"Nazareth Sarmiego is missing."

Nanuyo ang lalamunan ko pagkarinig ko sa sinabi ni Hera. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako sa bagay na iyon kung ako naman ang nagtaboy sa kaniya.

Ito ba...

Ito ba ang resulta?

"But the police are still investigating. Hindi pa siya ganap na nawawala dahil 24 hours ang kailangan para masabing gano'n," dagdag niya.

"K-kailan pa siya nawawala?"

Nag-isip pa siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa nararamdaman.

"Kahapon. Second period."

Agad akong kinutuban. Kung tama ako, mga gano'ng oras kami nag-usap. I sent the videos before first period. Umaga iyon pagpasok sa school. Pagkatapos ko siyang iwan sa rooftop ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa kaniya.

I left him there. Alone.

"Are you okay, bi?" tanong niya. "And what's with your eyes? Did you cry all night?"

Umiling ako. She sighed. "I'm still mad, Hellary," aniya. "Dinamdam ko ang pagsasagutan nating dalawa."

Hindi ko siya masisisi. That's our first time to argue.

"I'm sorry." Yumuko ako. "Naging harsh ako. Sorry."

Umiling siya. "Pero wala na 'yon ngayon. Gusto kong suportahan ka sa lahat, bi. Pero promise me na that would be the last."

Tumango ako. "Still, I feel sorry for involving you..."

Inirapan niya ako. "Parang tanga ampota. Okay na nga, eh."

Umiling lamang ako at ngumisi kahit papaano. Hindi muna ako nagpasundo dahil balak ni Hera mag-mall ngayon. Pero hindi ako makakilos nang maayos dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kay Nazareth. Umikot-ikot kami sa mall. Nag-window shopping. But I couldn't concentrate. Lumilipad ang isip ko.

"Don't overthink. I know he's fine, hanging out somewhere."

Hindi na lamang akong nagsalita. Wala na akong pakialam kay Nazareth. I shouldn't even care about what happened to him. O kung nasaan man siya ngayon. Maybe he was just out there doing random things or whatever.

Huminga ako nang malalim. Hinila ako ni Hera sa branch ng Toy Kingdom. Magreregalo raw siya sa inaanak niya kaya panandalian niya muna akong iniwan para maglibot sa loob.

Naagaw ng atensyon ko ang isang bagay. Dinampot ko ang isang laruang ibon. The familiar plastic red feather of the toy reminded me of something. Ibinaba ko ito at isinawalang bahala.

Natapos na si Hera kaya umalis na kami roon. Kumain muna kami sa isang chinese restaurant bago naisipang umuwi na.

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang lambot ng sariling kama. Agad nag-sink in sa akin lahat ang sinabi ni Hera na tila ngayon lang ulit pumasok sa kokote ko.

He was missing.

Nazareth was missing.

Pero dapat wala na akong pakialam sa kaniya. He planned to kill me. His parents, his family, killed my father & mother. Nararapat lang sa kaniya 'yon. Ano naman kung mawala siya?

Wala na akong pakialam doon!

My chest hurted a bit. Tumayo ako upang bumaba sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig galing sa ref para kahit papaano ay kumalma.

Sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga memes at cat videos sa youtube kahit allergic ako rito. Bata pa lang ako gusto ko na ang pusa. Pero napilitan akong lumayo sa mga ito dahil agad akong inaatake ng allergy. Nagkakapantal pantal ang balat ko at nahihirapan akong huminga.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon