𒊹𝙲 𝙷 𝙰 𝙿 𝚃 𝙴 𝚁 𝚃 𝚆 𝙴 𝙽 𝚃 𝚈 - 𝙵 𝙾 𝚄 𝚁𒊹

34 0 0
                                    


★Chapter 24★

-SOFIA-

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang puting kisame, ginala ko ang aking paningin at tinignan ang bultong nakatungo katabi ng kama ko

"Nicholas...." mahinang tawag ko sa kanya, agad itong gumalaw at tinignan ako, lumaki ang mga mata nito at dali dali akong hinawakan at tinignan ang kalagayan ko


"Baby...ayos ka lang ba? pinag alala mo ako ng sobra" sabi nito sabay halik sa aking noo, napapikit ako dahil doon


"Oo okay lang ako, atsaka kailangan ko nang bumalik sa school, may special test pa kami" akmang tatayo na ko ng pigilan ako ni nicholas

"Put*ngina naman sofia!, isipin mo muna sarili mo bago yang test na yan!!" galit na galit ang mukha nito sa akin, napayuko na lang ako

"eh hindi na sila mag papatest kapag may na late o wala sa room" paliwanang ko baka sakaling tumalab

"Edi kakausapin ko yang prof mo, maiintindihan niya yun" sabi nito sakin kaya napabuntong hininga na lang ako

"Btw pumunta na yung parents mo, alalang alala sila sayo, wag ka daw masyadong magpapalunod sa mga school projects, activities, at reporting niyo" tumango na lang ako at tinuro yung apple na nasa tabi ng kamang hinihigaan ko

"Sige pag babalatan kita, sandali lang" pinapanood ko lang siyang balatan ang mga mansanas na nasa lamesa ng kwarto

"Dadalaw ba ulit sina mommy??" tanong ko sa kanya, tumango naman ito at lumapit sakin

"Baby naman kung may sakit ka sabihin mo sa akin, hindi yung tinatago mo pa sakin, rely on me sometimes please" ayaw ko sa lahat is yung nakikita ko na nagkakaganito si nicholas sakin

Napabuntong hininga na lang ako at tumango "Sorry rin, balak ko naman bumili ng gamot kaso nakalimutan ko, atsaka akala ko di naman lalala" sabi ko dito at napa iling ito

"Hay nako kung sinabi mo sakin, ako mag aasikaso sayo, bibili kita ng gamot" niyakap ko siya ng mahigpit

"Salamat sa pag aalaga sa akin, pasensya na kung nag bibigay lang ako ng problema sayo" hinalikan niya ko kaya't hinalikan ko siya pabalik

"Aalis lang ako saglit, mag ccr lang ako at bibili na din ako ng pagkain mo, hintayin mo ko" sabi nito sa akin kaya tumango ako sa kanya

Maya maya pa ay bumukas ang pinto "Nicholas ang bilis mo naman bum--" nagulat ako ng hindi si nicholas ang nadatnan ko kundi si Luke

"Luke bakit ka andito??" gulat na tanong ko sa kanya

Ngumiti siya sakin "Nag aalala kase ako sayo eh, nga pala nagdala ako ng mga prutas" nag pasalamat naman ako sa kanya

"Umalis saglit si nicholas bumili siya ng pagkain namin" tumango naman ito

"Kamusta naman ang relasyon niyo?" ngumiti naman ako dito

"Sobrang saya, napakamaalaga niya sakin" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Good for you" napatawa ako ng mapakla, shet ang awkward

"ah-eh s-salamat, sana makahanap ka rin ng iyo" sabi ko dito bago binawi ang kamay ko at kunyaring kumuha ng masanas upang di mahalata na naaawkwardan na ako

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si nicholas na nakangiti, pero nang makita si luke ay nag seryoso ito

"What are you doing here?" seryosong tanong nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Possessive Bestfriend (BS: 1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now