Chapter 5: She's mine

79 8 16
                                    

Syhra's POV

"First, bukas na 'yong festival 'diba? Anong gagawin natin?" Bryle

Tiningnan ko si Chrysler seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya.
I sighed.

Everything was messed up.
Hindi ko pa nga alam kung sino sa kanilang dalawa ni Jiro ang real heir ng Qin and yet may dumagdag na naman.

Si Hunter.

I'm sure siya 'yong nakita ko kagabi. Pero does it make sense?
Patay na siya. I was there. He died right in front of me.
Paano siya nabuhay?

"Hey freak,"

And it's been 120 years, but he still look the same. Did he really reincarnated? Or ------ No.

It can't be.

I need to make sure. Kailangan kong makausap si Ryzen.

"Freak!"

Napahawak ako sa ulo nang may bumato sa akin na ballpen. Masama kong tiningnan si Chrysler.

"What? You wanted to hit me again?" Sigaw niya

Kinuha ko ang bag ko at tumayo.

"Saan ka pupunta? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kailangan---"

"Sorry. I can't."

Dumiritso ako sa dorm.
Ni-lock ko ang pinto at sinarado ang mga bintana. Di-nial ko ang number niya.

("Sy? Mabuti napatawag ka. Ayos ka lang ba? Natanggap mo ba 'yong box na pinadala ko?")

"Box? Anong box? Teka, kaya ako napatawag dahil may gusto akong itanong."

("Ano 'yon?")

"Ry, I think---I think I saw him."

("Huh? Sino? Anong ibig mong sabihin?")

"H-Hunter, buhay siya. Nakita ko siya kagabi. A-at parang---parang may mali. The way he looked at me."I paused.

"Sinubukan niya akong patayin and--and- I don't know. He changed."
Bigla siyang tumahimik.

Tiningnan ko ang cellphone pero naka-ongoing pa rin ito.

"Ry? Nakikinig ka ba?"

I heard him sighed.

("Sy, you're familiar with Devil's Nail, right?")

"Oo naman, 'yan 'yong ginagamit kapag--"napatigil ako.

"Wag mong sabihing, si Hunter ay-"

("Tama, he's not on his right mind Sy. He is a puppet. Mukhang hindi mo pa tiningnan ang box na binigay ko sayo. Nandoon ang lahat ng impormasyon na kailangan mo. Mag-iingat ka Sy, marami sila. Wag kang magtitiwala kahit kanino.")

Napasandal ako sa pader.

It can't be.
If he's a puppet then ibig-sabihin isa na siyang bampira? Paano? I buried him. I--I---

Pumikit ako.

'did someone digged up his grave?
Sino?

Kinuha ko ang box sa ilalim ng kama. Bìnuksan ko ito.
Iba't-ibang pictures ang bumungad sa akin. May mga patay na nasa loob pa ng kabaong, larawan kung paano pinasok ang devil's nail sa ulo nila, pagpapainom ng dugo, at ang pinakahuli, ang larawan ni Hunter.

I was right.
They digged up his grave.

Sino ang gumawa nito? Though Leo is a real monster, he's not capable of using devil's nail. Para maging succesfull ang paggamit ng devil's nail dapat papainumin mo sila ng dugo ng isang bampira na matagal ng nabubuhay sa kasamaan.
Leo is just 3,000 years old. Hindi 'yon sapat para mapasunod ang isang puppet.

SYHRA: Vampire's LoveWhere stories live. Discover now