Chapter 38

7.2K 123 0
                                    

Chapter 38

"Oh my god! Im a daddy.!?" hindi makapaniwalang sambit ni Enrique at muling napaluha dahil sa kasayahang nararamdaman na magiging ama na siya sa magiging anak nila ng asawang si Rebecca. Ngunit sa kabila ng kasayahang nararamdam ay ang takot na sinasabi ng doctor na nasa panganib ang buhay ng kanyang anak na nasa sinapupunan ng asawa.

"Yes, Mr De Silva. But, the big problem is.." hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa nag aalinlangan sa pamilya ng biktima.
"What is it doc?" agad namang tanong ni Enrique dito.
"The problem is.. 95% na makukunan ang iyong asawa dahil sa matatapang ang gamot na dapat i-apply sa pasyente para ito ay gumaling." sagot naman ni Dr. Suarez dito.

"Doc, please, gawin niyo po ang lahat para mabuhay ang mag ina ko doc. Magbabayad ako kahit magkano, basta mailigtas lang ang mag-ina ko. Doc, please, nakikiusap ako. Iligtas niyo po ang mag-ina ko." mahabang saad ni Enrique habang panay ang pagtulo ng luha.
" Im sorry, Mr. De Silva. But I cant assured you to save the baby because the first trimester of a pregnancy is very crucial. Especially, the fetus is only a month. Which is mostly, hindi na makakasurvive because of the strong medicine that we need to apply to your wife for her recovery." mahabang sambit nito na lalong nagpaiyak kay Enrique at sa mommy nito dahil sa paliwanag ng doctor.
" But still, we try our best to save the baby. But we cant assured you for that. All we can do is pray for an another miracle na makakasurvive ang baby tulad ng pagkakasurvive ng ina. Walang hindi ibinibigay ang diyos sa atin. He knows what best for us. And he is the only one who can save the baby from danger." dagdag pa ni Dr. Suarez sa kanila.

"Dont loose your hope hijo. He will help us. Just believe and have faith on him at makakaligtas ang mag-ina mo. Manalig lang tayo sa kanya anak." sambit naman ng kanyang amang si Mr Kevin De Silva na niyakap ang umiiyak pa ring anak dahil sa natamo ng mag-ina nito.

"This is my fault dad.! This is my fault! Kung hindi dahil sa akin sana..
Sana, maayos ang kalagayan ng mag ina ko!" nagsisising sambit ni Enrique.
"Son, huwag mong sabihin yan. Mahal ka ng asawa mo, kaya niya nagawa ito dahil sa pagmamahal niya sa iyo." sagot ng kanyang amang yakap siya.
"No, dad." napailing sagot ni Enrique sa ama.
"Sana ako nalang ang tinamaan ng bala dad, Para hindi na nadamay ang asawa ko dito. Ang masakit pa dad, pati ang walang muwang na batang nasa sinapupunan ng asawa ko ay nadamay." muling saad nito sa ama.
"Sino ba talaga ang kalaban natin dad? At gusto niya akong patayin? Wala akong naalalang may nakasamaan ng loob para ipapatay ako at idamay pati ang asawa ko. Hindi ko ito matatanggap dad. Hinding-hindi ko matatangap pag may mangyaring masama sa anak ko!" galit ang nararamdamang saad ni Enrique sa amang patuloy siyang inaalo nito. Habang ang kanyang mama ay nakayakap sa ate niyang tulad niya ay naiiyak din dahil sa nararamdamang awa, pag-alala at pagkahabag sa nakikitang pagdurusa ng anak sa mag ina nitong nasa binggit ng kamatayan.

"Here." sambit ng doctor na inabot ang resita ng mga gamot kay Enrique.
"We have to observe first the patient for 48 hours. After that ay maari na siyang ilipat sa kanyang private room to continue her rest and recovery. I suggest to limit her visitors. Kasi kailangan niyang makapag pahinga ng mabuti for her fast recovery." muling sambit ni Dr. Suarez at nag paalam na sa kanila.

Napaupo si Enrique na napasabunot sa kanyang buhok dahil sa samot-saring nararamdaman para sa kanyang mag ina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para makaligtas ang kanyang mag ina.
"Im sorry son, but I promise, bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang kasama ng killer na nahuli kanina. At pipilitin ko siyang paaminin kung sino ang mastermind sa lahat ng ito." saad ng amang naawa rin at nag alala sa kalagayan ni Rebecca at magiging apo nito. Hindi naman makapag isip ng matino si Enrique dahil sa laki ng problemang kanyang hinaharap.

"Anak, umuwi ka muna at magpahinga. Kami na muna ang bahala dito ng daddy mo." sambit ng kanyang inang si Geline nang mapansin ang pagod na mukha ng anak.
"No ma." sagot niyang umiiling.
"Dito lang ako hanggang magising ang asawa ko." dagdag pa niya sa ina.
"But, Look at your self hijo. Maraming bahid ng dugo pa ang suot mo. Kailangan mong linisin ang sarili mo muna." muling saad ng kanyang ina na napatingin sa suot niyang amerikana na may bahid ng dugo ng asawa. Ngunit umiling na lamang si Enrique bilang sagot sa ina na hindi siya uuwi at iwanan ang asawa sa hospital. Napabuntong hininga na lamang ang mag asawang naawang tingnan ang sariling anak sa pinagdadaraanan nito ngayon.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon