Chapter 27

6.6K 109 1
                                    

Chapter 27

Enrico!?

Sorpresang nabulalas ni Rebecca ng biglang lumuhod ang kasintahan at inilahad ang kumikinang na singsing sa kanya.

Halos nabibingi na siya sa hiyawan ng mga tao sa paligid habang mas lalo pa siyang napa iyak.

Hindi niya magawang magsalita dahil sa unExpected na proposal ng kasintahan sa harap ng fans at kapamilya niyang nasa concert ng pinsang si Noel.

Yes.!!!!
Yes.!!!!
Yes.!!!!

Malakas na sigawan ng mga taong nasa paligid.

PalangGa...
Will you marry me?

Ulit ni Enrique na nakaluhod pa rin. Kahit siya ay nabibingi na rin sa lakas na hiyawan ng nasa paligid. At nakaramdam na rin siya ng kaba ng hindi makasagot ang nobya sa kanyang proposal dito.

Yes.!
Yes.! Enrico.

Mabilis na sagot ni Rebecca ng ulitin ng binata ang tanong nito sa kanya.

Tsaka naman tumayo si Enrico at isinuot ang singsing sa kamay ng nobya at mabilis na niyakap ng mahigpit ito at hinalikan sa labi.

Sabay ng pagsagot ng dalaga sa proposal ng binata ay ang mas malakas na palakpakan ng mga fans ng binatang singer. Pati kapamilya nina Rebecca ay nagulat din sa ginawang pag propose ng binata sa kasintahan nito.

At sabay din ng pagyakap at halik ni Enrique sa nobya ay ang pagkikislapan ng camera sa paligid.

Tatlong kanta pa ang inawit ng pinsang singer ni Rebecca na si Noel at natapos rin ang concert nito. Duon na nagkita-kita lahat ng pamilya nila sa isang sikat na Hotel na pag mamay-ari naman asawa ng pinsan nilang si Amyra.

Congratulation ate!

Malakas na sambit ng kambal na sina Amyra at Alora at niyakap siya ng mga ito ng magkita-kita sila sa lobby ng hotel.

Malapad ang ngiting sinalubong naman niya ang mag kambal ng yakap.

Thank you.

Nakangiti niyang sambit sa dalawa.

Grabe ka ate ha. Witness pa lahat ng tao sa proposal sayo ni Soon to be Husband mo ha. 

Nakangiting sambit ni alora sa pinsan.

Oo nga ate, Infairness you surprised us. At ikaw na ang susunod na ikakasal.

Kinikilig na sambit naman ni Amyra.

Heh! Ikaw nga dyan eh. Ginulat mo rin kami, may asawa ka na pala ng di mo manlang pinaalam sa amin, na nagpa kasal pala kayo ng sekreto, at super yaman pa ng napangasawa mo ha!

Sagot naman ni Rebecca sa pinsang si Amyra.

Natawa naman ang kanyang pinsan at napatingin sa kambal nitong si Alora.

Buti naman at in good term na kayong dalawa. 

Saad pa ng dalaga sa dalawang kambal, ng biglang lumungkot ang mukha ni Alora.

Hi honey,

Tawag ni Carmilo sa kanyang asawa na si Amyra.

Napabaling naman ng mukha ang dalawang kambal at si Rebecca dito.

Ahm, may I excuse my wife for a while please?

Sambit nito sa kanila at tumango naman sila ni Alora na naiwang nakatayo sa lobby.

Alora?
Is there something wrong?

Puna ni Rebecca sa pinsang si Alora na malungkot na sinundan ng tingin ang kambal na kasama ang asawa nito.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon