Chapter 25-Sea Battle

878 25 4
                                    

Umakyat kami sa lighthouse kung nasaan si Thor. Mas kita kasi sa lighthouse ang pagdating ng kalaban kaysa sa pampang.

"Anong ginagawa mo dito Rhy buddy? Ipinadala ka ba ni General?"nagtatakang tanong ni Thor. I bet hindi pa niya alam ang tungkol sa pagiging spy ni Kurt. Hindi pa siya tiyak nakakausap ni Cross paano naman ay kung ano-ano ang inaatupag.

"Mahabang istorya. Walang oras para pag-usapan natin iyon sa sitwasyon natin ngayon."seryosong wika ni Cross. Sang-ayon naman ako sa kanya doon.

"Mabuti na lamang at nakaalis na si Aira,Drew at Jake."wika ni Thor. Mabuti na nga lamang at nakaalis na iyong tatlo.

Kinuha ko mula kay Thor ang teleskopyo. Naningkit ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang mga kalaban sa dagat. Armado sila at lulan ng mga speedboats at maliit na yate.

"Limang speedboat,isang yate."seryoso kong wika sa mga kasama ko.

"We need to move."Kurt.

Thor get into his duffle bag. Napangisi ako noong makita ko ang laman niyon. Handguns,bombs,magazine and bullets.

"Extra loads."inihagis niya sa akin iyong mga bala na nasalo ko naman ng kanan kong kamay at isang magazine sa kaliwa kong kamay.

"Prepared huh."

Inabot naman niya kay Kurt ang isang state of the art handgun. Mula sa ilalim ng papag ay may kinuha siya na dalawang machine gun na nakapagpasipol sa akin at isang battle rifle. Ibinigay niya sa akin ang isang machine gun at kay Cross naman ang isa.

"Sa akin itong rifle."wika ni Thor. I know Thor is ready to snipe them out.

"Tamang-tama itong machine gun sa speedboat. Tayo na doon."Cross.

"Sandali. May earphone ako dito."mula sa bulsa ay kinuha ni Kurt ang mga wireless waterproof earphones at binigyan kami ng tag-iisa. We put each in our ears.

"Baka kailanganin din natin ito."may inilabas na lubid si Thor na may pangawit. Nakarolyo iyong lubid at isinabit niya sa balikat niya. Tama,kailangan namin iyong lubid kung aakyatin namin ang yate.

Nagkakaintindihan kaming nagtanguan. Bumaba na kami sa lighthouse. Tatlo lang ang speedboat. Iyong dalawa ay malapad na pwedeng ipwesto ang machine gun habang iyong isa ay parang style motor lang. Doon sa dalawang malapad tag isang nakasakay si Kurt at Cross habang kay Thor iyong parang motor lang. Ni-check muna namin ang gas at nung matiyak na full tank ay saka sinakyan.

"Hop in Katty."I smiled at my brother. My heart felt warm when he is calling me Katty.

"Sa akin sasakay si Katarina."Cross said in a cold tone. Hinila niya ako palapit sa kanya. Nangunot ang noo ni Kurt. Walang oras para makipagtalo pa ako kay Cross kaya sumakay na ako sa likod niya.

"Ikaw na ang gumamit nito."iniabot ko kay Kurt iyong machine gun tutal ay mayroon din si Cross.

Inayos muna nila ang machine gun sa speedboat pagkatapos ay napagkasunduan namin na salubungin na ang mga kalaban. Hindi na namin hihintayin na makadaong pa sila dahil baka madami pang inosenteng tao na madamay. Naghiwahiwalay ang speedboat namin. Ni-fully load ko iyong baril ko at ikinasa. Hindi nagtagal ay palapit kami ng palapit sa kanila.

"Shit."mura ko noong paulanan nila kami ng bala.

Pinaputok ni Cross ang machine gun namin habang pasikot-sikot ang andar ng speedboat ganoon din ang pagpapatakbo ng kalaban. Inasinta ko ang driver ng isang speedboat na may angkas na isa. Magalaw ang speedboat pero dahil bihasa kami ay napabagsak ko pa din ang target. Bagsak iyong driver sa tubig. Pagtingin ko sa angkas nito ay mulat na mulat ang mata habang may tama ng bala sa gitna ng noo at gitna ng mata bago walang buhay na bumagsak sa dagat.

Marine Gals: Katarina Santa(Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt