"S-sinabi niya sa inyo?" nauutal na tanong ko.

Tumango si Lola saka niya ako sinagot. "Itinawag niya sa akin iyon noon noong nalaman niya na gusto mo nang lisanin ang Hacienda Aurelia. He hated himself so much after that. And I'm sure he told your father about it."

"Oh!" tanging naisagot ko.

"Huwag kang magsinungaling sa akin, Ivan. Ginawan ka ba ng masama ni Ralf kagabi?" seryosong tanong niya habang pinagmamasdan ako ng mataman.

Umiling ako. Ilang sandali akong nanatiling nakatulala sa kawalan bago ako nag-angat ng tingin sa Lola ko.

"I-I came to his room last night. Nakita ko na bukas ang pinto at ang ilaw. Isasara ko sana iyon pero hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Ralf."

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako napapikit. Kailangan ko ba talagang sabihin kay Lola ang lahat? Nakakahiya.

Nakita ko na naghihintay siya na dugtungan ko ang mga sinabi ko.

"Anong ginawa sayo ni Rafael?" muli ay tanong niya.

Nagbuga ako ng malalim na paghinga saka ko na lakas loob na isiniwalat ang buong katotohanan.

"I saw him, almost naked. He teased me, though..." lumikot ang mga mata ko. Naghahagilap ng tamang mga salita na hindi magiging masama sa pandinig ni Lola. "...though what happened afterwards wasn't really planned, p-pareho naming ginusto ang nangyari. Ginusto ko at hindi ko iyon pinagsisisihan."

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan dahil sa mga actions na nagawa ko o dahil alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi namin matutugunan ni Rafael ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Para kaming tubig at langis na kailanman ay hindi mo maaaring maipagsasama. Magkaiba kami ng paniniwala at paninindigan sa buhay.

Bukod pa sa mahabang panahon na ang namamayani sa pagitan naming dalawa ay galit at animosity.

Ralf is not the right man for me. Hindi rin ako ang nararapat sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya katulad.

Maaaring natutukso siya sa akin pero hindi ko kailanman maibibigay ang mga tunay niyang pangangailangan bilang isang lalaki.

Napatitig ako kay Lola. Nakita ko na maaliwalas na ngayon ang mukha niya hindi gaya kanina na puno iyon ng pag-aalala. Tila ba naalis sa mga balikat niya ang isang mabigat na dalahin.

Dahil ba nalaman niya na hindi naman talaga ako pinuwersa ni Rafael? Iniisip ba niya na ito na ang simula ng pagkakasundo naming dalawa ng ampon niya?

Pero galit na sa akin ngayon si Ralf. Hindi ko rin kaya na ibaba ang pride ko para lang sa kanya. Masyado nang marami ang nawala sa akin at hindi ko na hahayaan buwagin ng nararamdaman ko sa kanya ang pader na nagsisilbing panangga ko sa kanya.

"What happened to the hatred you feel for him, Ivan?" bigla ay sambit ni Lola.

Napakurap ako saka ko sinalubong ang mga mata niya? Akma na akong sasagot ngunit nakarinig kami ng busina mula sa ibaba.

Nakaharap sa entrada ng bahay ang silid ko kaya maririnig mo talaga doon ang busina ng sasakyan sa ibaba.

"That must be Jako, Lola." sabi ko saka na ako tuluyang tumayo at bumaba.

Naging maayos naman ang tanghalian namin ngunit hindi ko na kaya pang patagalin ang napagpasyahan ko.

Matapos ang pananghalian ay kinausap ko si Jako sa labas ng bahay. Gusto ko nang itama ang maling pag-asam niya na maibibigay ko sa kanya ang pangarap niyang kasal.

Ayoko na makulong sa isang bagay na alam kong pagsisisihan lang namin sa huli.

Nasa terrace kami nang ipagtapat ko sa kanya ang buong katotohanan maliban sa nangyari sa amin ni Ralf kagabi.

Naging tapat sa akin si Jako sa nakalipas na mga taon. Kahit noong mga bata pa kami ay ramdam ko na ang suporta at pagmamahal niya kahit na hindi ko iyon binibigyan ng halaga.

Pero ayokong maging unfair sa kanya. Karapatan niyang malaman ang katotohanan. Mabuting tao si Jako. Kung ako ang tatanungin ay siya ang gusto kong mahalin. Kaya lang ay iba ang itinitibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang masuklian ang atensyon na ibinibigay sa akin ni Jako kahit pa noon.

Kaibigan ko na siya mga bata pa lamang kami. Siya lang ang nag-iisang nagtiyaga sa ugali ko at siya lang din ang nag-iisang naging tapat sa akin maliban kay Rita.

Celine was my friend during my elementary days pero sinira niya iyon nang landiin niya si Levi at ipagkalat niya ang sikreto ko.

Noong highschool naman ay wala akong masyadong naging kaibigan dahil karamihan sa mga schoolmates ko ay kinaiinisan ang pagiging prangka ko.

Well hindi ko iyon ginawang big deal. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para lang sa kanila.

Jako was there. Hindi niya ako pinabayaan. Iyon ang dahilan kung bakit minsan sa buhay ko ay naisipan ko rin siyang pakasalan.

Pero buo na ang pasya ko. Gusto ko rin siyang maging masaya. Ayokong maging selfish sa kanya. Sapat na sa akin ang loyalty na ipinakita niya sa loob ng napakaraming taon para itreasure ko siya sa puso ko.

Kaya ngayon ay inihahatid ko na siya patungo sa sasakyan niya. Malugod naman niyang tinanggap ang naging desisyon ko.

Hindi rin namin kailangan putulin ang pagkakaibigan namin. Si Jako ang itinuturing kong bestfriend. My partner in crime.

Masaya kami pareho sa naging desisyon namin. Nanghihinayang lang din pero hindi mabigat sa loob.

Sa kanya ko rin iniiyak kanina ang lahat ng problema ko. Dinamayan niya ako nang hindi hinuhusgahan.

Nasa tapat na kami ng sasakyan niya nang humarap siya sa akin saka niya hinaplos ng palad niya ang pisngi ko.

"Natitiyak mo ba ang sarili mi, Ivan?" tanong niya.

Tumango ako. "I'm sorry, Jako. I hope you really understand." sagot ko.

Ngumiti naman siya ngunit nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Huminga ng malalim si Jako saka niya ako muling tinitigan. "I do," he said. "Sa kabila ng galit mo kay Rafael. Kahit noon pa lang ay naghihinala na ako na may ibang damdamin na nakatago diyan sa puso mo para sa kanya."

"Nakikita ko kung paano ka magalit noon sa tuwing nakikita mo siya na may kasamang mga babae."

"Kahit na nakakahalata na ako ay umasa ako na hindi pag-ibig iyon kundi panibugho dahil kinuha ni Rafael ang lahat ng atensyon ng mga taong nakapaligid sayo. Pero hindi ako sa pag-asa na makikita mo iyon."

Ngumiti ako saka ko nilaro ang butones ng kanyang polo. "Nakita ko iyon. Kaya nga hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Pero hindi ki kayang suklian ang pagmamahal mo."

"It's okay, Ivan. Tanggap ko na." natatawang sagot niya bago siya nagseryoso. "Mauuna na ako. Gagamutin ko pa ang puso ko." biro niya.

Natawa naman kami pareho saka niya ako hinalikan sa pisngi.

"I gotta go. Sana sa susunod na magkita tayo ay masaya ka na. Hindi man kay Rafael ay sa taong magugustuhan mo."

"I wish it was you!" wala sa loob na sagot ko.

Napailing naman siya saka na siya sumakay sa sasakyan niya.

Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay nagpasya na ako na bumalik sa loob.

Nakasalubong ko sa sala si Lola Corazon na tila ba hinihintay talaga ako. Sa kamay niya ay may nakita akong lumang notebook na ipinasok niya sa bulsa ng kanyang daster.

Beloved Bastard (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя