Chapter 37: Good old days

Comenzar desde el principio
                                    

"If I let you love me, be the one adored, would you go all the way? Be the one I'm looking for? If I let you love me, (If I say,) be the one adored, (It's okay,) Would you go all the way? (Stay,) Be the one I'm looking for?"

Hindi nila napansing tumahimik na ang iba at sa kanila na nakatingin. Ang ilan ay napatigil sa kani-kanilang gawain at nakatutok na ang mga mata sa kanila. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Para akong biglang nagising sa isang magandang panaginip at muling bumalik sa kasalukuyan ang lahat. Sa isang iglap, tumigil ang musika at naglaho ang dalawa mula sa paningin ko, alaala'y tuluyan nang nilamon ng panahon.

Kinapa ko ang bulsa ko, dinukot ang nasabing bagay at saka binasa ang natanggap na mensahe mula sa kaibigan ko.

From: Allen

'Tol asan ka na? Malapit nang mag-umpisa ang program.

Agad ko naman siyang ni-reply-an.

To: Allen

Ito na, pupunta na.

Pagkapindot ko ng send button ay muli kong pinasadahan ng tingin ang buong silid.

This trip brings back a lot of memories, nasabi ko nalang sa sarili.

Pumikit ako, huminga nang malalim at bumuga ng hangin. Matapos ay saka ko muling idinilat ang aking mga mata, tumalikod at naglakad papunta sa gym kung sa'n ginaganap ang nasabing pagtitipon.

Pagdating ko sa gym ay nagsisimula na ang program. May nagsasalita na sa podium kasabay nang nagpi-play na slideshow sa unahan. Nagtungo ako sa table na kinalalagyan ng mga kabarkada ko. Agad nila akong sinalubong ng bati.

"Wala ka talagang kupas! Late ka na namang dumating," nakangising bati ni Allen na may kasama pang pagtapik sa balikat ko.

"Sira! Kanina pa ako na'ndito. Nawili lang ako sa paglilibot dito sa campus," sagot ko, sabay upo sa silyang katabi niya.

Buo na sana ang barkada, kaso wala pala siya. Pati mga kasintahan nila, kasama pa. Ako, mag-isa lang na pumunta rito. Saya. Umasa pa naman akong kahit pa'no, pupunta siya. Kaso nabigo na naman ako. Sinabi niya na namang hindi siya dadalo. Sadyang tanga lang talaga ako.

"O, asan ang girlfriend mo? Bakit hindi mo sinama?" usisa ni Aero. Buti nalang narito siya, para may karamay ako sa pag-iisa. (Tangina, ang drama).

"Busy siya kaya hindi nakasama," sagot ko habang nakatuon ang tingin sa unahan. Nakatingin ako sa mga pinapakitang larawan sa slideshow.

"Busy? Kailan pa siya naging busy? Samantalang hindi kayo mapaghiwalay. Laging magkadikit," hirit ni Nica.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Imbis na sumagot ay tinuro ko ang larawang ipinakita sa unahan.

"Ang dudugyot pala natin dati," natatawa kong sabi. Lakas maka-throwback! "Si Patrick, mukhang itlog pa ang ulo! Totoy na totoy! Kalbo kinis kintab!" dagdag ko pa na sinamahan ng malulutong natawa. Pati sila, nahawa sa tawa ko.

Bed friends? (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora