Chapter Sixteen

Beginne am Anfang
                                    

"Good morning, sir/ma'am!" nakangiting bati sa'min ng cashier, "May I take your order?"

"Two Large Size Frappé and Two Chocolate Moist Cake" sabi ni Sir Andreus matapos nitong tingnan ang LED TV kung saan ipinapakita doon ang mga pwedeng order-in.

"475 pesos, sir" sabi ng cashier.

Mabilis kaming nagbayad at nagtungo sa isang table at doon pumwesto. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras.

Ilang minuto rin ang lumipas ay dumating na ang mga in-order ni Sir Andreus. Inilapag ng waiter sa ibabaw ng table namin ang mga in-order nga ni Sir Andreus saka ito nagsalita, "If you need something, sir. Don't hesitate to call us" at umalis na ito.

Nginitian ako ni Sir Andreus saka kami nagsimulang kumain.

"Sir, thank you dito, ah" pasalamat ko sa kaniya.

"Anything, for you" nakangiting sagot niya.

Nagtagal pa kami doon sa coffee shop habang naguusap-usap tungkol sa mga ganap ng buhay namin. Nakakatuwa siya kasama kasi mayr'on siyang sense of humor. Tawa pa ako ng tawa habang nagku-kwento siya.

Ngunit bigla akong napatingin sa labas ng coffee shop nang may maramdaman ako. Tumingin ako sa taas ng isang condominium building na nasa harap lang ng coffee shop kung nasaan kami. Sa tuktok n'un ay may nakita akong babae na kulay itim at may dalawang pakpak na hindi ko alam kung ano'ng hitsura dahil sa sobrang layo niya sa'min ngunit alam kong nakayuko siya at sa'min— sa akin siya nakatingin.

"Layca?"

Napatingin ako kay Sir Andreus nang tawagin niya ako, "H-Huh?"

"I'm calling your name, I don't know how many times but you were not answering" sabi niya ngunit parang ni isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan, "You look so pale and I think, something is bothering you. Tell me, what is it?"

"W-Wala" na-utal kong sagot pero nanatili siyang nagtataka ang tingin sa'kin at mukhang hindi siya kumbinsido, "May n-napansin lang ako"

"Don't think about it" nginitian niya ako pero parang may something sa ngiti niya.

"Sir, may chocolate ka pa po sa ngipin" sabi ko sa kaniya na ikinatigil niya. Agad niyang isinara ang bibig niya at tumalikod.

Matapos ang pagu-usap naming 'yon ay napag-desisyunan kong bumalik na sa kompaniya dahil baka hinahanap na pala ako ng mga tao doon tapos ako, nasa coffee shop at nakikipagharutan kay Sir Andreus.

Sumakay na kami sa kotse niya at agad niya 'yong pina-andar. Hindi rin naman nagtagal ang biyahe at nakabalik na kami sa kompaniya.

"Thank you for today" nginitian niya ako pagkalabas ko ng sasakyan.

"Doon na po ako, sir" sagot ko sa kaniya saka ko siya nginitian at tinalikuran.

Sinundan ko pa ng tingin ang sasakyan niya na papalayo na ngayon at nang mawala na ay humakbang ako ng isa sa hagdan paakyat ngunit natigilan ako nang makita ko si Mr. Tierro na nakatayo sa dulo at nakatingin sa'kin.

"So, you were not inside because you were with him on the outside" sabi niya habang nakapamulsa pa.

"Ha?" takang tanong ko sa kaniya.

"I was looking for you and you weren't here" sagot niya dahilan para mapalunok ako.

"O-Okay ka na ba, sir?" pagi-iba ko ng usapan.

"Mamamatay na ako kanina tapos nakikipaglandian ka pa" inis na sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya sa kaniyang mga mata.

"Akala ko ba, kaya ayaw mo akong sagutin eh kasi may hinihintay ka?" tanong niya at naramdaman ko namang nagsalubong ang mga kilay ko, "Nang dumating siya, parang wala kang hinintay, ah"

"S-Sir, parang wala naman ho yata kayong k-karapatan na magalit" sabi ko sa kaniya saka ako akmang maglalakad ngunit napahinto ako nang magsalita siya.

"I have my rights because you are mine" sabi niya na nakapagpabilis sa tibok ng puso ko, "You're only mine, Layca"

Nilingon ko siya at nakitang malungkot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Pero wala 'yong nagawa. Inayos ko ang buhok ko at naglakad papasok ng kompaniya.

Mabilis akong sumakay sa elevator na walang laman at nang akmang sasara na ang pintuan ay biglang iniharang ni Mr. Tierro ang kamay nito dahilan para bumukas muli ang pintuan ng elevator.

Pumasok siya at nang akmang lalabas ako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. Sumara na ang pintuan ng elevator at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang bewang ko at siilin ako ng halik.

Ramdam na ramdam ko ang napakalambot nitong mga labi habang ang kamay niya ay kung saan-saang parte na ng katawan ko napunta at tumigil lang ito nang mapunta ang mga kamay nito sa dibdib ko.

Isinabit ko ang mga braso ko sa batok niya at tinugunan ang kaniyang mga halik. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan habang pilit na pinapasok ng kaniyang dila ang aking bibig. Hinayaan ko siya at pumasok na nga ang kaniyang dila sa aking bibig na talagang napakalikot.

"Uhm..." ungol ko pero agad kaming napahinto nang tumunog ang elevator.

Agad kaming nag-ayos ng tayo at naglakad palabas. Napahawak ako sa dibdib ko, sa tapat ng puso ko nang maramdaman ko ang napakalakas na tibok nito. Parang gusto na nitong kumawala at sumabog sa loob.

Tumingin ako kay Mr. Tierro nang mapansing tumigil ito sa harap ng desk ko, "I love you and I will do everything just to receive my 'I love you too'" nginitian niya ako bago siya pumasok sa loob ng opisina niya habang ako naman ay naiwang tulala at halos hindi na gumagalaw.

Agad lang akong nabalik sa ulirat nang may tumawag sa landline dito sa desk ko.

•~•

The Half Blood Prince [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt