Chapter 12

6.5K 158 4
                                    

NOTE:

Gustong gusto tko pong i-edit ito, pero hindi ko kinaya, GADDDD....Parang nagsusulat lang ako ng panibagong kwento.

Ang hirap po mag edit. Ang daming oras nasasayang. Kaya, sumuko din po ako. Hahahaha.

Hindi ko na po tinapos sa pag-edit kaya sorry po.

Intindihin niyo na lang po. Kasi ito ang kauna-unang kwentong sinulat ko back in 2011 po.

At aminado akong sobrang inosenti ko po talaga hahahaha. Kaya unawain nyo na lang po ang pinagsusulat ng inosenting bata na gaya ko.

Maraming salamat po. Hahahaha

---------

Chapter 12

Mabilis na lumapit si Rebecca sa kaibigang hawak hawak ang resibo ng mga pagkaing dumating sa opisina nila.

Napamulagat siya at napahawak sa dibdib ng makita ang total prize ng bawat resibong may pangalan ng Restaurant.

No!

Hindi sa akin to.

Sambit niya sa mga kaibigan at hinarap ang 5 delivery boy na naghihintay ng bayad sa mga pagkain.

Ahm,

Paumanhin lang ha, hindi po ako nag order ng mga pagkaing yan. Baka nagkamali lang kayo?

Saad ni Rebecca sa limang lalaki.

Pero maam, kayo naman po si Rebecca Sarmiento diba? At sa pangalan nyo po talaga ito naka charge. At itong building po at ang floor na ito ang naka address sa pagkain.

Sagot naman ng isa sa limang lalaki na nagdeliver ng mga pagkain.

Tama po maam, imposible naman po kaming magkakamali sa padadalhan.

Sambit pa ng isa.

Sumakit bigla ang ulo ng dalaga sa problemang hinaharap.

Sino namang walang puso ang gagawa sa akin ng ganito?

Tanong niya sa sariling napa hilot sa noo.

Excuse me lang ha?

Meron ba kayong contact number ng tumawag sa inyo sa pag padeliver ng pagkain?

Tanong naman ni Karen.

Ay meron po ako maam.

Sagot ng isang lalaki. Sabay kuha sa bulsa nito ng papel na may nakasulat at inabot kay Rebecca.

Naku sissy,

Phone number ni sir yan.

Sambit agad ni michelle ng makita ang papel na inabot kay Rebecca.

Oo nga gurl.

Hindi kaya si Celine ang nag orders nyan?

Sabi naman ni Karen.

Mas lalong sumakit ang ulo ni Rebecca sa narinig.

Kaya pala ang bruhilda, ang tamis ng ngiti nya sakin at may revenge palang isasampal sa akin!

Galit na sambit niya sa sarili.

Paano na to?

Mamumulubi na ba ako ng tatlong buwan?

Baling niya sa mga kaibigan.

Ng biglang bumukas ang pinto ng private room ng boss nila.

Anong okasyon?

Tanong ni Enrique ng lumabas siya at makita ang maraming supot na may pangalan ng mamahaling Restaurant.

Naku sir, dumating po ang mga pagkain na to, na nakapangalan kay Ms Sarmiento.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon