Chapter 5: Disregarded and Getting Drunk

2K 68 1
                                    

THE freaking wife is here, duh! Paulit-ulit na saad ni Ana sa kanyang isip habang pinapanood ang asawang kausap ang babaeng nagngangalang Yvette Coleman. Ito iyong tumawag noong isang araw.

Silang tatlo ang tao roon sa conference room pero parang hindi siya nag-eexist. She was taking down notes for few minutes but then stopped. She just doesn’t feel like doing it anymore. Naiirita siya sa kadahilanang hindi niya maipaliwanag. Tungkol naman sa kompanya ang pinag-uusapan ng dalawa pero pakiramdam niya ay hindi lamang iyon. Something is going on between the two.

Yvette is one hell of a sophisticated woman. Ang ganda-ganda nito. And in an executive way. Marahil ay ito ang tipo ni Marko. Mature, sophisticated, and brainy. They look good together actually. Maski siya ay hindi ikaka-ila iyon. She can’t help but to compare herself to her, kahit na hindi naman dapat kasi alam niyang wala siyang panama rito.

Nang mag-aya ito ng lunch pagkatapos nila ay tumanggi na siya. Hindi naman kumibo si Marko. She took the chance to leave the room first. Nagmamadali siyang umalis at bumbaba sa cafeteria upang kumain. Dahil nakukulong siya sa opisina ng asawa ay wala pa siyang nagiging kaibigan sa loob ng gusaling iyon. So here she is now, alone in one corner again. Hindi naman siya loner o ano pa man, she’s just not in the mood to socialize. Besides, puro puno ang mga mesa dahil halos lahat yata ng empleyado ay doon kumakain. Magbaon na lang kaya siya sa susunod?

Being with Marko for several days now is starting to drain her. Iwas na iwas kasi siya sa asawa. She’s afraid that he would notice her flaws again. Napapagod na siyang umiwas. She just wants to be her again. Iyong tipong hindi niya kinokontrol ang mga galaw dahil natatakot siyang mapuna. She felt suffocated. And she wants freedom.

“Why do you always eat alone?”

Nagulat siya nang maupo sa harap niya si Marko. She immediately looked around to see people staring wide-eyed at them. “Ano’ng ginagawa mo?” sambit niya. “Baka kung ano ang isipin ng mga tao.”

Nagsipagpatuloy sa pagkain ang lahat ng igala ni Marko ang paningin sa paligid. “Why, do you care?”

Naguguluhan siya sa ugali ng lalaking ito. Minsan ay aakto itong parang walang pakialam, tapos minsan biglang lalapitan siya at kakausapin. Kagaya ngayon. “Hindi. Bakit ka nandito?” She did not want to sound rude, but she did. “Nasaan na iyong si Yvette?”

Marko was about to open his mouth to speak but she stopped him right away. “Ooops. Kung manenermon ka ay mabuti pang sarilinin mo muna. Huwag ngayon,’’ saad niya saka ipinagpatuloy ang pagkain nang maalala si Kyro. “Nga pala, do you know someone whose name is Kyro? Sa kanya rin ba itong putaheng naluto ngayon? This is freaking delicious!”

Nakamata lang ito habang nagsasalita siya. Walang emosyon ang mga mata nito kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. “Do you like the food?” mayamaya ay tanong nito.

“Oo. Ang sarap nga, eh.”

Tumayo ito at nagtungo sa kusina ng cafeteria. Naiwan siyang nangungunot ang noo. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ito at may dalang paper bag. Naglakad ito palapit sa kanya. “Come on,” yakag nito.

Puno ng pagtatakang sumunod siya rito, ignoring the stares of the people. Nang nasa opisina na sila nito ay inilapag ni Marko ang dalang pagkain sa lamesa at sinenyasan siya. “Eat.”

“Ha?” Napatingin siya sa mukha nito. “Kakakain ko lang.”

Kumuha ito ng dalawang plato at hinati ang pagkain. “Sabayan mo na lang ako,” ani nito.
Napapantastikuhang sinimulan niya rin ang pagkain. Ang totoo niyan ay kaunti lang ang kinain niya kanina dahil wala siyang masyadong gana. “Bakit?”

The Executive and the CommonerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora