Chapter 25

6.6K 130 0
                                    

Chapter 25

Halos di makagalaw si Rebecca sa kinatatayuan dahil sa nakita. Na sina Enrique at Celine ay nasa sofa at naghahalikan. At Para namang sinipa ang puso ng dalaga, kung kaya't dali dali siyang umalis palabas ng opisina bago pa makita ni Enrique.

Mga walang hiya! Kaya pala hindi na nagparamdam sakin, yun pala ay busy sa pakikapaghalikan sa bruhildang yun!

Galit na sambit ni Rebecca sa sarili. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili na huwag tumulo ang kanyang luha.

Namalayan na lamang niya ang sariling nakaupo na sa canteen, sa mesa ng dalawang kaibigan. Pigil pigil pa rin ang sakit at galit na nararamdaman sa binata.

Honey,
I have something to tell you..

Mahinang sambit ni Celine ng magsawa na itong magbasa ng mga magazine na nasa harap nito. Tinawagan niya kanina ang binata at ng malamang pabalik na ito sa opisina galing sa isang meeting ay nagpupumilit itong makipag kita sa kanya.

Hindi sumagot ang binata sa mahinang sambit ng nobyang si Celine. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Nag alala na siyang baka magalit ang nobyang si Rebecca sa kanya.

Kanina pa niya pinagsasabihan si Celine na umalis na pero ayaw nito. Mas gusto pa nitong tumambay sa kanyang opisina. Kayat heto at subsob siya sa sangkaterbang papeles na nasa kanyang mesa. Ngunit wala naman ang kanyang iniisip sa kaharap na mga papeles.

Dahil lumilipad naman ang kanyang isipan sa nobyang nasa labas ng opisina. Tiningnan niya ang orasang pambisig at mag aalas dose na nang tanghali. Tiyak na hihintayin siya ng kasintahan para sabay silang mananghalian.

Pero paano niya malapitan ang nobya kung nandito si Celine? Hindi pa nito alam ang tungkol sa kanilang dalawa ni Rebecca. Gusto na niya itong kausapin na at makipaghiwalay dito. Pero nag alala siyang mag eeskandalo ang dalaga dito sa opisina at sugurin ang kanyang nobya na ayaw naman niyang mangyari.

Honey?

Ulit na sambit ni Celine ng hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng nobyo.

Yes?

Sambit ni Enrique nang marinig ang medyo may kalakasang pagtawag sa kanya na napabaling ang tingin sa dalagang nakaupo sa may kaliitang sofa.

I said,
I..
I have something to tell you.

Ulit ng dalagang nagdadalawang isip.

What is it?

Maikling sagot naman ni Enrique na inilapag ang hawak na sign pen sa ibabaw ng mesa.

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nag salita.

Im pregnant.

Mahinang sambit ng dalagang napayuko.

What!?

Napatayong sambit ni Enrique dahil sa hindi inaasahang sasabihin ng dalaga.

How come na nabuntis ka Celine? Its been three months nang may nangyari sa atin. And im not sure kung may nangyari talaga sa atin that time!

Hindi makapaniwalang tanong ng binata sa dalagang nakayuko na nakaupo sa sofa.

Enrique--

No Celine!

Agaw na sambit ng binata sa sasabihin ng nobya.

Please tell me na hindi totoo ang pinagsasabi mo!

Dagdag pang sabi ni Enrique dito na mabilisang nilapitan ang dalaga sa sofa.

Yes Enrique.
Im pregnant. Im three months pregnant.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon