ilong 3 - Ang Pabitin... bow!

Start from the beginning
                                    

Nagsimula na yung event. Pinasayaw kaming lahat pero si Given tsaka Ralph nanunuod lang. Gara ng dalawang to.

Tapos hinawakan kami ni Jenny nung isang Pulp staff tsaka pinapunta ng stage kasi daw chosen kami sa dance showdown hahahaha!

Grabe kinakabahan ako!!

"Let's welcome our first pair, (pangalan nung kung sino man sya) and Millicent!" - yung mga MC.

No More Dream yung tugtog! PAngalawa kong nagsayaw.

Nasayaw ko naman pero feeling ko kulang yung ginawa ko kaya ako natalo. Natalo din si Jenny kasi Boy In Love yung tugtog tapos sa part pa ni JHope eh ang alam lang nya yung parts ni V kaya naiyak sya pagkababa nya. Pero mas lalo syang naiyak sa consolation prize nya!

Nagpunta kami ng BTS Fiesta para din makabili sya ng ticket pero akalain mong nakalibre pa sya ng 7k dahil sa pagkatalo namin sa dance showdown. Kpop Dance Workshop naman with Mr. Son yung nakuha ko. Yung choreographer ng BTS. SHET OPPA!!!!!!

Pinipilit namin si Given tsaka Ralph na sumali kaso ayaw talaga nila. Putek tong mga to.

Dumating na din naman si Mae tapos naabutan namin si Given at Jenny na kumakain ng cup noodless.

"Dun tayo sa pabitin! BAka may ticket!" -Ralph.

"Kayo na lang haha" - Given

Nagpunta kami ni Jenny at Ralph sa ilalim ng pabitin in case na gawin na nila. Si Mae at Given naman nandun lang sa gilid. Tapos bigla silang nawala, nagpunta pala dun sa tapat ng stage para panuorin yung Se-Eon.

Sa wakas pabitin time na! Kaso bat parang ang sikip na? Kanina kaunti lang kami...

Putek di na ko makahinga!

KFest all over again ba to?! Yung pinsan ko lagi na lang naiipit hahaha!

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ang daming ampao sa dalawang pabitin natin, right?" -MC  #1

"Ang makakakuha ng mga yun ay makakatanggap ng surprise from Pulp!" -MC #2

Eh putek! Kaya naman pala biglang dami ng tao! I-announce ba naman?! Pero sabagay, kaya nga sila naglagay nun eh. Pero unfair! Dapat figure it out ourselves na lang! Dejk.

Nagstart nang igalaw yung pabitin. Shete! Nasisiksik na kami!

Oy putek di ako makahinga!!!

Habang nagkakagulo kami, biglang natanggal sa pagkakatali yung alambre na pinagkakabitan ng pabitin na pinwestuhan namin.

Taehyung babexs bente syete ikaw lang sapat na walang titibag! Mahiwagang malaking ilong no Jungkook! Gilagid ni Suga! Kayo na bahala sakin! Huhu!

May nakatulak sakin kaya napahiga ako. Bigla na lang sumakit yung lower part ng katawan ko. Nadaganan ako ng ibang sumali.

Pucha naman yung lalaki. Taba taba nya eh nakitang nadaganan na ko di pa umalis.

Naubos yung mga nakasabit kaya nag alisan na sila. Naiwan ako dun nakaupo sa lapag. May lalaking lumapit sakin tsaka ako tinulungan tumayo.

"Okay ka lang?" - Lalaki

Tumango lang ako kasi hindi ako makahinga ng ayos.

Linapitan na ko ni Given. Sumunod naman si Jenny at Ralph.

"Tara dun tayo." - Given

Inalalayan ako ng Given at Jenny papunta dun sa malapit sa entrance para umupo.

"Nasan si Mae?" -ako

"Nandun naniningin ng merch." -Given

Bumalik din naman agad si Mae.

"Uy Milli, ok ka lang? Dapat kasi di na kayo nakigulo eh." -Mae

"Oo nga. Tingnan nyo kami ni Mae." -Given

"Sayang naman eh." -Ako

Habang nagrereklamo kaming tatlo nila Jenny at Ralph tungkol dun sa lalaking mataba, hindi pa din ako makahinga ng ayos tapos ang sakit pa ng binti tsaka pwetan ko. Bwisit talaga.

May lumapit na dalawang babae samin, kinausap nila si Given.

"Eto oh" - Girl #1

Nagabot sila ng Vicks. Kinuha yun ni Given tapos binigay sakin. Inamoy ko pero wala pa din eh. Kaya inabot ko ulit kay Given tapos binalik nya sa mga babae.

"Ayaw?" -Girl #2

"Ayaw daw eh. Salamat pa din." - Given

Nginitian sila ni Given tsaka sila umalis.

Di din nagtagal nakahinga na ko ng ayos kaya nagyaya na ko umuwi.

Ilong ni Jungkook (BTS Fanfic)Where stories live. Discover now