CHAPTER XV; Courting

Magsimula sa umpisa
                                    

Inismidan ko na lang ito. "Hindi nga kayo pumunta ni Kia sa debut ko". Nakangusong sambit ko.

"Nagkaroon ng emergency si Kia".

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya? "Emergency? What kind? Okay na ba siya"?

"Wow. Alalang-alala girl? Akala mo talaga totoo".

"Excuse me, totoo ang concern ko sa bestfriend ko".

"Ah talaga ba"?

Sinamaan ko siya ng tingin. "So, ano ngang Emergency"?

"It's none of your business".

"Psh".

Kahit kailan, ang sungit ng baklang ito.

"Teka nga. Bakit ba ikaw ang narito at hindi si Aaron"?

"Kasi pupunta tayo ng Unknown Bar ngayon".

"Ganito kaaga?! Are you serious"?!

"Yes. Kaya pwede ba magpalit ka ng dress mo. Chupi! Hindi yung naka shorts at sando ka lang. Aakitin mo pa si Aaron".

"Hmp"! Inirapan ko siya.

Umakyat na lang ulit ako ng kwarto para magpalit ng dress. Simpleng white dress ang una kong nakuha. Konting foundation at Lip tint lang. Okay na 'to.

Pagbaba ko, nakita ko sila Mom at Ralph. Nasa sala sila habang kumakain ng pancake at nanonood ng TV, at masayang nagchichikahan.

Close na ulit sila?

"Lets go"? Pagyaya ko kay Ralph. Napatulala naman siya sa akin pagkakita. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

Problema ng isang 'to?

"Sarado mo bibig mo. Baka pasukan 'yan ng langaw". Pang-aasar ko.

"Hambog nito. Hindi lang ako sanay na mukha kang tao". I ignore what he said.

Nagpaalam muna siya kay Mom. Pumunta kami sa office room ni Dad para makapagpaalam rin. Pati na rin kay Yaya na tutuloy na kami.

"Hindi na ba muna kayo kakain rito? Nakahanda pa naman na ang pagkain". Pagpigil sa amin ni Mom nang nasa pinto na kami.

Umiling si Ralph. "Hindi na po Tita. Sa labas na lang po kami kakain ni Alexa. Thank you po. Mauna na po kami". At nagbeso-beso na silang dalawa.

Habang papalabas na kami sa pinto, may binulong naman itong kasama ko. Kaso bulong nga at siya ang mas nauuna sa aking maglakad, kaya hindi ko ganoong naintindihan.

("Hindi ka naman pala chaka. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa iyo si Aaron.")

"Ha? Ano Ralph? What did you just said"?

Oo narinig ko. Pero hindi ko naintindihan ang kung ano man ang sinabi niya.

"Wala. Sabi ko, maganda ka sana kaso bungol ka lang.". Tapos sumakay na siya agad sa kotse niya. Napahinto ako sa paglalakad at literal na napatanga ako.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon