Chapter 2: Lost Forest

133 13 15
                                    

(Chrysler at the top!👆💓)

Syhra's POV

"Ina!" Sigaw ko nang makita ko si Inang duguang bumagsak sa sahig.

Masama kong tiningnan si Leo.
Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako.

"Ahhh! Your smell. Talagang hindi nakakasawa."

"Ano ba ang kailangan mo? Panalo ka na, nakuha mo na ang lahat. Ano pa ba ang gusto mo?"

Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi niya.

"Ikaw--ikaw ang kailangan ko."

"Huh!"

Bumalikwas ako ng bangon.
Hinawakan ko ang kwentas ko at pumikit.

That dream again.

"Gago. Akala mo ba, mapapatay mo ako nang ganun-ganon? Huh?"

Napalingon ako sa likod.
Nakita ko ang isang lalaking duguang nakaluhod sa semento, kaharap nito ang isang lalaking kulay puti ang buhok at may hikaw sa kaliwang tenga.

Walang-awang pinagsusuntok niya ito nang ilang beses.
Napailing ako.

Humans.

"Sinong nag-utos sayo? Tauhan ka ni Chrysler, diba? Paano niya nalaman ang tungkol sa bloodmill?"

Bloodmill?
Chrysler?

Napahinto ako sa paglalakad.

"Sumagot ka!"akmang susuntukin niya ulit ang lalaki nang hinawakan ko ang kamay niya.
Gulat na napatingin siya sa akin.

"Anong--"

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero mahigpit ko itong hinawakan.

"Anong tungkol kay Chrysler?"tanong ko

"H--Huh?"

"Sagutin mo ako."

"Teka-"

Tinulak ako ng lalaki sabay ayos ng damit nya.

"Sino ka? Bakit ka nakikialam dito? Jowa ka ba ng gagong 'yon?"

"Jo--wa?"
Kumunot ang noo ko.

Ano 'yon?

"Oh!-"

Kumaripas ng takbo ang lalaki. Galit na tumingin siya sa akin.

"You!--"
Sinandal niya ako sa pader.

"Gusto mo bang mamatay huh? Hindi mo ba--"

"Anong nalaman ni Chrysler sa bloodmill?" kalmado kong tanong.

Bigla siyang natigilan. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Leak a single word about this and you're dead."

May nalalaman ba talaga si Chrysler sa bloodmill?

"Okay, since papalapit na ang Christmas Festival. Hahatiin ko kayo sa limang grupo."

SYHRA: Vampire's LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat