Chapter 4: Changed World

37 9 0
                                    

"Savannah! Savannah! Tignan mo oh! Dali!" tawag sa akin ng aking pinsan na si Laura. Agad naman akong sumilip sa balkonahe ng aking kwarto. Nakita kong nakasakay ang aking ama sa isang kabayo. Nakauwi na pala siya.

"Ama!" sigaw ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Nagmamadali akong lumabas at bumaba sa hagdan upang salubungin ang aking ama. Nakasalubong ko siya sa pintuan at mahigpit na niyakap.

"Saan po kayo nanggaling, ama? Hindi ko po kayo nakasabay kumain kaninang umaga." sabi ko sa kanya at sumimangot.

"Ipinasyal ko lang ang bago kong alagang kabayo." napatingin naman ako sa puting kabayo na nasa labas.

"Ama, nais ko rin magkaroon ng alagang hayop." hinawakan niya ako sa ulo at ginulo ang aking buhok.

"Masyado ka pang bata anak."

"Pero ama, ika-walong kaarawan ko naman bukas. Alagang hayop ang nais kong matanggap na regalo." natawa naman si ama sa sinabi ko.

"Kapag ika'y nasa wastong gulang na ipinapangako kong bibigyan kita ng alagang hayop ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon, anak." sumang-ayon nalang ako sa sinabi ni ama. Gusto ko talaga ng alagang hayop. Gusto ko din ng kabayo dahil nakikita ko ang mga tiyo kong gumagala sa bayan sakay ng kanilang kabayo. Nais kong maglakbay ng nakasakay sa kabayo dahil mukhang masaya iyon. Tanging karwahe lang kasi ang nasasakyan ko at hindi ako pinapayagan ni ama at ina na subukang sumakay sa kabayo.

"Ano ang nais mong matanggap na regalo bukas?"

"Gusto ko po ng maraming pagkain, ama." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba? Mag-diet ka naman!" ano daw? Diet? Hala. Di naman niya alam ang salitang iyon ah. Nagulat ako nang mawala si Ama sa harap ko at dumilim ang paligid.

"Mag-diet ka na. Tignan mo nga oh. Hanggang ngayon ba naman? Makikipag-agawan ka pa sa akin." narinig kong sabi ng isang lalaki. Mukhang boses iyon ni Bry.

"It looks delicious." sagot naman sa kanya ni Bella.

Nagising nalang ako dahil sa ingay na ginagawa nila. Akala ko pa naman totoong kausap ko na si ama, nananaginip lang pala ako. Bumangon na ako at umupo sa kama kaya napunta sa akin ang atensyon nila.

"Hey, Pretty lady! Good morning." bati sa akin ni Bry ng may malaking ngiti. Tumayo siya at inabot sa akin ang isang plato na may bacon, omelette at pancakes. "Sorry ah binawasan ko yung pera mo para bumili ng breakfast. Don't worry I'll pay you later pag nakuha ko na pera ko."

"It's okay. Ahmm T-Thanks by the way." nagbigay ako ng pilit na ngiti dahil nagtataka ako sa kinikilos niya. Dapat galit siya sa akin.

"You're welcome pretty lady. Sorry kung nagising ka ng ingay namin ng batang 'to. Paano ba naman? Gusto niyang kainin ang pagkain mo dahil mukhang masarap daw hindi naman kumakain ang mga multo."

"Hindi ka galit sa akin?" I asked him straight at umupo siya sa tabi ko.

"Bakit naman ako magagalit? There's no reason to be angry at this beautiful morning." he said and gave me a smile. A sincere smile.

"Pinag-isipan kita ng masama kagabi kaya dapat lang na magalit ka." tumawa naman siya sa sinabi ko. "What's so funny?" sabi ko sa kanya.

"Last night was nothing. Naiintindihan naman kita. Syempre kahapon lang tayo nagkakilala kaya alam kong wala ka pang tiwala sa akin." nginitian niya ako kaya't nginitian ko din siya. Matagal din kaming nagngitian. Umubo si Bella kaya natapos na din kaming mag-ngitian at mukhang sinadya niya ang ubo na iyon. Napaiwas ako ng tingin at ganon din si Bry. "Ahmmm Si-sige na kumain ka na para makaalis na tayo agad maya-maya."

Hello Miss Future ReaderWhere stories live. Discover now