Walang emosyon niya akong tinitigan habang nagwawala ako.

"Hold him down."

Maya-maya pa, hinawakan ako ng ilang mga lalaki at pinilit iturok sa braso ko ang malaking karayom na 'yon. My screams slowly died down as the strange liquid entered my body, calming me down. Hinihingal at naguguluhan kong pinagmasdan ang misteryosong babae. Pakiramdam ko unti-unti na akong nauubusan ng lakas.

Several pairs of eyes watched me like a specimen.

Nakapalibot sila sa akin, walang emosyon sa kanilang mga mata. Pakiramdam ko nga, wala ring kaluluwa sa likod ng mga 'yon. They just watched me...

Tangina, nahihilo ako.

Pero bago nila ako tuluyang iwan, I managed to croak out the question that's been haunting me ever since I woke up in this shitty place.

"N-Nasaan ako...?"

Huminto sa paglalakad ang babae at napalingon sa'kin. Her black demonic eyes stared into my soul. Agad akong kinilabutan. Ngumisi siya sa'kin at sumagot sa mahinang boses. Hindi ko alam kung epekto lang ba ng gamot na itinurok nila sa'kin, o talagang makapanindig-balahibo lang talaga ng boses niya. Isang malalim na boses na imposibleng mula sa tao, "Nasa loob ka ng Eastwood Asylum, Asmodeus. Welcome to the madhouse!"

"A-Asylum..?"

"I hope you enjoy your stay here. Gagamutin ka namin, 'wag kang mag-alala. May pag-asa pang maging normal ang mga baliw na kagaya ninyo."

Sunod kong narinig ang pagsara ng pinto. Napakinggan ko pa ang pag-lock nila nito mula sa labas. Agad na pinalitan ng nakamamatay na katahimikan ang presensiya nila. Naiwan akong nakahiga sa kama habang inaalala ang sinabi 'nong babae kanina.

Inside the Eastwood Asylum?

Mahina akong natawa.

Pero sa paglipas ng mga segundo, lumakas nang lumakas ang pagtawa ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga. "NASA ISANG ASYLUM AKO! PUTANGINA! HAHAHAHAHAHA!" Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nakamasid sa'kin ng mga demonyo. Red eyes stared at me like a predator would to a prey. Nakamasid sila mula sa mga sulok ng silid at nagkukubli sa mga anino. They started grinning at me again, and whispering murderous thoughts.

Hindi ko alam kung anong hinihintay nila.

Nakatitig lang sila sa akin.

Kagaya ng pagtitig ng mga nurse kanina sa akin---walang anumang bakas ng awa o moralidad. Pero hindi tulad ng mga nurse na 'yon, alam kong mas mababait ang mga demonyong palagi akong sinusundan. Sundan din kaya nila ako hanggang kamatayan? I silently laughed at the thought.

"Alam kong nandiyan kayo."

Walang sumagot.

Nakatitig lang sila sa akin..

Kaya alam kong hindi ako nag-iisa sa loob ng silid ko. Paminsan-minsan naman, bigla silang maglalaho na para bang bunga lang sila ng imahinasyon ko. Pero maya-maya pa, lilitaw ulit sila at bubulungan ako sa tabi ko. I would wake up in the night with their claws at my neck and their sharp teeth pierching through my arms until it bleeds.

Hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakakakita at nakakaramdam sa kanila.

Ang alam ko lang, magmula noong bata ako, palagi na silang nagpaparamdam. Kahit saan ako magpunta, nakasunod sa'kin ang mga demonyong ito.

They're my childhood demons, and sometimes I swear can hear them telling me to return to hell with them.

And with the shitty life I have, "Maybe it is more fun in hell."

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon