ako ni Ama sa nangyari na wag ko na daw iyon uulitin dahil ilang beses na daw akong gumagawa ng kalokohan at paniguradong pagiinitan na ako ng mga bantay.

Tandang-tanda ko pa ang mga senario sa tuwing gagawa ako ng kalokohan, minsan ay kakain ako sa isang kainan at hindi magbabayad, minsan naman ay papasok sa isang bakuran para pumitas ng prutas o di kaya mamimitas ng mga rosas sa pribadong lupain at ang pinakapaborito ko ay hahabulin ako ng mga guwardiya sibil na minsa'y tatakutin ni Ama o uutuin ni Ina o tatakbuhan din namin ni Cole.

Hindi ako kinakabahan sa tuwing kakausapin ako ng mga guwardiya noon dahil may mga tagapag-tanggol ako pero ang makaharap at makausap ang isang guwardiya sibil ng bagong henerasyon ay nakakakaba. At wala na si Ama o si Ina para ipagtanggol ako ngayon, kahit si Cole na kasabay kong tunatakas ay wala na rin. Pero pero pero buti na lang Bry is in the haussss. Bilib ako sa kanya kanina dahil wala siyang katakot-takot na nagpaliwanag doon sa guwardiya. Grabeeee iba talaga ang dugo ng lalaking 'to. Pero hindi ako natuwa sa dinahilan niya.

Hello Miss Future ReaderΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα