Chapter 36

6.6K 123 1
                                    

Chapter 36

Biglang namanhid ang buong katawan ni Rebecca ng bumaon ang isang matigas at mainit na bagay na malapit sa kanyang dibdib. Parang slow motion na ang tingin niya sa paligid na biglang nagkakagulo ang mga tao. Hanggang sa dahan dahan siyang natumba sa bisig ng asawang si Enrique na nasa likuran niya.

Shock ang unang rumihistro sa mukha ni Enrique ng marinig ang malakas na putok na di mawari kung saan nanggaling. Kasabay ng malakas na putok ay ang biglang pagkatumba ng kanyang asawa na agad naman niya nasalo sa kanyang mga bisig nang maramdaman ng sariling mga kamay ang mainit na likidong nagmula sa asawa at napasigaw siya ng makitang dugo ang dumaloy mula sa dibdib ng asawa.

"Re-becaa.!!" malakas na sigaw ni Enrique sa pangalan ng asawa habang ang lahat naman ay nagkakagulo na.

"Oh my god!" sabay sabay na sambit ng mga tao ng makitang puno ng dugo si Rebecca.

"No! Please no palangga. Please no.!" napapaiyak nang sambit ni Enrique sa asawang pilit kumakapit ang mga kamay sa kanyang damit.

"P-pa-langga.." nahihirapang sambit ni Rebecca sa asawa ng unti-unting nanlalata ang kanyang mga tuhod at napaupo sa sahig kasama ang asawang si Enrique.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" malakas na sigaw ni Mr De Silva. Mabilis namang lumapit ang kanyang ina at ate Nicole niya para daluhan si Rebecca.

"Palangga please, dont leave me. Kaya mo yan please live for me." naluluhang sambit ni Enrique sa asawa na hindi alam ang gagawin ng makitang nanginginig na pilit kumakapit ang kamay nito sa suot niyang amerikana.

"P-pa-langga.."
"Sshhhh.. Please, be brave palangga. Kaya mo yan diba. Huwag mo akong iwan palangga please." pabulong na agaw na sambit ni Erique sa asawang duguan habang niyayakap.

"P-palangga, t-tandaan mo m-mahal na mahal kita--" nahihirapang saad ni Rebecca na hindi nagawang tapusin ang sasabihin sa asawa ng bigla siyang binuhat ni Enrique at mabilis na lumakad palabas ng event hall ng Resort papunta sa kanyang kotse kasunod ang magulang nito at kapatid na si Nicole.

"Give me the key, I'll drive the car." sambit ni Mr. De Silva na kinuha ang susi sa anak at binuhay na ang makina ng sasakyan. Kakaalis lang ng kotse nina Enrique ng dumating ang mga pulis na mabilis namang rumisponde sa nangyaring pamamaril sa party nito.

Galit na tumakbo palabas ng event hall si Mr. Salazar para habulin si Naldo dahil sa palpak ang pagbaril nito kay Enrique. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nasundan siya Dave ng makita siya nitong nag papanic na umiikot ang mga matang tila may hinahanap na tao sa paligid ng magkagulo ang mga tao dahil sa narinig na putok na tumama kay Rebecca.

"Dave! Saan ka pupunta?" baling ni Karen sa binata ng humiwalay ito sa kanila.
"Sandali lang, hintayin niyo ako sa kotse at susunod tayo sa hospital." sagot naman nito sa dalagang nasa mukha pa rin ang takot at pag alala sa nangyari sa kaibigang si Rebecca. Mabilis nang sinundan ni Dave si Mr Salazar na nagmamadaling lumabas sa exit door na malapit sa stage.

"Naldo.!" sigaw ni Eddie ng makitang patakbo ang tauhan papunta sa kotse kung saan naghihintay ang kasamahan para sila ay makatakas. Nilapitan niya ito at galit na sinuntok dahilan ng pagtumba nito sa buhangin.
"Boss, sorry po. Mabilis kasing tumakbo ang babae kay Enrique kaya't sa kanya tumama ang bala." sagot ni Naldo sa kanya.
"Napakapalpak mong magtrabaho! At ngayon mapapahamak pa ako dahil sa kapalpakan mo gago.!" muling sambit nito na tinutukan ng baril ang tauhang hindi nagawa ang inuutos nito.
"Boss, wala namang ganyanan. Kukuha lang ako ng tyempo At Papatayin ko rin naman si Enrique pangako boss." pagmamakaawa nitong nakaluhod sa among si Eddie Salazar.

"Itaas ang inyong mga kamay!" gulat na napabaling ng tingin si Eddie sa kanyang likuran at makita si Dave na may kasamang mga pulis nang bigla siya itinulak ni Naldo dahilan ng kanyang pagkatumba sa buhangin at tumakbo ito palapit sa naghihintay na si Pedring sa kotse.
"Tigil!" sigaw ni Dave sa tumakas na lalaki ng marinig ang sunod sunod na putok mula sa baril na hawak ni Eddie Salazar na mabilis tumayo mula sa pagkatumba at hinabol ang lalaki.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon