Chapter 9: In The Province

1.8K 73 39
                                    

“GRABE, ang yaman mo pala talaga,” sambit niya habang nag-iinat sa labas ng kanilang sasakyan habang tanaw ang magarbo at malaking bahay sa kanyang harapan. Kadarating lamang nila sa San Ildefonso kung saan ang hacienda ng pamilya nito.

Tumigil ito sa ginagawang pagbaba ng kanilang mga gamit at sandaling tiningnan siya ngunit hindi nagkomento.

Nangunot ang noo niya. He’s giving her that vibe again. She’s puzzled as to why he’s acting an ass again to her today. Eh, sa pagkakaalam niya ay nagkasundo sila sa world peace proposal niya.

“Ana, go ahead and have a rest,” sa wakas ay salita nito pagkatapos hayaan ang mga kasambahay na ipasok sa loo bang kanilang gamit.

But then there he goes again with his commanding tone. Tinatrato na naman siya nitong parang bata. Isampal na lang kaya niya sa mukha nito ang marriage certificate nila nang maalala nitong asawa siya at hindi kung sino lang! Hmp!

“Wala pa akong kilala rito,” angal niya.

He put his hands on hip, looking at her with that ‘What the hell’ expression on his face. “Makipagkilala ka.”

DUH? Diba dapat i-introduce mo ako?

“Pero---“

Naputol ang sasabihin niya nang may isang may katandaang babae ang humahangos papalapit sa kanila. “Ay, hello sir! Nandito na pala kayo!”

And almost automatically, a smile appeared on his lips. Napataas tuloy ang kilay niya. But when she fully turned to the elderly woman that’s now standing next to them, she couldn’t help but to return the smile she was giving. Binati rin niya ito.

“Ay, hello po. Ako po si Ana,” pakilala niya sa sarili.

“Ito na ba ang asawa mo, Bastian?” tukoy nito sa kanya. “Ay ako naman si Matilde, ako ang nag-alaga rito kay Bastian simula pa noong maliit pa.” Her eyes were sparkling while looking at her. Ramdam niya ang pagkamabuting tao nito. “Naku! Napakaganda namang bata ire!”

At dahil mahina siya sa pamumuri, pumalakpak ang mga tainga niya lalo na nang sunod-sunod ang pamumuri na natanggap niya mula rito. It may sound exaggerated to others but not to her. She’s confidently beautiful in her own way. Marami pa yata dapat itong sasabihin kung hindi pinutol ng buwisit na asawa niya at sinabing samahan siya sa loob. Hindi man lang sumang-ayon ang kumag sa kagandahan niya.

“Pakisamahan na lang po muna siya sa loob upang makapagpahinga. Kailangan ko pong pumunta kina ‘tay Anselmo para kausapin po tungkol sa problema,” magalang naman na saad nito.

Pero bakit pakiramdam niya ay hindi siya kasali sa plano nito? Ididispatsa na naman siya nito nang gano’n lang. Hay naku!
Pasimple niya itong tinapunan ng tingin at inirapan bago nginitian ng matamis ang ginang.

“Aba, eh, hindi ka man lang ba magpapahinga rin muna?” tanong nito.

“Pagbalik ko na lang ho. Kayo nalang ho muna ang bahala kay Ana.”

Umismid siya. Ano kaya kung bigla niya itong halikan sa harap ng ginang, baka tumigil ito sa kakatrato sa kanya na parang bata? Sa naisip na ‘yun ay nagkaro’n siya ng ideya.

Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa mga labi niya nang balingan ito. “Sige na, honey. Go ahead and take care of the problem today.”

She almost choked when she actually sounded flirty. And Honey? Old school shocks! But despite of the fact that she’s feeling cringy inside, she carried on with her acting. “Aabalahin ko muna ang sarili ko sa paglilibot. This place seems to be a nice place. Pinalamlam niya ang mga mata ng salubungin ang mga titig nito. His brows are knitted together. “I’ll wait for you…”

The Executive and the CommonerWhere stories live. Discover now