Chapter 10: Iiwasan kita sa abot ng aking Makakaya

121 3 2
                                    


Anyeong haseyo yurabun? I hope you all doin' great! A little surprise for ya!




KASALUKUYAN siyang naghahalo ng kape nang bumaba ang asawa sa kusina. Madali niyang tinapos ang ginagawa habang papalapit ito. Bitbit ang mug ay nagtungo siya sa labas, hindi niya ito pinansin. Hmp! Sa garden na lang siya magkakape, ayaw niyang makita ito, kahit na ang guwapo-guwapo pa nito. Masyado siyang nasaktan kagabi.

Umupo siya sa sementong upuan sa garden at sumimsim ng kape. Magpapasama na lang siya sa mga tauhan sa hacienda sa pamamasyal. Kanya-kanya muna sila ng asawa. Kaya niyang mabuhay ng wala ito. Hmp!

Hindi niya na nakita ni anino ni Sebastian ng muli siyang pumanhik. She quickly took a bath and dressed up. Isang simpleng cotton short at t-shirt ang kanyang suot na mamasyal. Si Ester ang kasama niya. Maaga palang ay nagsimula na silang maglibot sa hacienda, pero kung saan sila nagtagal ay sa manggahan. Masyado kasi siyang nag enjoy sa pagkain ng hilaw na mangga.

Ester is a great company. Hindi ito nagrereklamo kahit ang dami nilang pinuntahan. Nai-kwento na rin yata nito ang buhay nito sa kanya. It is past three in the afternoon nang mag-aya siyang suungin ang kakahuyang parte ng hacienda. Noong una ay tumanggi ito ngunit pumayag din.

Aywan ba niya, naku-curious siya kung ano ang mayro'n sa parteng 'yun. 

"Kabisado mo naman itong dinadaanan natin ano?" tanong niya kapagkuwan.

"Oo ma'am. Dito kami naglalaro no'ng mga bata kami," wika naman nito. "May magandang ilog dito ma'am, eh. Presko ang tubig doon."

"Nice," she uttered as they walked deeper. "Sige. Doon tayo."

"Pero baka gabihin na tayo sa pagbalik ma'am."

She looked back. "Okay lang 'yan. Malapit lang naman."

Hindi na muli pang nagsalita si Ester. They jsut walked silently. Napa-wow na alng siya nang sa wakas ay marating nila ang ilog. Parang sa fantasy lang. Crystal clear ang tubig, mae-engganyo kang maglunoy sa tubig nito. 

"Maligo tayo, Ester," aya niya.

"Naku, kayo na lang ma'am. May pupuntahan pa kasi ako pagkabalik natin. Hindi po puwedeng basa ang aking damit na bumalik."

HIndi na siya nagkomento at lumusang na sa tubig. Ana loved the coolness of the water. Parang pinawi niyon ng lahat ng soresness sa kanyang katawan. She stayed ike that for about two hours. Magdidilim na ngunit hindi pa rin sila nakakabalik. Ang tanging ilaw nila sa daan ay ang flash light ng cellphone nito.

Tumawag din kasi ang asawa niya rito. Hinahanap kung nasaan sila.

"Naku, baka pagalitan ako ni siñorito kapag nagkasakit ka ma'am," worried na litanya nito habang naglalakad sila. Nasa tabi siya nito, yakap ang sarili dahil medyo nilalamig na siya sa basa niyang damit. Natapilok pa siya kanina dahil sa basang sapin sa paa. "Dapat hindi ka na lang nagbasa ma'am."

Magsasalita sana siya nang makasalubong ang asawa. Aba, sinusundo ba siya nito? Wow lang ha!

"Naku, ser! Pasensya na po kayo kung ginabi kami ni--"

"Okay lang, Ester," putol nito. "Hindi na lang sana ito maulit pa."

"Opo." Sumulyap ito sa kanya. "Sige po. Mauna na po ako." Iyon lang at lumihis na ito ng daan.

Siya naman dahil nilalamig, diretso lang ng lakad. Ayaw niya pa rin itong kausapin. 

She stopped on her track when a soft towel enveloped her arms and back. "You are so stubborn," narinig niyang komento nito.

The Executive and the CommonerWhere stories live. Discover now