Chapter 37

6.7K 132 1
                                    

Chapter 37

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong kay Rebecca ng dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Muli siyang pumikit at dahan dahan muling iminulat ang mga mata ng marealize niyang nakatayo siya sa napaka-magandang lugar na maraming bulaklak at nakadamit ng malinis na bestidang kulay puti. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at namangha sa mga nakita.
"wow! Amazing,is it a paradise?" tanong niya sa sariling masayang umiikot na nakataas pa ang mga kamay.
"wooohhhh! Ang ganda ng paligid.! I love it.!" malakas na sigaw ni Rebecca na tuwang tuwa habang patuloy sa pag ikot na tila ngayon lang nakakita ng napakagandang lugar. Hanggang sa bigla siyang napahinto ng mula sa malayo ay may makitang dalawang magkapareha na kumakaway sa kanya.

"Sino kaya yun?" nagtatakang tanong niya sa sarili na medyo pinaliit ang mga mata para mapagmasdang mabuti ang dalawang tao na tila mag asawa na masayang kinakawayan siya. Ganun na lamang ang pag liwanag ng kanyang mukha ng makilala ang mga ito na walang iba kundi ang kanyang magulang na matagal na niyang nami-miss.

"M-mama?" mahinang sambit niya ng makumpirmang ang kanyang magulang ang kumakaway sa kanya mula sa may di kalayuang kinatatayuan ng mga ito.
"Mama! Papa!" malakas at masayang sambit ni Rebecca na patakbong pumunta sa kinatatayuan ng kanyang magulang. Sabik siyang napayakap sa mga ito na ginantihan naman ng mag asawa ng mapagmahal na yakap ang nag iisang anak.
"Ma, Pa, nami-miss ko po kayo ng sobra. Huwag niyo na po akong iwan ma. Dahil miss na miss ko po kayo. Sasama po ako sa inyo, basta huwag niyo lang po akong iwan dito ma. Huwag niyo na akong iwan." naiiyak na sambit ni Rebecca na kayakap ang magulang. Hinahaplos naman ng kanyang ama ang nakalugay niyang mahabang buhok.

"Anak, hindi ka namin iniwan ng papa mo. Lagi lang kaming nandito, binabantayan ka namin anak." nakangiting saad ng kanyang ina na hinawakan siya sa pisngi at pinunasan ang kanyang luha.
"Hinding-hindi kami nawawala ng iyong mama. Lagi kaming nasa tabi mo at sinusubaybayan ka namin araw-araw anak." saad naman ng kanyang ama na niyakap din siya ng mahigpit. Napailing si Rebecca sa magulang at muling nagsalita.

"Basta ma, sasama ako sa inyo. Gusto ko na pong magsama tayong tatlo ni papa. Sasama po ako ma, pa. Sasama na po ako sa inyo." sagot niya sa magulang. Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang at ngumiting hinawakan siya sa kamay.
"Kung yan ang gusto mo anak, walang problema sa amin nang papa mo" sagot ng kanyang ina na nakangiting binalingan ang asawang masaya ring napayuko ito bilang pag sang-ayon sa tinuran ng asawa. Masayang niyakap muli ni Rebecca ang magulang at hinawakan na siya ng mga ito sa kamay at lumakad na sila na hindi niya alam kung saan sila patungo.

Nakailang hakbang na si Rebecca ng biglang may sumulpot na isang napaka cute na maliit na batang sa tantiya niya ay mag tatatlong taon na siguro, na kumapit sa kanyang bestida. At ganun na lamang ang pagkabigla niya ng makita ang mukha ng napaka-cute na batang hinihila ang kanyang bestida na tila pinipigilan siya sa pag-alis.
Pilit niyang inaalala kung sino ang kamukha ng bata ng biglang nagflash sa kanyang isipan ang mukha ng asawang si Enrique.
"E-enrico?" mahinang sambit niya na tinitigan ang batang pilit hinihila ang kanyang bestida.
"Mo-mmy." nakangiting sambit nito na tumingala kay Rebecca na naguguluhang napatingin sa magulang.

"Ma? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang sambit niya sa ina na binitawan ang kanyang kamay ganun din ang papa niya.
"Anak, may dapat ka pang balikan. Hindi mo pa oras para sumama sa amin ng papa mo. Marami ka pang misyon sa lupa at marami pa ang naghinhintay na iyong babalikan." nakangiting saad ng kanyang ina na lumapit sa asawa nitong nakangiti rin sa kanya.
"Tama ang mama mo anak. Kailangan mo pang bumalik sa iyong pinanggalingan dahil kailangan ka pa ng iyong anak." saad naman ng kanyang ama na niyakap ang kanya mama. Habang siya naman ay naguguluhang napabaling sa bata ang paningin ngunit wala na ito. Muli siyang tumungin sa magulang.
"Anak, huwag mong madaliin ang lahat. Lumaban ka at balikan mo ang taong nagmamahal sayo. Lalong lalo na ang magiging anak mo." saad ng kanyang ina at unti-unting naliliwanagan na siya sa pinagsasabi ng magulang at napayukong napahaplos sa kanyang tiyan. Nang muli siyang humarap sa magulang ay unti-unti na siyang napapayo sa kanila hanggang sa parang hinuhugot siya mula sa malalim na pagkatulog.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon