CHAPTER X; Hoodlum

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh? Ang aga mo yata ngayon"? Naghihikab pang sabi ni Aaron.

"Ah. Nagising kasi ako ng 5. Sinubukan kong matulog ulit, pero ayaw na ng katawang lupa ko, kaya nilubos ko na".

"Ah ganon ba? Sige at ipag handa mo na ako ng pagkain, alipin".

"May kamay ka. Bahala ka sa buhay mo". Inirapan ko siya samantalang tinawanan niya lang ako.

"Sige na. Maliligo lang ako tapos kain na tayo. Gisingin mo na rin si Yaya". Sabay kuha ng twalya niya at pasok sa cr.

Inayos ko muna yung lamesa bago ko ginising si Yaya.

"Yaya? Gising na po. Kakain na". Sabay bukas ko sa pinto ng kwarto niya. Napakurap pa ako ng ilang beses bago masanay ang mata ko sa dilim ng kwarto niya.

"O'sige ija. Susunod na rin ako. Magliligpit lang ako".

Pumunta na ulit ako sa kusina at sinimulang kumain.

Bahala na sila. Nagugutom na ako eh.

Hindi nag tagal, lumabas na rin ng cr si Aaron.

"Hoy! Ang daya mo. Bakit ikaw kumakain ka na? Hindi mo man lang kami hinintay ni Yaya? How could you"?

Napahawak pa siya sa dibdib niya. Napailing na lang ako sa ka OA-yan niya.

"Ang OA mo. Kung binibilisan mo kaya, ano"? Napakamot na lang siya sa likuran ng ulo niya at umakyat sa kwarto niya. "Bilisan mo"! Pahabol na sigaw ko sa kaniya.

Sakto namang patapos na ako ng kain, nang dumating si Yaya kasunod si Aaron.

Pumwesto sila sa kani-kanilang upuan at nagsimulang kumain.

Ako naman umakyat na para magbihis ng pang pasok ko. Nakita ko pang nakangusong tumingin sa akin si Aaron na ikinatawa ko. Tinignan ko ang oras sa phone ko.

Shocks. 6:30 na. Bakit ang bilis ng oras?!

Bumaba na agad ako pagkatapos kong mag-ayos.

"Una na po ako Yaya, Aaron".

"Tsk. Paasa"! Para siyang bata. I just rolled my eyes.

"Punta ka na lang rin mamaya sa unknown. Pinapapunta ako ni Ralph after ng class ko eh".

"Bakit daw"?

"Ewan ko. Basta miss niya lang daw ako makabonding sabi niya".

"Ah."

"Sige na. Una na ako. Maglalakad lang rin ako eh. Exercise na rin".

"Ingat ka! Baka pumayat ka".

Hinalikan muna ako nito sa ulo bago ako nagpaalam at tuluyan nang umalis.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang pumasok sa isip ko si Montallana.

Magaling na kaya siya? Okay na kaya siya? Papasok kaya siya mamaya? Bakit ko nga ba siya iniisip? Nahihibang na ba ako? Asar na napailing ako.

Pagkapasok ko ng room, nakita ko ang tatlong mga mukhang clown sa kapal ng make up na umaway sa akin kahapon na masama ang tingin sa akin.

As if naman na apektado ako sa mga clown na katulad niyo. Inirapan ko ang mga ito bago tuluyang pumunta sa upuan ko.

Hindi rin nagtagal dumating na rin si Ms. Fuentez at nagturo. Salita lang siya ng salita. Ako? Ayon. Lutang na naman ang isip. Siguro dahil ang aga kong nagising? O dahil kay... Hindi. Dahil maaga lang talaga ako nagising siguro. Oo. Tama, tama. Dahil nga roon.

Nang magbreaktime na, dumeretso agad ako sa canteen at bumili ng pagkain. Pagkabili ko, agad naman akong dumeretso sa tinatambayan ko. Sa likod ng gym, sa ilalim ng puno.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon